" Another mark of Stilton." Sambit ni Jean habang nakaharap sa computer.
Agad na naalerto ang tatlo at hinanda ang sarili, habang si Syn ay parang walang narinig sa isang tabi.
"Para saan pa? Alam ko namang si Marcus ang pumatay sa anak ko." Walang emosyong sambit niya habang nakaupo lamang sa sofa.
It is pointless to find evidences when it is already approaching.
"Naniniwala ka bang si Marcus at yung Mr. K na yun ay iisa? Alam mo Syn nagpapabulag ka sa galit." Inis na sambit ni Kristine.
"Kahit si Marcus man ang pumatay Kay Nathan, pero simula pa lang gusto na nating malaman kong sino si Mr k di'ba?" Sambit ni Keith.
"Kailangan nating magmadali." Sambit ni Jean, hinawakan ni Kristine ang kamay ni Syn at hinila palabas. Habang palabas ng hideout ay sinukbit ni Keith sa bewang ni Syn ang baril nito napatingin nalang si Syn sa bewang niya at ngumisi.
"Ginigising niyo talaga ang dragon." Sambit niya at winaksi ang kamay ni Kristen at nauna ng lumakad papunta sa kotse.
Natigilan ang tatlo ang tatlo sa isa't isa at ngumisi ng sabay. "Gising na ang dragon." Sabay nilang sambit at tumakbo papalapit sa Van.
Agad na lumapit si Jean sa driver seat at nang makitang nakapasok na ang dalawa ay agad niyang binuhay ang makina ng Van, pinaharurot niya ito patungo sa distinasyon ni Stilton. Tahimik sila habang kalmado kahit ang bilis ng pagpapatakbo ni Jean.
"Kung si Marcus ba ang tinatawag nilang Mr K. Mapapatawad mo pa ba—"
"I'll hate him more." Sambit ni Syn habang nakayukom ang mga kamao.
Napasinghap ang dalawa ng huminto ang Van sa tapat ng isang bahay.
"Sa susunod na bahay pa ang lokasyon ni Stilton." Sambit ni Jean at bumaba ng kotse.
Si Syn ang nagbukas ng pinto ng Van at nauna ng lumabas, sumunod siya kay Jean at ang dalawa naman ay tahimik lang sa likuran niya. Nang makarating sila sa harap ng bahay ay tiim bagang niyang kinasa ang baril na hawak niya.
"Bahala na." Bulong niya at tinadyakan ang pinto ng bahay.
Madilim ang loob nito kaya tinututok niya ang baril sa bawat sulok, ramdam niya ang pagsunod ng mga kaibigan sa likod niya. Agad niyang tinungo ang kusina, si Jean at Kristine ay umakyat sa hagdan habang si Keith ay naiwan sa sala ng bahay, tiningnan niya ang bawat sulok ng kusina at mga aparador na maaring pagtaguan ng tao.
Napalingon siya sa kabilang direksyonng kusina ng may narinig siyang paggalaw. diretso ang lakad niya ang may narinig siyang mga tumatakbong yapag papalayo.
May isang bulto ng tao ang lumabas sa isang pinto kaya mabilis siyang lumapit sa pinto ng kusina at bumungad sa kaniya ang maraming kahoy sa labas ng bahay.
Ramdam niya ang presensya ng isang tao na nasa likod niya at hinarap nya ito habang hawak ang baril, ngunit ang bilis nito at walang segundong lumipas ay naagaw na ng nakamaskara ang baril na hawak ni Syn.
Tinaas niya ang kamao nya at sinuntok ito pero agad ding nakaiwas, gusto ni Syn na sumigaw pero huli na ang lahat. Natakpan na ng taong nakamaskara ang bibig niya, agad na nalanghap ni Syn ang nakakahilong amoy dahilan para mawalan siya ng lakas.
"I'm sorry Lieutenant, I have to do this." Bulong nito bago s'ya nawalan ng malay.
"Syn!" Sigaw ni Kristine nang makitang buhat buhat ng lalaking nakamaskara ang kaibigan.
Tumakbo siya habang ang lalaki ay pinapasok si Syn sa kotse, binunot ni Kristine ang baril at inasinta ang gulong ng kotse pero huli na ang lahat nakapasok na ang lalaki at pinatakbo na ang kotse ng mabilis.
BINABASA MO ANG
TPC1: Unmasking The Organization (COMPLETED)
Hành độngNascosta La clausola sei zero cinque uno, every individual in the organization shall mask the organization by all means. Like the wind, the organization is felt but not seen. Guilty people will feel the scourge of the organization but they cannot se...