"The Only Exception" by Paramore
Note: The video can only be played in the website. Sorry.
~~~~~~~~~~
(Kusina)
"Jade, umalis na ba si Kathy?"
"Opo, Nay, sinundo siya ni Justin."
Kinilig si Nanay,"'Wag mo nang itago, 'nak!" ano ba 'yun?
"Hay nako, Nay. Kumain na lang tayo." kinuha ko 'yung pritong galunggong at kumain na.
After a few minutes of eating...
"Anak, may hindi ka pa yata sinasabi sa akin."
"Tinawag po ako sa principal's office." tumungo ako.
"At bakit ka tinawag doon?"
"Kasi sinuntok ko ang kaklase kong lalaki."
"I'm so proud of you, anak!"
Kumunot ang noo ko, "What?"
"I'm proud of you kasi first time mo lang madala sa Principal's office at nakasuntok ka pa ng lalaki! Ang astig mo talaga, anak!" sabi ni Nanay with matching palakpak at tawa. Tumawa na lang rin ako.
After a few more minutes of eating...
"Nay, ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan."
"Ang bait talaga ng anak ko. Sige, akyat na ako. Sunod ka na lang. Goodnight, Jade."
"Goodnight, Nay."
Pagkatapos kong maghugas ng plato umakyat na ako sa kwarto. Naligo muna ako saglit at malamang nagbihis ng pangtulog.
"Run run runaway, runaway baby
Before I put my spell on you
You better get get getaway, getaway darling
'Cause everything you heard is true..."
Tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag. Unknown number. Pinatay ko na lang at nanood ng Outlast ni Markiplier sa YouTube. (Parang pinopromote namin 'no? Hahahaha!)
"Run run runaway, runaway baby
Before I put my spell on you
You better get get getaway, getaway darling
'Cause everything you heard is true..."
Tiningnan ko ulit ang caller. 'Yun ulit ang number kay pinatay ko na lang ulit.
Mamaya konti...
Tawag. Patay. Tawag. Patay. Tawag. Patay. Tawag...
Puntik- "Ano ba?!" reklamo ko.
"Sorry." adik 'tong Andrew na 'to ah.
"Ano bang gusto mo?" hindi siya sumagot. "Tatawag ka tapos wala kang sasabihin? Parang ewan 'to." bababa ko na sana 'yung tawag nang magsalita siya.
"Uh, Jade, can we be...friends?"
"No, thanks. Kuntento na ako sa iisang kaibigan." binabaan ko siya at natulog na.
...
Kinabukasan..
"Nay, alis na po ako." sabi ko habang sinasaksak ang earphones sa cellphone.
"O sige, 'nak. Ingat ka." niyakap niya ako.
"Kayo rin." kinuha ko na 'yung skateboard sa tabi ng pintuan, sinuot ang bag ko, at umalis na.
...
(University)
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng campus hinarangan ako ng isa...dalawa...apat na babae.
"Hey you!" sigaw ni Crayola.
"Yeah you!" -Faber Castell (susyal)
"Ano sa tingin mo ang ginawa mo sa aming prince? Ha?" galit na tanong ni Best Buy.
"Sino ang nagsabi sayo na pwede mong suntukin ang aming prince charming?" sabi ni Art Attack. Pffft..
"Why are you laughing, idiot!" -Crayola. Nagseryoso ako at nilagpasan na lang sila.
"Hey, don't walk out on us!" sigaw ni Faber Castell.
Nang marating ko ang locker area tinago ko na ang skateboard at cellphone ko. Pagkasara ko ng locker nandoon na naman sila.
"Sabing 'wag mo kaming tatalikuran!" akmang sasabunutan sana ako ni Crayola nang makailag ako at sinalo 'yung dalawang kamay niya.
"Don't you even dare." banta ko sa kanya. Binaba ko 'yung kamay niya at naglakad paalis.
"Are you even a freakin' girl?!" sigaw ni Best Buy. Hinarap ko nga siya.
"Ano sa tingin mo?" tinalikuran ko na sila at tinali ang buhok ko. Ang eengot.
Nung nakarating na ako sa classroom nandoon na 'yung tatlong ugok. Tiningnan nila ako, hindi lang pala sila, lahat pala ng mga kaklase ko.
Pumunta na ako sa upuan ko at umidlip muna since hindi pa naman nagsisimula ang klase.
[Chris' Point of View]
Anong nangyari kay Jade?
"Psst. Andrew." pabulong na tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa'kin. "Ano na naman ba ang ginawa mo sa kanya?" alam ko naman ang ginawa niya eh.
Alam kong sinundan niya si Jade kahapon nung uwian. Alam kong pinapasakay niya si Jade sa kotse niya. Paano ko nalaman? Simple. 'Di sinundan ko siya.
*Flashback*
"May plano ka rin?" tanong sa'kin ni Andrew.
"Wala naman. Ikaw?"
"Wala."
"Sige, una na ako. Kita na lang tayo bukas."
"Sige."
Naglakad ako papunta sa kotse ko at pinaandar na 'yun. Habang nakatingin ako sa likod ng kotse nakita ko si Jade na...nakaskateboard? Mabilis kong binack-up 'yung kotse at sinundan siya ng palihim. Nang magstop ako nakita ko 'yung sasakyan ni Andrew sa may tabi ng kalsada at mukhang kinakausap niya si Jade. Nakita kong umalis na si Jade. Nag-right turn naman si Andrew. Mukhang rejected si pare.
Nung nag-go na ang traffic enforcer mabilis ko ulit na sinundan si Jade kaso nakita kong pumasok siya sa maliit na eskinita. Alam ko na kung saan labas noon! Pero 'pag dating ko sa kabilang kalye wala na siya. Saan kaya siya nagpunta...
*End of Flashback*
Hindi kaya galit sa'kin si Jade kaya ganun siya? O baka galit siya kay Andrew? Imposibleng magalit siya sa'kin kasi hindi naman ako 'yung nag-alok sa kanya na makisakay. Baka nga hindi siya galit sa'kin.
"Ui." bulong ni Adrian. Tumingin ako sa kanya "Anyare sayo? Makinig ka nga kay Mr. Burgos. Baka mapagalitan ka pa." Tumingin na lang ako sa harap at nakinig sa professor.

BINABASA MO ANG
The Popstars' Love
Teen FictionQ: Kung dinala ka ng kaibigan mo sa isang mall show ng sikat na banda, matutuwa ka ba? A: "Hindi, bakit? Hindi ko naman sila kilala." -Jade.