"Attention all unit! Attention all unit! The target is heading in the Santa plaza street, they are heavily armed." Napa ukmat si Syn ng marinig ang pag radyo ni Noah.
Agad n'yang pinainit ang makina ng kotse at pinaharurot ito ng mabilis.
"Niluoban nila ang isang bangko, lulan sila ngayon ng isang taxi." Rinig nito sa boses ni Klydrix.
"Again they are heavily armed!" Pagradyo ulit nito.
Kinuha nya ang radyo na nakasikbit malapit sa manubela.
"This is Lieutenant Zacharios, I'm heading to that point Sergeant." Sambit nya.
Binitawan n'ya ang radyo at hinuha ang baril sa nakasukbit sa bewang nya sabay kasa nito, they are heavily armed she need to be alert. Rinig n'ya na ang mga putukan ng baril habang papalapit sya sa plaza. Sakto namang kasalubong n'ya ito, hinarang nya ang kotse nya sa daan sabay baba dahil kong sakasakali mang banggain ito hindi sya mapapano.
Inapakan ng nagmamaneho preno ng taxi para hindi mabangga sa isang kotse, kita ni Syn ang pagbaba nito at may mga dalang mahahabang baril. Walang awa s'yang pinaputukan ng mga ito kaya nagtago sya sa kanyang kotse pati ang mga tao sa paligid ay nagtakbukhan.
"God! Mga adik yata 'to." Bulong n'ya habang tinatadtad ng bala ng mga itoang kotse n'ya.
Nang hindi na ito nagpapaputok ay sinilip nya ang mga Ito, nag chachange magazine sila. Akmang inasinta nya ang isa para patamaan ito sa braso ng may narinig s'yang isang warning shot, galing iyon sa isang police car na nasa likod ng mga suspect. Narinig ng iba ang putok kaya naalerto ang mga ito at agad na gumanti sa pagpapaputok . Napailing nalang sya sa ginawa ni SPO3 Gleeson. Si Shaun.
"Sumuko na kayo, napapalibutan na namin kayo!" Sigaw nito.
Bahagya s'yang dumungaw para tingnan ang mga ito, narinig n'ya pa ang pagtawa ng isa.
"Sinong susuko?" Sambit nito bago kinasa ang baril at pinaputukan ang pwesto nila SPO3 Gleeson at Sergeant Claveria.
Walang habas ang pagpapaputok nila sa kasamahan nito, parang nasisiyahan ang mga ito sa ginagawa nilang pagbaril at parang wala silang pake kong may masaktan man silang tao.
Tumayo si Syn dahil alam n'yang nakatuon ang pansinin ng mga ito sa likuran nila.
Nag init ang boung katawan n'ya ng makita ang mga kasamahan nila na natatamaan ng bala galing sa mga ito.
Mga walang awa!
Kung titingnan sa edad ay mga binata pa ang mga ito pero kung umasta ay parang hindi takot sa kamatayan.
Parang bumagal ang lahat ng makita ni Syn na duguan si SPO 4 Hernandez. Parang gumaan ang pakiramdam nya ng pinaputukan n'ya ang isa na mga ito, sinugurado n'yang hindi ito na puruhan dahil alam n'yang labag sa batas ang pumaril ng isang suspect pero hangga't hindi nya ito mapapatay ay may lusot parin sya dahil ang mga ito ang naunang nagpaputok sa kanila.
Lalong nag uminit ang buong katawan nya ng maaamoy nya ang baho ng pulbura galing sa baril nya, naghalo ang galit at tensyon sa kalooban nya. Hinarap sya ng apat na kasamahan nito at binaril, nanatiling nakatayo si Syn na parang walang pake kung tamaan ng bala ang tanging gusto n'ya lang ay matigil na ang kahibangan ng mga binatang ito.
"Arghhh! Bwesit kang babae ka!" Sigaw ng tinamaan.
Inasinta n'ya isa isa, pinatamaan sa braso para mabitawan nila ang kanilang mga baril, sa bawat pagpaputok nya ay siguradong may tinamaan, parang halimaw si Syn na walang kinakatakutan habang humahakbang papalapit sa tatlong natitirang nakatayo.
BINABASA MO ANG
TPC1: Unmasking The Organization (COMPLETED)
ActionNascosta La clausola sei zero cinque uno, every individual in the organization shall mask the organization by all means. Like the wind, the organization is felt but not seen. Guilty people will feel the scourge of the organization but they cannot se...