Chapter 20

82 10 0
                                    

"What the!" Mahinang bulong ni Syn Ng Makita si Krunox na nasa tabi nya habang mahimbing na natutulog.

Bumangon sya at sinapo ang kan'yang noo habang naaalala ang ginawa nya kagabi, nahalikan nya ang lalaking toh? Ang mas malala pa ay gumanti sya Ng halik dito at ang masama pa ay sa mismong kapatid pa ng asawa nya.

Bumuntong hininga si Syn at dahan-dahang umalis sa kama para hindi magising si Krunox, Hindi nya ininda ang sakit Ng ulo nya at inuna ang kagustuhang makaalis sa mansion Ng mga Miller. Isang malaking kahihiyan ang kan'yang nagawa, nagtaksil sya sa kan'yang asawa.

"But he's not my husband anymore, he killed my son." Bulong nya sa sarili habang palabas ng kwarto kong saan sya nakatulog. Agad n'yang Hinanap ang pinto palabas, buti nalang at makulimlim pa. Wala rin s'yang maid na nakasalubong. Paglabas nya ay bumungad sa kanya ang iba't ibang klase Ng sasakyan na nakahilera sa garahe, gustuhin nya mang mamangha  ay sinawalang bahala na lamang nya. Ang tanging gusto n'ya ang makaalis sa bahay na Ito Ng walang nakakakita, alam n'yang malapit Lang sa subdivision na Ito ang bahay Ng kaibigan n'yang si Jean.

"Pinatay nya ang anak ko, pinaikot nya ako sa kasinungalingan nya" bumuntong hininga sya. "Wala pa sa katiting sa kasalanan nya ang nagawa ko kagabi." Bulong nya habang nag iisang naglalakad sa kalsada.

Habang naglalakad ay hindi mapigilan ni Syn  na maramdaman ang kalungkutan, she can't still believe na magagawa iyon ni Marcus sa anak nya pero sa kan'ya na mismo nanggaling. Pinatay nya si Nathan.

Tahimik na napayakap si Syn sa sariling mga braso habang umiihip ang malamig na hangin, medyo makulimlim pa Kaya sya lang ang taong naglalakad sa kalsada. mabilis ang paglakad nya kaya hindi nagtagal ang nakalabas na sya sa subdivision. Madali n'yang nahanap ang bahay Ng kaibigan Kaya agad s'yang tumakbo papalapit sa pinto nito at kumatok Ng tatlong beses, nang walang marinig na sagot ay kumatok ulit sya Ng malakas at maraming beses. 

"Ang aga aga... Syn!" Gulat nitong sambit ng Makita ang kaibigan, kinusot nitong muli ang mga mata Kaya binangga sya ni Syn para makapasok.

"Ang aga mo Naman akong dalawin, wala pa akong impormasyon eh." Sambit nito habang inaayos na nagulong buhok.

Humiga si Syn sa sofa nya na parang walang paki. "May kape Ka? Ipagtimpla mo nga ako at pakitawagan na rin sila." Sambit ni Syn habang nakapikit ang mga Mata. Ayaw n'yang dumilat dahil alam n'yang agad s'yang iiyak kapag magtagpo ang mga Mata nila ang kaibigan.

"May problima ba?" Mahinang tanong nito at umupo sa paanan nya.

"Pakiusap gawin mo nalang muna ang inuutos ko." Bulong ni Syn, rinig nya ang pagbuntong hininga Ng kaibigan at pag alis nito sa kama tanging mga yapag na lamang nitong papalayo ang naririnig ni Syn.

"Mga bruha pumunta kayo sa bahay, nandito Si Syn. Kailangan n'ya Tayo." Rinig ni Syn sa boses ni Jean mula sa kusina, palihim s'yang napangiti dahil kahit hindi nya pa sabihin ay alam na Nga mga kaibigan n'ya Kong anong gagawin.

Habang nakapikit ang mga Mata ay pilit n'yang hindi maalala ang asawa, huminga sya Ng malalim para panatilihing kalmado ang sarili nya. 
Kahit sa ilang minuto iyong ginawa ni Syn ay nakaramdam sya Ng kaluwagan parang nawala ang paglakasakal sa kanya Ng sakit n'yang nararamdam. Ang mga bagay na gumagambala sa isip nya ay pansamantala n'yang binura, hanggang nakarinig s'ya ang mga yapag.  

"Ilang minuto nalang ay dadating na sila, Ito na ang kape mo." Sambit nito at nilagay sa maliit na Mesa sa gitna, Dinilat ni Syn ang mga Mata n'ya at bumangon. Nang kukunin na nya ang tasa ay marahang hinawakan ni Jean ang kamay n'ya.

"I know it's difficult to you na sabihin sa amin ang lahat pero lagi Lang kaming nandito." Bulong nito at ngumiti sa kanya Kaya napatulala sya habang nakatitig sa mga Mata Ng kaibigan.

TPC1: Unmasking The Organization (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon