" Sa lunes na di'ba ang birthday ni Nisha?" Tanong ni Syn sa asawa habang ito ay abala sa kagkain.
Iniangat nito ang tingin sa kanya na halos hindi makapaniwala sa narinig nya.
" Muntik ko ng makalimulatan. "Bulong nito bago nilunok ang pagkaing nasa labi.
"Good morning!" Masiglang bati ni Nisha na pababa pa lamang sa hagdan, sinalubong nito ng yakap si Nanay Rose na may dalang tuwalya.
"Mukhang ang ganda bg gising mo anak ah." Sambit ni Nanay Rose ng makawala sa pagkakayakap nya.
"Hindi yung gising ko ang maganda nay, kundi ako." Sambit nito at kumindat sa ginang, napailing-iling na lamang ito habang papaalis sa harap n'ya.
"Good morning Ate at Kuya!" Sambit nito Nang makapasok sa dinning.
"Good morning too little sis." Sambit ni Marcus at yumakap sa kanya si Nisha sabay halik sa mga pisngi nito pagkatapos ay lumapit din kay Syn at humalik sa pisngi nito.
"Dahil ang sweet ko ngayong umaga, dapat may regalo ako sa lunes." Saad nito bago umupo sa tabing upuan ni Syn.
"Kahit si Roger lang Kuya." Dugtong nya sabay kindat.
"Gusto mo bang mabalian ng tadyang? Alam mo bang noong dumating iyang kabayo na iyon ay ilang bali ang natamo ko? —"
"Oo.." bulong ni Nisha habang si Syn naman ay nanglalaki ang mga mata.
"Mga limang bali lang naman iyon." Dugtong nya bago humalakhak.
"Nabalian ka?" Hindi makapaniwalang singit ni Syn sa usapan nilang dalawa.
Tumango naman si Marcus habang pinipigilan ang matawa sa sarili pati si Nisha ay tawang tawa din.
"Buti nalang hindi s'ya nagalit nung ako ang sumakay sa kanya." Sambit ni Syn at sumubo ng kanin.
"Kasi sakin ka lang daw mangangabayo." Bulong ni Marcus at nabuga ni Syn ang kanin na nginunguya nya. Pati si Nisha ay natigilan sa kan'yang narinig at ang Ginang na dadaan lang sana sa kan'yang likuran ay matigilan rin.
"Abay batang ito!" Binatukan sya ni Nanay Rose na nasa likod lang nya. "Nandito lang ako sa likod mo at bigla bigla kang gaganyan abay! Tinuruan ba kita ng ganyan ha!" May halong inis ang boses ng Ginang habang nakapamewang sa likod ni Marcus na parang ina nitong nagagalit sa kan'yang anak.
"Tinuruan ba kita ng ganyan, Marcus? Nasa harap ka ng hapag kainan—"
"Syempre Nay hindi." Sagot ni Marcus.
"Tapos bakit mo iyon sinabi ha?!" Singhal ulit ng ginang.
"Nagising iyong kamanyakan ko, Nay." Kamot ulong sambit nito at agad na tumayo sabay lakad papalayo sa ginang.
"Aba saan ka pupunta?" Sambit ng ginang habang nililibot ang tingin. "Nisha nasaan na ang walis." Ani ng ginang habang nililibot pa rin ang tingin sa boung silid, hinahanap kung saan nakalagay ang walis.
Agad na lumapit si Marcus sa asawa at nagtago sa likod nito.
"Patay ako nito." Bulong n'ya habang nasa likod ng upuan ni Syn.
"Patay ka talagang bata ka, Syn anak ubusin mo na iyan. Magtutuos lang kami ng asawa mo." Sambit Ng ginang, hindi nakasagot si Syn sa halip ay nilingon nito si Nisha pero wala na ito sa tabi nya.
"Nisha ang walis." Sigaw ng ginang.
"Nisha wag mong ibibigay kay Nanay Rose!" Sigaw din ni Marcus.
"Aba! Lumalaban ka na." Singhal ng ginang.
BINABASA MO ANG
TPC1: Unmasking The Organization (COMPLETED)
ActionNascosta La clausola sei zero cinque uno, every individual in the organization shall mask the organization by all means. Like the wind, the organization is felt but not seen. Guilty people will feel the scourge of the organization but they cannot se...