Chapter 26

34 3 0
                                    

Sa pagtili ni Ryke ay natigilan si Marcus, hindi niya maintindihan kong anong nangyayari pero ang inis niya kay Ryke ay hindi pa din nawawala.

Based on the noise that he heard, Ryke is doing something on his sister.

"Mahal 'wag ka ngang padalos dalos." sambit ni Syn na para bang pinipigilan ang pagtawa dahil sa nakita nito.

Ang mapupulang labi ni Ryke pati na rin ang make up nito at ang suot niyang dress tube na halatang kay Nisha. kinapa ni Marcus ang ulo ni Ryke at napakunot ang noo nya ng makahawak ng mabuhok na bagay sa ulo nito.

Magkaibigan na sila simula pagkabata kaya alam niyang hindi ito ang natural na buhok ng kaibigan.

"What the hell is this thing?!" Inis niyang  sambit at marahas na hinila ang wig na nasa ulo ng kaniyang kaibigan.

"Aray!" Reklamo nito dahil sa lakas ng kaniyang pagkakahila.

Natatawang hinawakan ni Ashton ang balikat ni Marcus at inalalayang makaupo sa higaan ng kwarto ni Nisha.

"Kalma dude, naglaladlad lang ang kaibigan natin, at saka wala sa mga lahi ng MONTEVERDI  ang rapist." sinadya niyang diinan ang apilyedo nito at nagsamaan sila ng tinging dalawa habang si Bogart ay nakaupo parin sa gilid habang hawak ang tiyan pinipilit niyang pigilan ang sariling tawa para hindi marinig ni Marcus ang tawa niya dahilan para sumakit ang kaniyang tiyan.

"I think, it's better if we talk about this mess....." Sambit ni Kael at nilibot ang tingin sa buong silid dahil sa sobrang kalat nito.

Mga damit, make up ni Nisha, parang nagkadelobyo sa loob ng kwarto niya.

"Pero sigurado ba kayong walang milagro na nangyari dito." Natatawang tanong ni Bogart bago tumayo at inayos ang sarili.

Inalalayan ni Syn si Marcus at napangiti naman siya ng tulungan siya ni Ashton sa pag-alalay sa asawa.

Naunang lumabas ang tatlo at sumunod naman si Bogart, akmang lalabas na si Nisha at susunod na din sana si Ryke nang pandilatan siya ni Kael.

"Fix yourself first. Nagmumukha kang baklang bayaran." Sambit ni Kael at sumunod na kay Nisha.

"Nisha! tulungan mo naman ako dito!" Sigaw ni Ryke pero wala siyang ibang narinig kundi ang pagtawa lamang ng dalaga.

Inis siyang napaharap sa salamin at padabog niyang kinuha ang wipes saka pinunasan ang mga make up na nilagay ni Nisha sa mukha niya.

HABANG PABABA NG HAGDAN SI KAEL ay nalilito pa rin si Marcus sa mga nangyayare sa paligid niya na para bang siya lang ang tangang walang alam.

"Nisha, explain to me what happened upstair." Malumanay pero may diin ang  pagsambit nito.

"Ah... eh... Kuya inayosan ko lang po si Kuya Ryke." Hawak ng dalaga at pinagyayapos ang mga ito at panay kagat sa kaniyang ibabang labi.

"Then what the heck is the thing that I get---"

"I'm gay." He said directly without hesitation. Hindi siya natatakot na baka hindi siya matanggap ng mga ito kundi ay natatakot siyang baka may makaalam na iba at sabihin ito sa kaniyang Ama baka hindi siya tanggap nito.

Wala ni isa sa mga kaibigan niya ang nagulat, at nagtawanan nalang ang mga ito. maliban kay Marcus at Kael.

"Anong tinatawa tawa nyong mga bwesit kayo!" Padabog siyang umupo sa sofa at hindi pa siya nakuntento, hinampas niya sina Ashton at Bogart ng unan.

"Sino bang hindi matatawa sayo eh, mukha kang natatae habang kaharap mo si Marcus at sinabing........" umupo ito ng maayos at tumikhim " 'IM GAY' HAHAHA!" sinadya pa nitong lakihan ang kanyang boses. sa katagang ' im gay'

TPC1: Unmasking The Organization (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon