"Ano ba, Marcus! Bumangon ka na diyan!" Iritable ang boses ni Syn habang pilit na ginisiging ang asawa. Hindi siya makatulog dahil may hinahanap na gustong inumin ang lalamunin niya, hindi tubig ang hinahanap ng lalamunan niya. Kanina niya pa ginising ang asawa, alam niyang pagod ito sa pag-aasikaso sa kompanya nito at sa lilipatan nilang bahay sa Isla dahil binago nito lahat s bahay.
"Hmm? Wife? Anong oras na ba?" Mahinahon nitong tanong habang pilit nilalabanan ang antok. Napalingon siya sa orasan at napakagat labi siya ng makitang ala-una pa lamang ng gabi.
"Parang gusto ko ng buko." Sambit niya habang hinihimas ang apat na buwang tiyan. Nakangiti itong bumangon saka hinalikan siya sa noo.
"Ilan ba ang gusto mo?" Tanong nito habang kinukusot ang mga mata.
"Dalawang magkadikit na buko at dapat pink ang coconut husk nun." Inis niyang sambit, hindi niya alam kong ano bang kinakainis niya pero inis na inis siya sa asawa ng makita itong natigilan.
"Meron bang ganon?" Nagtatakang tanong nito.
Sinipa niya ito dahilan para malaglag ito sa kama. "Oo, nakita ko sa TikTok habang pinapakita ang laman ng niyog at saka hanapan mo rin ako ng papaya na walang buto. Wag ka ng magtanong kong meron ding ganon dahil nakita ko rin sa TikTok na may ganon!" Asik niya at masama ang tingin sa asawa.
"Dapat talaga nilalayo sa gadget tong mga buntis eh, kong ano-anong nakikita." Halos umusok ang ilong niya sa narinig.
"Anong sabi mo?!" Parang yumanig ang buong paligid sa lakas ng boses niya. Nataranta si Marcus at agad na lumapit sa kaniya.
"I'll call anyone the could find that kind of fruits. Just don't shout, natutulog pa ang mga tao sa bahay." Sinapo ni Marcus ang mukha niya at hinalikan siya sa noo, natigilan siya ng maramdaman na tinangay ng halik na iyon ang inis niya sa katawan.
"Kanina pa ako natatakam." Napanguso siya. "Sorry... Hormones siguro."
Bumuntong hininga na lamang ang asawa at halata sa mukha nito ang pagod pero kita niya rin kong paano ni Marcus isinantabi iyon, tinungo nito ang cabinet kasabay kuha ng cellphone agad rin itong bumalik sa kaniyang tabi, may tinipa ito sa hawak nitong phone at tinawagan ang isa sa mga kaibigan.
"Hello? What the heck, Marcus! It's god damn one AM! " Rinig ni Syn sa boses ng sa kabilang linya, halatang na antala ang tulog nito sa pagtawag.
Tinitigan siya ng asawa na may hiya sa mga mata, bumuntong hininga ito bago nagsalita.
"Theo, I need a twin coconut..." Nilingon siya nito. " Na pink ang coconut husk." Dugtong niya ng makitang may pagdadalawang isip sa mata ng asawa. "And seedless papaya." Dugtong ni Marcus habang kagat labi na hinihintay ang sagot ng kaniyang kausap.
"Para kay Syn?" Tanong ni Theo mula sa kabilang linya.
"Yes, deliver it as soon as possible." Humikab ito at pagbagsak na nahiga sa kama.
"Just give me an hour to deliver those food." Sambit nito.
"Ahmm, Theo." Agap ni Syn. "Dagdagan mo na rin ng saging na magkadikit." Kagat labi niyang tinitigan ang cellphone habang hinihintay ang magiging sagot ng kaibigan.
Bumuntong hininga ito. "Basta ba Ninong ako. Walang aberya."
"Sige, bilisan mo at nag-aamok na ang inaanak mo." She chuckle. Parang lahat ng kaibigan o kakilala ko gustong maging Ninong o Ninang.
Tinapos ni Syn ang tawag at nilingon si Marcus na nakahiga sa kaniyang tabi halatang nilalabanan ang antok.
"‘Wag mo akong tulog-tulogan jan, nong ginawa natin to halos hindi ako makatulog! Nauuhaw ako kanina pa." Dumilat ang isang mata ni Marcus kasabay na nauwi sa ngisi ang puyat nitong mukha.
BINABASA MO ANG
TPC1: Unmasking The Organization (COMPLETED)
ActionNascosta La clausola sei zero cinque uno, every individual in the organization shall mask the organization by all means. Like the wind, the organization is felt but not seen. Guilty people will feel the scourge of the organization but they cannot se...