Chapter 23

93 4 0
                                    

Nakabibinging ingay ng ambulansya at ng puso ni Syn ang tanging naririnig niya, nanunuyo ang kalamnan niya habang nakatulalang nakatingin sa asawang binababa sa ambulansya na naliligo sa sariling dugo.

"Marcus...." Bulong nya habang nakatitig sa asawa na nakaratay at naliligo pa rin sa sariling dugo.

Napapikit siya habang iniisip ang nagawang katangahan. Sa simula pa lang pinoprotektahan na siya ng asawa niya, simula pa lang nilalayo na siya nito sa kapahamakan. Ang tanga niya para hindi iyon mapansin.

"M-marcus...." Bulong niyang muli habang nililipat ito habang tinutulak ang hinihigaan nito ng mga nurse.

Isang hakbang pa lamang niya ay may humawak na kamay sa braso niya, paglingon niya ay sabay pagtama ng isang malakas na sampal sa kanyang pisngi.

Parang niyanig ang kaniyang kaluluwa dahil sa lakas ng pagkakasampal.

"This is all your fault!" Sigaw ni Nisha habang namumula sa galit.

Tama siya kasalanan ko.

Wala siyang nagawa kundi ang humaguhol na lamang at napaupo dahil sa panlalambot ng mga tuhod niya.

"Sorry..." Tanging lumabas sa labi niya habang nagsisiunahang tumulo ang mga luha niya.

I deserve it, I am so selfish.

Akmang susugurin siya muli ni Nisha ng pigilan ito nina Bogart at Ashton.

Tinitigan siya sa mata ni Bogart at nagsalita.

"Puntahan mo si Marcus, he needs you."

Ni hindi niya nakuhang sumagot agad siyang kumaripas ng takbo patungo sa emergency room, naririnig niya ang pag inda at reklamo ng ibang tao na kaniyang nababangga pero hindi niya ito pinansin.

"Doctor Khien Rovan, please proceed to the emergency room." Rinig niya sa malakas na boses ng babae mula sa spreaker.

Hindi niya ito pinansin dahil ang tanging gusto niya ay makita ang asawang nasa mabuting kalagayan. Papalapit na siya sa pinto ng emergency room ng pigilan siya ng dalawang nurse.

"Ma'am, bawal po kayong pumasok." Sambit ng Isa habang nakaharang sa kaniyang at ang isa naman ay sinirado ang pinto.

"Kailangan ako ng asawa ko..." Parang wala sa sarili niyang bulong. Parang lumulutang siya sa kaba at nakakabinging kalabog ng puso niya.

"Pasenya na po ma'am, bawal po talaga kayo sa loob." Sambit ng isa.

"What the hell! Papasukin niyo ako-"

"Syn!" Sigaw ng isang lalaki, it's Kael.

Paglingon niya ay wala siyang sinayang na oras, agad siyang tumakbo habang nag-uunahan muling tumulo ang kaniyang mga luha. Nang makalapit siya sa kapatid ay mahigpit niya itong niyakap.

"K-kuya... Si M-marcus..." Paghinapis niya.

"Kasalanan ko, kasalanan kong lahat. Kung nakinig lang sana ako. Kung hindi lang sana ako nagpabulag sa galit!" Pagsisi niya sa sarili.

"Shhh! Calm down, he will be fine." Kael whispered ang brush her hair with his fingers.

Ramdam ni Kael ang paghigpit ng yakap ni Syn, alam niyang gusto nitong itago ang mga hikbi niya. Hinayaan lang ito ni Kael, alam niyang mahihirapan ang kapatid sa sitwasyon nito ngayon. Kung hindi lang siya matatag na babae ay matagal na siyang sumuko sa hirap ng pinagdaanan nilang mag asawa.

Unti unti niyang naramdaman ang pagluwag ng yakap nito, nakarinig siya ng ilang ingay ng hakbang kaya napaangat siya ng tingin at makita niya ang tatlo nitong kaibigan. Si Kristen, Keith at Jean.

TPC1: Unmasking The Organization (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon