Epilogue

55 1 0
                                    

"Marcus! Huminahon ka nga! Dinaig mo pa itong asawa mo!" Suway ni Nanay Rose sa kay Marcus na pabalik-balik sa sala ng kanilang bahay. Parang sinisilaban ang buo niyang pagkatao ng sinabihan siya ng asawa na medyo sumasakit na ang tiyan nito.

"Oo nga, tingnan mo pinagpapawisan ka na." Kalmadong saad ni Syn habang malalim ang paghinga.

"Kunin mo muna yung mga gamit na hinanda ko sa itaas, nakahanda na ang kotse sa baba. Hindi ikaw ang magmamaneho dahil inaataki ka ng nerbyos mo." Saad ni Nanay Rose  at tumalima rin naman si Marcus sa inutos nito.

Malalaki ang kaniyang hakbang patungo sa silid nilang mag-asawa, kinuha niya ang isang malaking bag na hinanda nina Syn at ng ginang dahil para ito sa mga gagamitin ng magiging anak nila habang nasa hospital pa.

Agad siyang bumaba at nakita niyang dinadaluhan ng ginang ang asawa.

"Masakit na ba talaga?" Tanong ni Nanay Rose at impit na tumango si Syn.

"Alalayan mo tong asawa mo anak, tumungo na tayo sa hospital." Sigaw ni Nanay Rose kaya naging mabilis ang pagkilos ni Marcus.

Lumapit siya sa asawa para hawakan ang kamay nito, inalalayan matungo sa kotse habang naglalakad ang nanginginig ang kamay niya sa sobrang kabang nararamdaman. Alam niyang sobrang sakit na ang nararamdaman ng asawa pero hindi ito dumadaing para hindi siya mag-alala.

"Kalmahan mo nga, parang ikaw itong manganganak eh." Mahinang hinampas ni Syn ang kamay niya at mag-isang pumasok sa kotse.

"Dahan-dahan lang—" hinablot siya nito papasok sa kotse.

"Gusto mong manganak ako sa daan?!" Singhal ni Syn at bigla itong napapilit dahilan para dumagdag ang pagdaga ng kaniyang dibdib.

Nabasag na ang panunigan nito kaya dumoble ang sakit na nararamdaman ni Syn, sumisid ito sa kaniyang sinapupunan matungo sa buo niyang pagkatao na para bang binibiyang ang malaki niyang tiyan.

"Fuck! Drive fast. The baby is coming." Kagat-kagat niya ang kaniyang labi hanggang maramdaman ang lasang baka roon.

"Shhhh, you can scream. Isigaw mo lang Kong hindi na kaya ang sakit." Pinunasan ni Marcus ang kaniyang tumatagaktak na pawis.

"Gusto kitang sakalin Marcus! Sobrang sakit tapos gusto mo sumigaw ako?!" Matigas ang kaniyang pananalita.

"I m-mean you can share the pain." He is clearly out of his mind seeing his wife in pain. "Kong pwedi lang ako ng umire para sa anak natin—"

"Shut up!" Impit itong napakapit ng mahigpit sa kaniyang kamay. Nag-ingay ang buto ng kaniyang kamay dahil sa higpit ng pagkakapit ni Syn pero hindi niya ito pinansin ang tanging nasa isip niya ay ang kalagayan ng asawa at ng magiging anak nila.

"Narito na tayo—" hindi niya na pinatapos ang sasabihin ng ginang ng binuksan niya ang pinto at walang kahirap-hirap na binuhat ang asawa papasok sa gusali. Pagkakita sa kanila ng mga nurse ay agad na nagkagulo ang mga ito, sumalubong sa kaniya ang lalaking doctor habang nakasunod ang mga babaeng nurse na tumutulak ng stretcher.

"Lalaki ang magpapaanak sayo?" Tanong niya pero hindi sumagot ang asawa.

"Wife..." Tawag niya sa atensyon nito. "Answer me before I'll punch this doctor that will surely lead him to comatose." Ngunit mas lalong tumiim ang bagang niya dahil umiling ang asawa.

"S-si Kristen Blair ang obygine ko." Nahihirapang sagot ni Syn.

"Sir, dahan-dahan niyo pong ilapag ang asawa mo sa stretcher." Sinununod ni Marcus ang utos ng doctor pero ng akmang hahawakan nito ang asawa ay marahas niya itong pinigilan.

TPC1: Unmasking The Organization (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon