Chapter 15

83 12 1
                                    

Inis na binato ni Syn ang sariling phone sa kama bago binagsak ang katawan, wala si Marcus sa bahay kaya naiinip sya. Wala siyang guguluhing tao sa boung bahay pati si Nisha at Nanay Rose ay wala rin sa bahay.

Kinuha nya ang phone at sinubukang tawagan ang asawa pero hindi Ito sumasagot.

"Baka busy sa business meeting." Bulong niya sa sarili bago nilapag ulit sa kama ang telepono.

"Ano bang gagawin ko ngayong maghapon?" Tanong niya sa sarili bago bumangon.

"Syn!" Sigaw ng kong sino sa labas kaya agaran syang tumayo sabay kuha Ng phone niya at tumakbo palabas.

"Marcus akala ko-"

"Are you okey? Napatawag ka may masama bang nangyare?" Tarantang sambit nito.

"Ano ka ba, wala naman eh." Sambit n'ya at lumapit rito.

"Wala lang kasi akong makausap dito sa bahay kaya sinubukan kong tawagan Ka." She pouted. "Naka estorbo ba ako?"

Nilamon ni Marcus ang pagitan nilang dalawa, and shock his head.

"Sabihin nalang nating namiss mo ako." Sambit nito na nagpalaki ng mata ni Syn.

"Naku! Hindi ah ang kapal mo naman." Salungat nya rito.

"You miss me? Hmmm?" Mas lalo pa itong lumapit kaya napayuko na lamang si Syn habang kagat ang sariling labi.

"Syn."

"Hmm?"

"Look at me." He commanded but Syn didn't follow him.

"Common wife, I don't bite. Look at me." He said.

Dahan dahan naman nitong inangat ang tingin sa asawa, pinantayan nito ang tingin sa kanya bago hinapit ang bewang n'ya.

"I miss you more, Lieutenant." Namilog ang mga mata ni Syn.

"Ikaw yun? Yung nambubwiset sakin?" Hindi siya nagkakamali dahil ang lalaking iyon lang ang tumatawag sa kanya ng lieutenant.

Hindi si Marcus sumagot sa halip ang tumawa ito at bahagyang lumayo sa kanya para makasigurado ay hinanap nya ang number nito at tinawagan.

Natigilan si Marcus sa pagtawa ng tumunog ang kan'yang phone agad nya itong kinuha at napalingon sa kay Syn.

"It's.. it's Kael." Sambit n'ya habang si Syn naman ay nakangising kaharap ang kan'yang phone.

"Sige sagutin mo." Panghahamon n'ya.

Napabuntong hininga na lamang si Marcus bago umupo.

"Suko na ako, ako talaga yun." Tinaas nito ang dalawang kamay.

"Pwede mo na akong posasan..." Ngumisi sya. "Sa kama." Dugtong nya.

"Ikaw talaga!" Sigaw ni Syn at lumapit sa kanya.

Itinaas nito ang kamay n'ya para batukan si Marcus pero agad nitong nasalo ang kamay n'ya at hinila dahilan para mapaupo sya sa kandungan nito. Sinubsob ng lalaking ang mukha nito sa dibdib niya.

"H-hoy anong ginagawa mo?" Bulong niya habang mahinang pinapalo ang ulo nito.

Hinigpitan ni Marcus ang pagkakayakap sa bewang nya at mas lalong sinubsob ang mukha sa dibdib nya.

"I want a baby." Nangunot ang noo ni Syn nang Hindi maintindihan ang sinabi nito.

"Ano?"

"I want a baby." Pag uulit nito habang may mapupungay na mga mata.

"Edi," tinulak siya ni Syn. "Gumawa ka mag-isa mo." Sambit nito bago umalis sa pagkakandong, rinig nya ang pagtawa nito na nagpainis sa kaniya.

"Ang hirap kayang magbuntis tapos mamamatay lang-" Napaseryoso siya ng mapagtanto ang sinabi.

TPC1: Unmasking The Organization (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon