Chapter 39

29 2 0
                                    

Parang mabunutan ng tinik sa dibdib si Syn nang madaling naging maayos na ang kalagayan ng magkapatid at mabilis naghilom ang mga sugat ng mga ito. Noong nakaraang araw pa sila nakalabas sa hospital at napagkasunduan nilang titira kasama nila si Krunox dahil Malaki naman ang bahay para sa kanila.

"May iniisip ka na naman." Bulong ni Marcus habang nakasubsob ang mukha nito sa leeg niya. Magkatabi sila ng asawa at halata sa boses nito ang antok.

Sa halip na sumagot at napangiwi si Syn ng maramdaman niya ang pagkasungkal ng kaniyang sikmura, inalis niya ang pagkakayakap ni Marcus at pinipigilan  ang sarili masuka habang tumakbo patungo sa banyo.

"Ayos ka lang ba talaga? Kahapon ka pa ganyan." Haplos-haplos nito ang kaniyang likuran. "Pinag-aalala mo na ako."

Nagmumumog si Syn at nakangiting hinarap ang asawa. "Ayos lang ako. " Matamis nitong sambit at niyakap ang asawa.

"Sigurado ka ba?" Tumango siya ang inisang hakbang ang pagitan nilang dalawa ang niyakap ito ng mahigpit.

"Sa kama muna tayo." Bulong niya sa asawa.

Ramdam niya ang pagngisi nito. "I like that." Kunurot niya ang tagiliran nito pero sa halip na uminda ay tumawa lamang ito sabay buhay sa kaniya patungong kama.

Magkayap pa rin silang dalawa habang nakahiga sa kama. Siniksik ni Syn ang katawan sa asawa, natatakot siya lalo na at pupunta ito sa headquarter ng organisasyon para akuin ang paglabag sa polisiya.

"Paano kong wag nalang kayong pumunta sa headquarter ngayon? Hindi naman nila malalaman na sinabi mo sa akin ang totoo dahil tayong dalawa lang naman ang nasa silid ng kwarto noon." At sa wakas ang tumakas na rin ang salitang kanina niya pa pinipigilan.

Mahinang tumawa si Marcus, kumalas ito sa pagkakayakap at sinapo ang kaniyang mukha. "Walks has ears, Wife. Hindi ginawa ang organisasyon para basta-basta lang ipagsabi sa iba." Tinitigan siya nito sa mga mata. " Hindi ko ugali na takbuhan ang gulo na sinimulan ko."

"Talaga ba?" Pambabara ni Syn sa asawa at sabay silang natawa.

Pero natigilan siya ng sinalat ni Marcus ang kaniyang noo. Kahapon pa to ganito.

"Namumutla ka.." Bulong nito kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Ayos lang ako..." Agad niyang sambit. I was plotting a surprise, alam kong matutuwa siya kapag nalaman niyang buntis ako.

"We should go to the doctor first, para masigurado ang lagay mo—" naputol ang iba pang sasabihin ni Marcus nang marinig nilang pareho ang pagkatok mula sa pinto.

"Marcus." It was Kael. "The organization—" hindi na pinatapos ni Marcus ang sasabihin nito.

"Danm!" Bumalikwas ito ng bangon at mabilis na binuksan ang pinto.

Mabilis ang naging pagkilos ni Marcus para bumaba kaya may kong anong kirot siyang naramdaman ng hindi man lang siya nito inalalayan.

Maybe I was so used to being pampered by him?

Kuwestyon niya sa sariling nararamdaman.

Marahan siyang bumangon sa kama at hindi pa man nakakalabas sa pinto ay nagulat siya ng masalubong ang asawa.

"I'm sorry.." hingi nito ng tawad at mabilis siyang pinangko habang malalaki ang hakbang pababa sa hagdan.

TPC1: Unmasking The Organization (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon