"Marcus, pwede mo ba akong ihatid." Umangat ang isang kilay ni Syn ng marinig ang sabi ni Vienna.
Napairap s'ya sa hangin, "Marcus pwede mo ba akong ihatid." Panggagaya nyang sabi habang pa irap irap sa hangin.
Hindi pa talaga ito nakuntento kahapon, sinira nya ang araw ko kahapon pati pa ngayon? Nakikikain na, magpapahatid pa. Abuso 'to ah, ang yaman yaman dito nakikipag tanghalian kapal ng libag sa mukha.
Nilingon s'ya ni Marcus kaya sinamaan n'ya ito ng tingin. Subukan mo lang ihatid yang mukhang kabayo na yan, sa labas ka talaga matutulog mamaya.
"Please..." Sambit nito ng makitang nag aalinlangan si Marcus.
"Oh ano pang hinihintay mo? Ihatid mo na yang brand new mong asawa." May diin n'yang bulong dito saka umalis, tinigilan sya ni Marcus kaya mariin n'ya itong tinitigan at nagmartsa palabas.
Inis n'yang sinipa sipa ang mga bato sa labas ng bahay, Hindi talaga sya sumunod? Hinatid nya talaga yung babaeng yun? Uunahin nya pa yun kaysa sa akin?
Huminto s'ya sa silong ng isang puno dahil sa sobrang init, tirik ang araw pati na ang mata nya kakahintay sa bulto ni Marcus na susundo sa kan'ya at sasabihing, "Hindi ko sya hinatid."
Napalingon sya sa ibang gawi ng marinig ang ingay ng mga kabayo, napangiti s'ya mg makita ang isang kulungan ng mga kabayo, lumakad s'ya papalapit dun at nakita n'ya ang isang matanda na nagbibigay ng pagkain sa mga kabayo. Kung hindi s'ya nagkakamali ay asawa ito ni manang Isabel.
Tumikhim s'ya para agawin ang atensyon nito.
"Magandang hapon po Ma'am." Sambit nito. Ngumiti at tumango sya rito, wala kasing maganda sa hapon n'ya.
Lumapit s'ya isa-isa sa mga kabayo, halatang alagang alaga dahil sa matitipuno nitong katawan at magagandang kulay. Bawat kabayong nadadaanan n'ya ang hinahaplos n'ya, maliban sa kabayong sinakyan ni Vienna kahapon.
Huminto s'ya sa harap ng isang itim na kabayo, ang mga paa lang nito ang mapuputi, it's a high breed stallion. Kitang kita sa katawan nito. Nilapat n'ya ang kamay sa mukha ng kabayo at pumikit naman ito.
"Mukhang nagustuhan ka ni Roger Ma'am." Sambit ni manong saka nilagyan mg tangkay ng palay ang kwarto ng kabayo.
Roger, nice name.
"Mukha nga.." Ani n'ya at masuyong hinaplos ang maganda nitong balahibo.
"Bihira lang po yan Ma'am, ako at si sir Marcus lang ang nakakahawak sa kanya." Mahilig pala sya sa kabayo? Bakit hindi ko alam yun? Bakit hindi nya sinabi? Hindi ako inform.
"Kahit po si Ma'am Vienna ay hindi pa nahahawakan ang kabayong yan, para kasing magkasalungat sila ng dugo ni ma'am Vien." Napa ismid s'ya, Deserve.
"Pwede ba kaming maglakadlakad ni Roger manong?" Tumango lang ito kiya hinawakan nya ang lupid nito at binuksan ang talangkahan ng kabayo.
Marahang sumunod ito sa kan'ya, inaamoy amoy ng kabayo ang buhok n'ya. Lumapit kami sa isang malaking bato para makaayat sya sa likuran ng kabayo.
"Ingatan mo ako ha." Bulong n'ya rito tsaka umakyat sa bato at umangkla sa likod ni Roger.
Hinila n'ya ang tali at hindi ito umangal pa, pinuntahan namin ang mga magagandang lugar dito sa Isla sinuyod namin ang boung paligid, para malibang n'ya ang sarili, para mawala na rin sa isip n'ya ang nakakainis na si Vienna. At kailangan n'yang masulit ang mga araw na nandito pa s'ya, ang magandang tanawin at masariwang hangin na nakakahalimuyak, this island can be called paradise because of it's possess beauty kaso may mga demonyo na nakatira, isa na dito ang hampaslupang mukhang kabayong si Vienna.
BINABASA MO ANG
TPC1: Unmasking The Organization (COMPLETED)
ActionNascosta La clausola sei zero cinque uno, every individual in the organization shall mask the organization by all means. Like the wind, the organization is felt but not seen. Guilty people will feel the scourge of the organization but they cannot se...