Chapter 38

44 1 0
                                    

Everything makes sense when Syn connects every dot of evidence that points to Emilio. Pero hindi niya maatim na isipin na nagawa iyon ni Emilio sa sariling mga anak. He is an abusive father, ruthless and heartless person. At kasalukuyang walang malay si Krunox na ipinag-alala ng lahat, sa ilang ulit na tumigil sa pagpintig ang puso nito maaring matagalan ito bago makapag-pagaling.

Napakurap si Syn nang hawakan ni Marcus ang kaniyang kamay.

"Natutulala ka? Ayos ka lang ba?" Magkahalong pag-aalala at galit ang boses nito. "You haven't tell me yet what happened when Emilio—"

"Hindi mo na dapat malaman pa." Walang emosyon na sambit ni Syn dahilan, marahang pinisil ni Marcus ang kaniyang kamay.

"Wifey, you know you can tell me—"

"I'm fine, Marcus." There's a finality in her voice.

Napaigtad si Marcus sa tono ng kaniyang boses ngunit naging malumanay muli ang mukha nito at hinalikan ang kaniyang kamay.

"Do you want to be alone?" His voice is soft and calm.

Syn nodded even though she don't want to be alone, but she need to be alone to clear her mind.

Hinalikan ni Marcus ang kaniyang noo bago marahan na umalis sa kama at walang ingay na paika-ikang naglakad patungo sa pinto. Pinihit nito ang hawakan ng pinto at lumingon sa asawa.

"Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka, ha?" Tumango siya bilang sagot sa tanong nito.

Nakayukong nakatitig si Syn sa kaniyang mga kamay, what's wrong with me? Hormones ba ito?

Bumuntong hininga si Syn, "Mahal?" Tawag niya sa asawa at wala pang ilang segundo ay muling bumukas ang pinto kasabay ang pagbungas ng magandang ngiti sa labi.

"Yes?" Nagsilaglagan ang luha ni Syn. Hindi niya alam pero ang bigat pa rin ng dibdib niya.

"Hug me?" Tanging sambit niya at paika-ikang naglakad palapit sa kaniya.

"Bakit ka umiiyak?" Inalo siya nito dahilan para mapahagulhol siya.

"Nakokonsensya ako." Napahagulhol siyang muli at mahigpit na niyakap ang asawa.

"Gusto mo bang pag-usapan?" Hinahaplos nito ang buhok niya dahilan para tumahan siya.

"Nakokonsensya ako sa ginawa ko sayo at kay Krunox. Nagpadalos-dalos ako at nagpabulag sa galit. Nabulag ka ng dahil sa akin at nasaktan si Krunox dahil sa akin." Hinawakan ni Marcus ang mukha niya at pinagtagpo ang mata nilang dalawa.

"Hindi mo kasalanan ‘yon, gusto mo lang ng hustisya kaya mo nagawa iyon—"

"Sorry—" Pinaglapat nito ang labi nilang dalawa.

"Matagal na kitang napatawad, I can't even blame or mad at you. Nangyare 'yon dahil mangyayare at mangyayare yon." Marahan siya nitong niyakap. "Ang importante ngayon ay magkasama na tayo. I want to start over again, no crime and chaos involved." He whispered.

Timapik niya ang balikat nito at mahinang natawa. "As if would let us. Pero kung palagi kang nandito sa tabi ko. Kaya kong harapin ang ano mang gulo."

Hindi mapigilan ni Syn ang mapangiti habang yakap ang asawa. This is everything she wish. Ang makasama at mayakap ang asawa. Ang kapayapaan sa puso niya ay hindi matutumbasan ng ano mang bagay sa mundo, ito ang buhay na gusto niya dahil alam na niya kong saan magsisimula para buohin ang mga bagay na nawasak dahil sa nakaraan nila.

"Hanggang kailan ba kayo magyayakapan diyan na para hotel ito hospital?" A sarcastic tone of Kael voice filled the room.

Umikot ang mga mata ni Syn bago hinarap ang kapatid.

TPC1: Unmasking The Organization (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon