Chapter 13

81 13 0
                                    

One week has passed still Marcus act so strange, sa tuwing alas tres ng umaga ay aalis ito at babalik bago sisikat ang araw. Napapansin ito ni Syn pero wala s'yang lakas para magtanong rito, dahil alam n'yang wala s'yang makukuhang sagot mula sa asawa.

"Wife, Coffee? Milk or me?" Ani ni Marcus habang si Syn naman ay abala sa pagbabasa ng libro, nilingon nya ang asawa nya at ngumisi.

"Aroma ni Noah please..." Sambit n'ya habang pinipigilan ang pagtawa.

"Ahh, okey." Sambit nito, kaya binalik nya ang atensyon sa pag babasa.

Hindi kaya puputok ang butsi no'n?

Napaiktad s'ya ng makarinig ng pagkabasag galing sa pwesto ni Marcus.

"Marcus!" Sigaw nya at agad na tinungo kung saan ang asawa nya hawak ang basag na baso.

"Pasensya na, Hindi pala ako marunong magtimpla ng aroma ni Noah." Sambit nito habang  mahigpit ang hawak sa basag na baso, sa paghigpit nito kasabay ng magtulo Ng mga dugo galing sa kamay n'ya.

"Why?" Tanong nito kay Syn.

"Why your always doing this to me?" Inangat n'ya ang tingin kay Syn, matalim pero may tinatagong sakit.

Na estatwa si Syn sa kinatatayuan nya habang nakatingin kay Marcus. Hindi nito maintindihan ang mga pinagsasabi nya asawa.

"Hindi pa rin ba ako sapat? Hindi mo pa rin ba ako napapatawad? Bakit mo ako pinaparusahan ng ganito?" Matigas nitong sabi.

"M-marcus..." Tanging lumabas sa bibig nya.

Hindi sa gano'n, mali ang iniisip mo.

Tumayo ito habang masama pa rin ang tingin sa kanya, ilang ulit napalunok si Syn ng sariling laway habang nakatitig sa galit na galit n'yang asawa, kailan man ay Hindi nya pa nakitang ganito ang asawa. Wari bang ang laking kasalanan nya rito.

"I can kill him, wife. You know I can kill him."

Nilampasan s'ya nito ng walang sinasabi, at nakatitig na lamang s'ya sa bulto nitong papalayo sa kan'ya. Hindi n'ya nakuhang magsalita dahil parang walang laman ang utak nya habang kaharap n'ya ito kanina.

"Anong nangyare?!" Tarantang tanong ni Nanay Rose na kakapasok pa lamang sa bahay, may dala itong pandilig.

"Wala ho nay." Walang buhay n'yang sagot sa matanda.

Paimpit s'yang napapikit ng marinig ang malakas na paghambalos ni Marcus sa pinto, Napa-angat ang tingin nya sa silid ng pangalawang palapag kong saan pumasok ang asawa.

Gano'n s'ya kaapektado sa sinabi ko? Biro lang yun eh, gago!

Nilingon n'ya ang binasag na tasa ni Marcus, lumapit s'ya rito sabay luhod at pinulot ang mga bobog nito.

"Nay! Makilinis ng kalat ko!" Sigaw nito mula sa opisina nya.

Parang may tumarak na punyal sa dibdib nya habang naririnig ang pagkalabog mula sa loob ng kwarto.

"Anak ako na diyan, mas mabuti pang pag usapan nyo mo muna ang problema nyo." Sambit Ng ginang saka pinulot ang mga basag na tasa.

Hindi sya sumagot rito at agad na lamang tumayo.

"Hindi, Hindi ko sya kakausapin. Wala naman akong ginawang masama sa kanya." Pamamaktol n'ya.

"Anak naman, kailangan n'yong pag usapan yun tanungin mo sya kung anong problima nyo. Para maayos—"
Hindi nya pinatapos ang ginang.

TPC1: Unmasking The Organization (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon