"Syn, sasama ka?" Tanong ni Manang Rise sa kanya na abala sa pag aayos.
Habang nag uumagahan kasi ay napag usapan nilang mamili ng mga gagamitin at lulutuin bukas, sa birthday ni Nisha. Excited ang lahat maliban sa birthday girl matutuloy kasi ang usapan na mga ireregalo sa kanya ng mga kaibigan ni Marcus.
"Oo, para makatulong na din ako." Sagot niya at pinagpag ang damit upang ihanda sa pag alis.
"No, wife. Your coming with me." Sambit ni Marcus na pababa pa lamang sa hagdan.
Napalingon si Syn rito at namangha sya ng Makita itong nakasuot ng tuxedo.
"Saan tayo pupunta?" Tanong nya sa asawa.
"In... Secret." Ngumisi ito at nauna ng lumakad palabas ng bahay.
"Sandali.. magbibihis lang ako." Sigaw ni Syn at agad na tumakbo paakyat sa kwarto, nang makapasok sya ay agad s'yang lumapit sa closet at bumili ng damit.
Nang mabuksan nya ito ay sinipat nya ang mga nakahanger n'ya mga damit ng masagi ng mata nya ang bistidang puti na kong saan gustong gusto ni Nathan na isuot nya, palihim s'yang napangiti at kinuha ito sabay sa harap sa salamin habang nakatapat sa katawan ang puting bistida. simple lang ito, off-shoulder at hanggang tuhod ang haba nito.
Agad n'yang hinubad ang kan'yang mga damit at pinalitan ng napili n'yang bestida. Pagkatapos nya itong masuot ay ulit s'yang humarap sa salamin at manghang napatingin sa sarili, The dress still suit to her.
"You look stunning my wife." Parang murika sa mga tenga ni Syn Ng marinig ang boses ni Marcus na nakasandal sa pinto.
"Sabi ko nga papalitan ko nalang, parang labas sa ilong ang sinabi mo eh." Nakangusong sabi nya pero si Marcus ay napangiti at lumapit sa kanya.
"Anong labas sa ilong? My wife is the most gorgeous woman I love." Sambit nito at sinakop ang pagitan sa kanilang sa dalawa.
Napayuko si Syn habang kinakagat ang kan'yang ibabang labi, Marcus never fail to make her blush. He always make Syn feel she is the most important thing is the world.
Dumako ang kamay ni Marcus sa buhok ni Syn, marahan niya itong hinaplos patungo sa pisngi ni Syn at dahan dahang iniangat ang mukha nito.
Hinuli niya ang mga tingin nito bago tumitig sa mapupula nitong labi, walang halo na kahit ano mang paganda. She is gorgeous, beautiful and the lovelier woman he know in his intire life.
Nilapit n'ya ang mukha nya rito at sinakop ang kan'yang mga labi, marahang napapikit si Syn habang dinadama ang matamis na halik ni Marcus. Gumaganti sya sa halik na ginawad ni Marcus at nang maramdaman ni Syn na lumalalim na ang paghahalikan nilang dalawa ay hinawakan nya ang matipunong dibdib ng asawa dahilan para pakawalan nito ang labi nya.
"May lakad pa tayo di'ba?" Mahina na sambit nya habang nakatapat ang noo sa noo ng kan'yang asawa.
"Bakit ba ang hilig mong mangbitin ha?" Tanong nito sa kan'ya at niyapos nya nito ng yakap, nagpaubaya naman sya at sumandal sa dibdib ng asawa.
"Kasi nga di'ba sabi mo, may lakad pa tayo." Bulong niya habang nakasandal pa rin sa dibdib ni Marcus, rinig na rinig nya ang malakas na pagtibok ng puso ni Marcus kung paano ito lumukso sa tuwa.
Bumuntong hininga ito at niluwagan ang pagkakayakap sa kan'ya, tuwid na tumayo si Syn sa harap nya at hinawakan ang kamay n'ya.
"Let's go?" Tanong niya pero hindi umimik si Marcus kaya mahina nya itong hinila pero hinila sya nito pabalik sa dibdib nya.
"Ano ba Marcus! Ang higpit!" Reklamo nya dahil sa higpit ng pagkakayakap nito.
"Just let me... Let me feel you.." Bulong nito sa kan'ya, natigilan si Syn sa narinig.
BINABASA MO ANG
TPC1: Unmasking The Organization (COMPLETED)
ActionNascosta La clausola sei zero cinque uno, every individual in the organization shall mask the organization by all means. Like the wind, the organization is felt but not seen. Guilty people will feel the scourge of the organization but they cannot se...