Chapter Too: The Next Door Boys(?)

79 8 0
                                    

Kinabukasan..

[Jade's Point of View]

"Jade, gising na. Mamimili pa tayo ng pagkain." sabi ni Nanay sa labas ng pintuan ko.

Bumangon ako sa kama at tiningnan ang orasan "10:30." tagal ko palang natulog. Nagpalit ako ng damit at sinuklay ang buhok ko saka bumaba.

"Ang tagal mo namang gumising, 'nak."

"Sensya na, Nay." pumunta ako sa cabinet para kumuha ng cereal. Kinuha ko na rin ang gatas at umupo na sa lamesa.

"May problema ba?" naalala ko tuloy 'yung nangyari kahapon.

"Wala po."

"Okay."

...

(Supermarket)

Pumunta kami ni Nanay sa mall na pinuntahanan namin ni Kathy kahapon. Galing 'no?

"Jade, kumuha ka ng pasta at spaghetti sauce. Dito lang ako sa mga manok."

"Okay." pumunta na ako sa pasta aisle at tumingin ng magandang brand ng pasta. Choosy si Nanay eh.

Sa hindi sinasadya may nabunggo akong lalaki. Kilala ko 'to ah-

"Jade!" sabi ni Justin at yayakapin sana ako nang umilag ako.

"Kasama mo si Kathy?" tanong ko na para bang walang nangyari.

"Si Kathy agad hinanap mo. Hindi mo ba ako namiss?"

"Hindi." sabi ko habang pumipili naman ng spaghetti sauce.

"Aray."

Siya nga pala si Justin, kapatid ni Kathy at...nanliligaw sa'kin dati.

"Kasama mo ba si Kathy o hindi?"

"Hindi eh. Ako lang."

"Tagal mo naman pumili, ana- oh hi, Justin!" sabi ni Nanay kay Justin.

"Hi po, Tita! Kumusta na po kayo?"

"Ito, still alive and kicking." nagtawanan sila habang nilalagay ko ang mga kinuha ko sa cart.

"Nay, kuha lang ako ng chips."

"Sige, anak. Dito lang kami."

Habang pumipili ako ng chips hindi ko maiwasang marinig ang usapan ng dalawang babae.

"Psst. Hindi ba siya 'yung babae kahapon sa mall show?"

"Siya nga siguro. Grabe 'no? Hindi na siya nahiya."

"Oo nga eh." mga bwisit 'to ah.

...

"Nay, hindi pa ba tayo uuwi?" nangangalay na ako sa kalalakad eh. Kanina pa kami ikot ng ikot sa mall. Mabuti nalang 'yung mga pinamili namin iniwan ni Nanay sa package counter.

"Okay lang iyan, anak. Day off ko naman ngayon. Pagbigyan mo na ang nanay mo."

"Okay." sabi ko at bumuntong hininga.

Habang naglalakad kami may nakita akong poster ng isang boy band. Walang nakalagay na pangalan pero sa tingin ko ang pangalan ng bandang 'yun ay The Next Door Boys. Mas lumapit ako sa poster at napansin ko 'yung lalaking nasa gitna ay 'yung lalaki kahapon tapos nakalagay sa baba 'yung pangalan ng banda. BoyZ Next Door nga pala 'yun. Gagi.

"Pinagpapantasyahan mo yata iyan, anak?"

"Hindi, Nay."

"Wala namang masama kung sasabihin mo ang totoo. I heard magcoconcert sila a few months from now. Gusto mo bang pumunta?"

"Ayoko." totoo naman ang sinasabi ko ah.

Sumimangot siya, "Okay. So, where did you and Kathy go yesterday?"

"Dito lang po sa mall."

"Anong ginawa niyo dito?"

"Pinilit po akong manood ng mall tour ng isang 'boy band'."

"Iyan ba ang 'boy band' na sinasabi mo?" tanong niya habang nakaturo doon sa poster.

"Yes."

"Hindi ko alam na fangirl ka, anak." kinikilig na sinabi ni Nanay.

"Nay, napilitan nga lang po ako." kulit niya rin eh.

"O sige. I believe you." sabi niya ng nakangiti.

Pumunta kami sa hair salon, gusto niya raw kasi ng new look. Tapos nagpapedicure siya, and all other girly stuff. Imbes na nakatunganga lang ako dito habang hinihintay siya dapat nasa arcade ako, naglalaro, o kaya nasa bookstore, nagbabasa o naghahanap ng magandang libro, kaso hindi eh.

"Nay, hindi ba pwedeng lumabas muna? Nakakainip dito eh."

"Sige, anak. Huwag masyadong magtagal."

"Opo."

Pumunta ako sa bookstore. Nagtingin-tingin ako ng librong pwedeng bilhin at ayun nga, may nakita akong magandang libro, Divergent ang title.

Pumunta na ako sa cashier at akmang kukuhanin ko 'yung pambayad sa loob ng bulsa ko nang wala akong nakapa. Tumingin ako sa matandang cashier na nakatingin lang sa'kin habang tinatap ang daliri niya sa counter. Taray naman ni Ate.

Tumawa ako ng mahina. "Teka lang po." kinapa ko ulit 'yung bulsa ko, baka sakaling may biglang lumabas na pera kaso wala.

"Kung wala ka namang-" naputol 'yung sasabihin ng matanda nang...

"Teka, ito pa Jade. Muntik ko nang makalimutan." sabi ni Justin habang binababa 'yung mga kinuha niyang...notebook? "Ito po ang bayad." sabi niya sabay abot ng pera sa cashier. Inirapan lang siya ng matanda.

Sa labas ng bookstore..

"'Wag mong sabihin na sinusundan mo ako." sabi ko sa kanya.

"Hindi naman sa ganun. Well, sa ganun nga siguro." sabi niya sabay kamot ng buhok niya. "P-pero may mga binili rin ako."

"Salamat, Justin. Babayaran na lang kita bukas. Naiwan ko kasi 'yung wa-"

"No need, Jade. You can just pay me by going out with me." sabi niya sabay kindat.

"Ano ka, sinuswerte? Mas pipiliin ko pang bayaran ang libro ko kesa makipag-date sayo 'no."

"Sige na?"

"No."

"Parang date lang eh, anong masama do-?"

"Hindi."

"Please?"

"Hindi pwede."

Nagbuntong-hininga siya. "Fine. Pero someday matutuloy ang date na 'yan."

"Tingnan lang natin." sabi ko habang pinapatunog ang mga daliri ko.

Hindi ko napansin na nasa harap na kami ng nail salon.

"Dito na ako. Salamat ulit."

"Anything for you, Jade."

"Bahala ka sa buhay mo. Pasok na ako." bwisit na lalaking 'yun.

~~~~~~~~~~

Keleg to the bones XD hope you be keleg, too. Hahahaha! - AbiVans :)

The Popstars' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon