Chapter 19

69 12 0
                                    

Parang tumigil ang mundo ni Syn sa kaniyang narinig, hindi niya alam kong maniniwala ba siya o patuloy na magtitiwala sa asawa niya.

"W-what? Hindi magagawa yun ni Marcus.." Nanginginig ang labi ni Syn habang sinasambit ang mga katagang iyon.

"Hindi mo alam na may sakit ang asawa mo?" Mahinang tanong ni Krunox sa kan'ya.

"H-huh? M-may sakit?" Hindi makapaniwalang tanong ni Syn, walang nabanggit si Marcus na may sakit siya

"You better talk with his psychiatrist." Mas lalong lumalim ang boses nito.

"Hindi, walang sakit sa pag iisip ang asawa ko." Tutol ni Syn at humakbang Ng dalawa paatras.

Muling bumuntong hininga si Krunox at kinuha sa bulsa ang kaniyang telepono sabay pindot nito at hinarap kay Syn ang screen.

"Siya ang pumatay sa anak niyo." Makikita sa litrato na hawak ni Marcus ang duguang baril at ang may tama ng baril na si Nathan.

Umiling si Syn at  muling humakbang palayo kay Krunox.

"Hindi, hindi yan magagawa ni Marcus!" Singhal nya.

Umiling iling si Krunox at nilagay sa bulsa ang kaniyang telepono, humakbang sya para makalapit Kay Syn.

"No, no. Wag kang lalapit!" Niyakap ni Syn ang sarili.

Pilit n'yang pinipigilan ang mga luhang nagbabadya sa kaniyang mga mata, ayaw n'yang maniwala. Hindi si Marcus ang pumatay sa anak nila, ayaw paniwalaan ni Syn ang sinabi ni Krunox sa kaniya, kahit kitang Kita sa litrato ang totoong nangyare gusto nya paring marinig ang sasabihin ng asawa.

"Siya ang nag utos kay Austin na angkinin ang ginawa niyang pagpatay sa anak niyo, pinlano niya lahat, Syn. Para ipamuka sa lahat na si Austin ang pumatay sa anak niyo pero ang totoo ay siya, siya ang pumatay kay Nathan. Siya ang pumatay sa sarili niyang anak. Sinasabi ko sayo to dahil naaawa na ako sayo, wala kang ibang hinangad kundi ang alamin kong sinong pumatay sa anak niyo pero niloloko ka lang ng asawa mo Syn, at sa simula palang ay nagmukha ka ng tanga sa paniniwala sa kaniya, sa kanila. Pinapaikot ka lang ng taong nasa paligid mo, Syn." Pilit na tinatakpan ni Syn ang kaniyang sariling tenga.

Ayoko, ayokong maniwala!

"Marcus is a psycho, he is  a psychopath criminal Syn. You're blinded by his charm—"

"Enough!" Sigaw ni Syn at tuluyan ng rumagasa ang mga luhang pinipigilan.

"Hindi yun magagawa ni Marcus, mahal niya ang anak namin." Puno ng luha ang mga mata nito.

"Ask him then." Sambit nito at tinalikuran si Syn, napatingin na lamang siya sa bulto nitong papalayo. "So you would know the truth." He then smirked.

Hinawakan ni Syn ang kaniyang dibdib na naninikio, hindi magagawa ni Marcus yun, Mahal nya si Nathan ang anak namin.

Huminga siya ng malalim, kailangan niyang kumalma hindi niya malalaman ang katotohanan kong nagpapadala siya sa galit niya. Ramdam niya ang galit na dumadaloy sa mga ugat niya, nag-iinit na dugong pilit niyang pinipigilan. Nanginginig ito habang pilit kinukontrol ang sarili. Kailangan niyang kumalma dahil tatanungin niya pa si Marcus, hindi siya dapat agad maniwala sa sinabi ni Krunox.

Pinilit niyang tumayo kahit nanghihina ang sariling tuhod, niyukom niya ang mga kamay n'ya. Kong tama man ang sinabi ni Krunox ay baka hindi niya na makokontrol ang sarili at masaktan niya si Marcus, Bumuntong hininga siya bago lumabas sa kusina. May nakabangga man na bisita ay hindi ito pinansin ni Syn agad na hinanap ng mga mata niya si Marcus at nakita nya itong napapalibutan ng mga kaibigan, nagmamadali siyang lumapit dito at natahimik naman ang mga ito ng makita siyang nakatayo sa harap nilang lahat.

TPC1: Unmasking The Organization (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon