Chapter 35

25 1 0
                                    

The bullets exert a lot of pressure when it hits Marcus ribcage, the sharp pain submerged next to his heart. Parang sasabog ang puso niya hindi dahil sa sakit kundi napagtanto niyang pitong putok ng baril ang kaniyang narinig at ang huling nakita niya ang pagtutok ni Emilio sa kaniya.

Minulat niya ang kaniyang mga mata nang marinig ang kasunod ng pagputok ng mga baril, hindi galing sa baril na hawak ni Emilio iyon ang bagay na sigurado siya. Ngunit tumigil sa pag-ikot ang mundo niya nang makita ang kapatid na nakaharap sa kaniya, ang dalawang kamay nito ay nakahawak sa magkabilang bahagi ng pader at matiim siyang tinititigan habang may mga dugo ang gilid ng labi nito.

No! Fuck! Walang dapat mamatay...

"K-kuya..."

Gumuhit sa mga labi nito ang isang ngiti, ngiting puno ng pagkatuwa ang nanunubig nitong mga mata.

"Matagal mo rin akong hindi tinawag ng gan'yan." Kasabay ng pagsalita nito ang pagpatak ng dugo mula sa mga labi.

Nanginginig ang kamay niya, hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Hindi... Nabulag ako sa galit. Binawi niya ang kaniyang balanse ngunit agad na natigilan ng sumisid ang hapdi ng sugat sa boung pagkatao niya.

"Kuya—" Dang it! Marcus. Speak!

"Shh.." maamo ang mga mata nito at gumuhit ang isang alaala sa kaniyang utak, pareho ng ganitong posisyon. Habang pinapalo ang kaniyang kapatid ng paha ay tinatago siya nito sang isang bahagi ng pader. "Nandito na si Kuya, hindi ka niya masasaktan." Namamaos ang boses nito.

Gustong kutusan ni Marcus ang sarili pero ni isang daliri ay hindi niya magawa, nakatitig lang siya sa nanghihinang kapatid sa harap niya. Dumako ang kaniyang mga mata sa katawan nito at agad nanubig ang kaniyang mga mata. Puno ng dugo ang marumi nito damit.

"Eyes on me, Marcus." Krunox commanded.

Iniangat niya ang tingin at sinalubong ang matapang nitong mga mata. "Hindi kita tinuruang umiyak..." Pumiyok ang boses nito sa huling katagang binanggit.

"Close your eyes and hold back your tears." Utos nito, hindi niya alam pero kusang pumikit ang kaniyang mga mata kasabay ng pangbibingi ng kaniyang taenga.

He knows he is about to pass out, ngunit hindi pa siya nawalan ng Malay ng maramdaman niya ang pagbagsak ng mabigat na katawan sa kaniyang harapan. Pinilit niyang idilat ang mga mata kasabay ng malakas na pagsabog at pagpasok ng tubig dagat sa barko, napadaosdos siya habang dinidiinan ang sugat. Hingal siyang nakaupo at hinarap ang kapatid na walang malay, ginamit niya ang natitirang lakas para buhatin ang ulo nito.

"Palagi nalang ikaw ang nagliligtas," hinaplos niya ang pisngi nito. "Pero hindi mo magawang iligtas ang sarili mo."  Humalo ang dugo nilang dalawa sa kamay niya habang ang iba ay pumapatak ang dugo nilang dalawa sa tubig.

Our blood is thicker than water, it's poison in the water.

ABOT-ABOT ang kaba ni Syn, tumatakbo siya patungo sa bahagi ng barko na pinasukan ni Marcus.

"Syn, kami nang bahala rito!" Sigaw ni Kael habang nakasunod sa kaniya pero nagmatigas si Syn. Hindi niya kayang iasa sa iba ang sitwasyon na ito lalo na at buhay ng asawa niya ang nakataya.

"Syn! Kaya na namin ito—"

Sabay silang amin na natigilan nang marinig ang magkakasunod na putok.

"Shit!" Ingos ni Bogart at nagpatuloy na sa pagtakbo, tinulak siya ni Nisha sa ibang bahagi para makaiwas sa bala at sumunod siya ngunit hindi pa sila nakakapasok nang may sumabog na bomba.

"Pumapasok ang tubig!" Sigaw ni Nisha habang sumusunod. Pagpasok niya sa malawak na silid ay nakita niya si Emilio na hawak ang walang balang baril. Tumatawa ito na parang natutuwaan sa kaniyang ginawa habang sinusukang makalayo.

Awtomatikong humanap ng baril ang mga mata ni Syn, ang tanging Nakita niyang malapit sa kaniya ay ang hawak ng kapatid. Mabilis niya itong inagaw, inasinta niya ang balikat nito at walang pagdadalawang isip na kinalabit ang gatilyo.

"Argh! Ikaw na namang hayop ka!" Sigaw nito habang dinudiro sa kaniya ang baril na walang bala. Napalingon si Syn ka kaniyang kaliwang bahagi at umakyat lahat ng dugo sa katawan niya ng makitang nakahandusay ang dalawa.

"Sino ang hayop? Emilio?!" Puno ng galit niyang giit habang humahakbang papalapit sa taong pumatay sa anak niya.

Sa pagkakataong ito niya lang mailalabas ang kaniyang galit na matagal niyang kinikimkim.

"Ako? O Ikaw na pumatay sa anak ko?!" Sa bawat hakbang niya papalapit rito ay siya ring paghakbang nito pa-atras.

Para itong liyon na naputulan ng buntot. "Gusto mong makita kong ano ako kahayop?" Inisahang hakbang niya lang ang agwat nilang dalawa at hinawakan nito sabay salibag sa ere. Pakiramdam niya ay sobrang gaan nito habang inaangat sa ere at binagsak sa sahig.

"Ugrhhh!" Angil nito sa sobrang sakit.

Hinawakan niya ang paa nito at hinawakan ng mahigpit ang leeg nito, iniangat ang kanang kamay sa ere at binagsak iyon sa pagmumukha ng lalaking pumatay sa anak niya. Isa, dalawa, tatlo, apat, Lima, hanggang sa hindi niya na mabilang ang ulit ulit niyang pagsuntok sa mukha nito. Tumataksik sa kaniya ang dugo nito habang ang kaniyang mga luha ay dumadaloy sa kaniyang pisngi, lahat ng galit at poot na kinimkim niya mahigpit dalawang taon ay binubuhos niya ngayon.

"Ikaw ang hayop! Ikaw! Pinatay mo ang anak ko! Pinatay mo ang kasiyahan ko!" Walang lakas na pag inda ang sinagot nito sa kaniya.

"Eat this!" Inisa niya lahat ng pwersa ng sa kaniyang kamao at binagsak iyon lahat sa bunganga ng matanda. Hindi pa siya na siyahan, nagliliyab pa rin ang katawan niya sa galit niyang nararamdaman.

Halos dugo at tubig nito ang humahalo na sa sahig pero hindi nakaramdam ng awa ang puso ni Syn habang, malalakas pa rin na suntok ang kaniyang pinapakawalan.

"Mamatay ka na!!" Sigaw niya kasabay ng pag angat muli sa ere ng kaniyang kamay ngunit natigilan siya ng may mahigpit na kamay ang humawak roon.

Marahas niya itong nilingon at natigilan ng makita ang kapatid na may nagmamakaawang matang nakatitig sa kaniya.

"Hindi Ikaw yan, Syn..." Sa katagang iyon ay parang tumakas lahat ng lakas niya sa katawan.

Hindi ako ito, ang tunay na Syn ay hustisya ang hangad at hindi paghihiganti. Matagal ko ng pinatay ang bahaging ito sa puso ko at piniling hintayin ang batas na humatol sa taong makasalanan.

"Lieutenant!" Ang boses ni Noah ang gumising sa kaniya

Binitawan niya ang leeg nito at hinanap ng mata niya ang asawa, buhat na ito nila Ashton at Ryke habang si Bogart at Klydrix ay buhat si Krunox.

"Ako na ang bahala dito." Napatingin siya sa nagsalita at hindi niya namalayan na nasa harap na niya si Noah.

Tahimik siyang tumango, tumayo siya at nilibot ang tingin sa kabuoan ng barko. Ang laking gulo ang nangyare, huminga siya ng malalim. Matatahimik ka na anak ko

Humakbang siya papalayo sa kinatatayuan kasabay ang kaniyang kapatid ngunit sa panglima niyang hakbang ay may gumuhit na sakit sa kaniyang sinapupunan kasabay non ang mainit na likidong dumadaloy sa kaniyang mga binti. Naestatwa siya sa kaniyang kinatatayuan, ano to! pangbaba niya ng tingin nakita niya ang sariling dugo na humahalo sa tubig. Iniangat niya ang tingin sa kapatid na ngayon ay nakatitig rin sa kaniya, unti-unting lumabo ang kaniyang paningin at pag-ikot ng kaniyang ulo sa sobrang sakit. Ngunit bago pa bumagsak ang katawan niya ay nasalo siya ng kapatid.

TPC1: Unmasking The Organization (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon