Chapter 25

53 2 0
                                    

Nakaupo si Krunox sa isang sulok ng malaking kwarto, nakaigting panga na nakatitig sa kabilang sulok.

"Napaka walang kwenta! Ganoon lang ang nangyari?! Sinayang mo lahat ng plano ko Krunox." Sigaw ni Emilio.

"I did my best." Krunox coldly response.

"Yun na lahat iyon?!" Sigaw niya.

Hindi na sumagot si Krunox at nagtagis bagang na lamang ito habang mahigpit ang pagkakayukom ng kamay niya.

"Kailangan natin mabawi ang mga kapatid mo kay Syn! You can't see it? She's poisoning the brain of your brother. Tinutulak niya sila laban sa atin! Sa sarili nilang pamilya." Napapigil ito habang hinihingal na umupo sa kaniyang upuan.  

"Isa pa, winasak ni Marcus ang pamilya mo, pinatay niya ang mag ina mo kaya bakit hindi mo rin iyon gawin sa kaniya ang lahat?! Para maging patas ang lahat." Singhal muli nito at mas lalong humigpit ang pagyukom ni Krunox sa kaniyang kamay.

Para siyang sasabog lalo na nang banggitin ang tungkol sa mag ina niya, nagsimulang gumuhit sa utak niya ang pangyayaring iyon, bumabalik ang galit niya sa kapatid, bumabalik din ang sakit na paulit ulit niyang nararamdaman sa tuwing naaalala ang sinapit ng kaniyang mag ina.

"Dapat kang maghiganti sa ginawa niya, wasakin mo rin ang pamilya niya. Ruin him, Krunox, para mabuo ang pamilya natin—"

"Enough! You! Emilio Miller. You are my father but you ruin me! You! The one who ruin our family! Kung hindi mo sinasaktan si Mommy hindi masisira ang pamilya natin, Hindi ka sana niya hiniwalayan! Hindi sana nagkakaganito hindi ko sana kailangan pumili sa inyong dalawa. Hindi sana ako baliw! Hindi ka sana baliw!"  Sigaw ni Krunox dahil sa sobrang galit ng makita ang mukha ng anak na umuusok sa galit ay agad na naging malumanay ang mukha ni Emilio.

Ngumiti siyang handang imanipula ang lahat, kumuha siya ng bote ng isang alakat sinalin ito sa baso. Palihim niya itong nilagyan ng druga, namumula si Krunox sa galit.

"Kalma, anak." Sambit nito at nilahad sa anak ang baso ng alak na parang inaalok. Walang pag aalinlangang tinanggap ang baso at nilagok ang lahat ng laman nito

Dahan dahang nahilo si Krunox at unti unting tumawa na para bang nahihibang lahat ng galit niya ay naging tuwa sa kaniyang pakiramdam.

"Distract Syn, gawin mo yung mga bagay na pinaka ayaw niya. Gawin mo yung mga bagay na sisira ng ulo niya para makuha na natin si Marcus." Bulong ni Emilio at parang aso naman si Krunox na tumango habang tumawa.

———

"Marcus, pwedi bang huminga ka ng malalim para sakin?" Tanong ni Doctor Khien dito.

"Kung hihinga lang naman ako, bakit para sayo pa?" Puno ng sarkastiko nitong sabi.

"Marcus..." Bulong ni Syn na nagtitimpi sa inis, natawa na lamang ang Doctor sa sagot ni Marcus sa kaniya.

Ngayong araw kukuhanin ang bindahe sa mga mata ni Marcus at susuriin ito, pero sa sitwasyon nila ngayon ay parang mas kinakabahan pa si Syn at ang mga kaibigan nila kesa kay Marcus.

" I think kailangan niyo munang mag-usap na dalawa, bibigyan ko kayo ng mga limang minuto." Sambit ni Khien at hindi na hinintay ang reaksyon ni Syn dahil alam nitong tutotol ito.

Natigilan si Syn nang hawakan ni Marcus ang nanlalamig niyang kamay.

"Kinakabahan ka." Kalmado nitong sabi gamit ang baritonong boses niya na para bang nilulusaw lahat ang kabang nararamdaman ni Syn.

Hindi siya sumagot kaya hinawakan ni Marcus ang leeg niya at marahang nilapat sa dibdib nito, Pumipitig ito na parang walang inaalintana.

"Hindi ka ba natatakot sa posibilidad na mabulag ka, Mahal? I mean. It's all my fault —"

TPC1: Unmasking The Organization (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon