Chapter 24

117 5 1
                                    

Marahang pumikit si Syn habang dinadama ang pagdampi ng maligamgam na tubig sa kanyang katawan, sa tatlong araw nyang pananatili sa hospital ay napagdesisyonan na nyang umuwi muna para makaligo, Hindi naman sya nangangamoy pero, hihintayin nya pa bang mangamoy?

Patuloy pa rin ang pagmomonitor ng doctor sa kalagayan ni Marcus, sabi ng doctor nyang si Khien Rovan ay mabilis daw ang pagrecover ni Marcus pero ang pinagtataka lang ni Syn ay bakit hindi pa ito  nagigising.

"Sana magising na sya ngayong araw." Bulong nya sa sarili.

Mabilis ang naging kilos nya sa paliligo, kasalukuyan syang nagbibihis ng marinig nya ang tatlong katok sa pinto.

"Syn, bilisan mo jan at mag agahan ka muna bago bumalik sa hospital." Sambit ni Nanay Rose.

Hindi sya sumagot at inayos ang suot nyang jacket, lumapit sya sa pinto at binuksan ito.
Marahan syang bumaba sa hagdan.

"Oh nariyan kana pala, mag agahan ka muna." Sambit muli ng Ginang.

Napatingin sya sa hinanda nitong agahan at nalipat ang tingin sa mag isang kumakain sa mesa. Kay Nisha nakayuko ito na para bang walang mukhang maihaharap sa kanya, ngumiti sya bago sumagot.

"Salamat nalang ho manang pero kaylangan ko na talagang bumalik sa ospital, hinihintay ako ng asawa ko." Sambit nya at walang sinayang na oras agad na lumakad patungong garahe.

"Anak!" Sigaw ni Nanay Rose kaya natigil sya sa pagbubukas ng pinto ng kanyang kotse.

"Dalhan mo sina Kuya Kael mo at mga kaibigan mo ng mga pagkain, mga matatakaw pa naman ang mga yun." Sambit ng Ginang at inabot ang isang malaking paper bag.

Nagtaka sya ng ngumiti ito ng matamis at inabot sa kanya ang isang maliit na supot.

"Peace offering." Sambit nito, napa angat naman sya ng kilay dahil wala namang kasalanan ang matanda sa kanya.
"Galing kay Nisha." Dugtong nito kaya agad na nawala ang pag angat ng kilay nya. Ngumiti syang tinanggap ang supot, nakita nyang lumabas ang dalaga at tumakbo papalapit sa kanya.

"Ate sorry." Sambit nito at niyakap sya rinig nya ang paghikbi nito kaya hinas nya ang likuran nito para patahanin.

"Shhhh.... Tahan na, naiintindihan ko. Nadala ka lang nang galit at pagkabigla sa pangyayari." Sambit nya. I deserve it though. Sambit naman ng utak nya.

"Hindi ko  dapat ginawa yun." Puno ng pagsisisi ang boses nito.

"Okey na yun," sambit nya at kumalas sa pagkakayakap sa kanya. "Sa ngayon sasama ba kayong puntahan si Marcus? He needs us, gisingin natin sya kaylangan na nyang magising." Sambit nya.

"Aba! sasama ako diyan." Hindi nagpahuling sabi ng  Ginang.

"Ako din." Sambit ni Nisha sabay punas sa pisngi nya.

"Kukulitin ko si kuya hanggang sa magising sya." Sambit nito at napahagikhik.

Ngumiti si Syn at pinagbuksan sila ng pinto sa kotse, wala siyang sinayang na oras pinasok nya ang mga pagkain sa kotse at agad na sumakay sa kotse at pinainit ang makina nito. Pinatakbo nya agad ito nang hindi naman masyadong mabilis pero hindi rin mabagal.

May pinag uusapan ang dalawa na nasa back seat pero mas pinili nyang wag makinig dahil marami syang iniisip.

'Magigising  ba sya ngayong araw? Magiging maayos kaya ang mata nya? Mapapatawad nya kaya ako sa nagawa ko? Nasaktan ko kaya sya dahil sa nagawa ko?' Madaming tanong ang bumabagabag sa utak ni Syn habang patungo sila sa ospital kaya hindi nya agad namalayan na nasa harap na sila ng malaking ospital.

"Baba na muna kayo, ipapark ko lang ang kotse." Sambit nya at sumang ayon naman ang dalawa kaya agad silang bumaba, nang makaalis na ang dalawa ay agad syang naghanap ng puweding pag parkingan ng kotse.

TPC1: Unmasking The Organization (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon