Isang malambing na paghaplos ang gumising sa diwa ni Krunox.
"Mom?" Nangangatal ang kaniyang mga labi sa nakita, unti-unting nanubig ang mga mata nito habang haplos nito ang kaniyang pisngi.
"Hindi ka na sana umawat, anak." Nanigas siya sa sinabi nito. It felt deja vu.
Gusto niyang yakapin ang Ina pero hindi makagalaw ang kaniyang kamatawan, na para bang hindi siya ang may kontrol nito. Bumangon siya at napansin niyang nasa harden siya ng bahay ng mga Miller.
"Hindi ko po mapigilan, hindi ko po kayang tingnan ka lang habang sinasaktan ka niya." Napahagulhol si Sentia sa narinig sa sariling anak.
"Sorry, anak.." iyon lang ang salitang lumabas sa bibig nito ngunit nanikip ang puso ni Krunox sa narinig, ilang ulit niya na itong narinig at nakitang umiyak dahil sa kagagawan ng sarili nilang Ama.
"Mommy, are you okey?" Munting boses iyon ni Marcus na nasa kanilang likuran, kita niya ang pagpalis ng sariling mga luha ng Ina at pilit ipininta ang sa mukha ang magiliw na ngiti.
"Oo, anak. Ayos lang si Mommy. Bakit kayo lumabas? Hindi pa namin kayo nahahanap ni Kuya ah." Lumapit ito sa kanila habang nakatiim bagang na nakatitig sa mukha niya. "Asan si Nisha?" Pilit inaagaw ni Sentia ang atensyon nito pero tiim na nakatitig si Marcus sa mukha ng kapatid.
"Nasa closet po." Magalang ngunit walang emosyon nitong sagot.
Iniwan sila ng Ina, "it's swelled," inabot ng kapatid ang mukha dahilan para mapaigtad siya.
"Hindi ka pa ba napapagod, Kuya?" Umupo ito sa tabi niya, tinitigan siya nito ng puno ng pag-aalala ang mga mata.
It pinched his heart, I never thought these eyes would see me in future with hatred, galit na halos ibaon ako sa sarili kong libingan.
"Hindi, wala akong karapatang mapagod." Hinarap niya ang nagtatanong nitong mga mata. "Kuya has to be strong, I won't let our father hurt you and Nisha." He sigh, "hangga't kaya ni Kuya, hindi ko kayo pababayaan. I'll protect you in any way that I could, kahit buhay ko pa ang kapalit." The finality of his voice shocked Marcus. Nang nakabawi ay niyukom ang kamao at nandidilim ang mukhang yumuko.
"I'll be at your back, to save your ass." Bulong ni Marcus na ikinatawa niya.
"Kuya Nox!" Boses iyon ni Nisha, sabay nilang binaon ang galit at magiliw na hinarap ang kapatid.
At the young age, I master the art of pretending.
"You didn't found us! Magaling talaga kami magtago ni Kuya Marcus." Yumakap ito sa kaniya kaya pigil siyang napaigik.
"Oo na, kayo na ang magaling." Ginulo niya ang buhok nito.
"Hey, don't ruin ng pony tail hair." Tumaas ang nguso nito na ikinatawa niya ngunit naagaw ng pansin niya ang Ina na hawak ng mga gamot.
"Come on, Kuya just learn a new hairstyle." Sambit niya habang pinapalapit ang kapatid.
"Saan mo natutunan, Kuya?" Taad baba ang kilay nito habang tinutudyo siya.
Mahina siyang natawa, "My friend, Ryke."
"I bet, he's gay." Bulong ni Nisha na ikinatawa nilang dalawa ni Marcus.
"Naisip ko na rin yan." Sabad ni Marcus at inabot sa kaniya ang suklay.
Sinuklay niya ang buhok ng kapatid at pinagbuhol ito ayon sa tinuro ng kaibigan. He is more than willing to do girly things for his princess, Nisha.
Mabilis niyang natapos ang pag-ayos sa buhok nito, abot-abot ang ngiti nito habang hinahaplos ang sariling buhok. Ngumiti siya rito at binagbuksan ng braso ang kapatid para yakapin. Mabilis itong yumakap sa kaniya, hinanap ng mata niya si Marcus at nakita niya itong papalapit kaya pilit niya itong niyakap.
BINABASA MO ANG
TPC1: Unmasking The Organization (COMPLETED)
ActionNascosta La clausola sei zero cinque uno, every individual in the organization shall mask the organization by all means. Like the wind, the organization is felt but not seen. Guilty people will feel the scourge of the organization but they cannot se...