[Kyle's Point of View]
Aba, iniwan ako dito sa gubat! Susundan ko sana kaso ambilis. Hindi nahagilap ng mata ko. Naks, hagilap daw.
Saan ba ako pumasok?
Sa mga puso ng babae syempre. Pero kidding aside, nawawala na nga yata ako. Kinuha ko ang cellphone ko. Wala pa ngang signal! Malamang, gubat 'to gagi! Nangangati na ako, daming lamok amp.
Tumingin ako sa langit, uulan na. Nagmadali na akong maglakad. Tinabig ko ng tinabig ang mga dahon na nakaharang sa dinadaanan ko. Hindi ko namalayan na 'yung susunod kong tinabig ay bahayan ng bubuyog. @#$%!
Sumigaw ako at kumaripas ng takbo.
[Jade's Point of View]
Mabalikan nga 'yung lokong 'yun, naliligaw na siguro 'yun, dumidilim pa naman.
Papasok na ako ng gubat nang may marinig akong sumisigaw. Ba 'yun, kung sumigaw parang babae.
Binilisan ko ang aking paglalakad, baka kung ano na ang nangyari dun kaya nagsisisigaw.
At ayun nga, nakita ko siyang nagtatatakbo at...hinahabol ng mga bubuyog?! Nakita ko namang nagdive siya sa lupa, malayong malayo na sa mga bubuyog. Dahan-dahan ko siyang nilapitan.
"Huy, tumayo ka nga dyan." sabi ko.
"J-Jade?" hindi pa rin siya natayo, hawak niya ang kanyang ulo. Marumi na ang kanyang suot, may mga butas na, siguro dahil sa mga sanga, may konting sugat ang mukha at may tusok ng dalawang bubuyog ang kanyang braso. "Bakit ka nandito?"
"Babalikan kasi kita." inilahad ko ang aking kamay para makatayo siya. Kinuha niya naman. Ambigat.
"S-Salamat." tumango lang ako.
Nauna na akong maglakad pero hindi ko siya naramdamang maglakad. Tumingin ako sa likod, "Hindi ka ba susunod?" nakatayo pa rin siya doon. Nilapitan ko at hinila siya sa braso. Hindi siya nagsalita.
Nang makalabas kami ng gubat huminga muna ako ng malalim bago ko sabihing, "Punta muna tayo sa trabaho ng nanay ko. Gamutin natin 'yang mga sugat mo. Malapit lapit lang naman 'yun dito." hindi siya sumagot kaya tiningnan ko siya, nakatingin lang sakin. Kumunot ang noo ko, "Naririnig mo ba 'ko?"
Naanigan siya, "Ahhh sige. Sorry, nahihilo yata ako dahil sa sakit nung pag-atake sakin ng mga bubuyog na 'yun." tumango ako at nagsimula na ulit maglakad.
Mabuti nung pumasok kami sa loob ng tindahan walang tao, ang mga trabahador lang at si Nanay ang nandito. "Oh sino iyan, anak? Anong nangyari sa kanya?" alalang alalang tanong ni Nanay.
"Hinabol ng mga bubuyog. Pwede ba kaming pumunta sa likod, gagamutin lang ang kanyang mga sugat?"
"O sige sige. Nako, kawawa naman ang batang iyan." hinila ko sa braso si Kyle papunta sa likod at lumapit sa lababo. Binigay ko sa kanya ang sabon at nagsimula na siyang maglinis ng kanyang mga sugat. Kumuha naman ako ng malinis na tuwalya at binigay sa kanya nung tapos na siya.
Pinaupo ko muna siya sa isang tabi. Kinuha ko ang med kit mula sa cabinet saka siya nilapitan. Habang tinatanggal ko sa box 'yung mga kakailanganin tiningnan ko si Kyle. Tulala pa rin.
Inabot ko sa kanya ang alcohol at cotton, "Oh, ilagay mo 'yan sa sugat mo." hindi niya kinuha, nakatulala lang siya sa sahig. Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa taas saka kumuha ng isa pang upuan para umupo sa tabi niya. Sinimulan kong linisin 'yung kagat ng bubuyog na nasa kanyang kaliwang braso. Tumingin ako sa kanya, nakatingin rin siya sakin. Agad ko namang binalik ang tingin ko sa sugat niya. "Paano ka pala nahabol ng mga bubuyog?"
Sa wakas nagsalita siya, "Natabig ko 'yung tirahan nila." napangiwi ako.
"Sa susunod tingnan mo muna kung ano 'yung tatabigin mo bago mo tabigin." hindi siya sumagot. Tinapon ko sa malapit na basuran ang bulak at binalik na ang med kit sa cabinet. Kumuha naman ako ng yelo para ipatong sa sugat niya. Tingnan ko ulit siya mula sa ref, nakangiti sakin. Aba, nagkunwari ba 'to?!
"Ba't ka nakangiti?"
"Maalagain ka pala." tumawa siya. Kumunot naman ang noo ko. "Baka isipin ng mama mo na magjowa tayo ha? Hindi ko siya pipigilan kung iisipin niya 'yun." nainis ako kaya binato ko 'yung ice bag sa braso niya kung nasaan ang sugat. Napa-aray siya.
"Buti nga sayo. Dyan ka na nga." umalis na ako dun sa likod at pumunta kay Nanay.
BINABASA MO ANG
The Popstars' Love
Teen FictionQ: Kung dinala ka ng kaibigan mo sa isang mall show ng sikat na banda, matutuwa ka ba? A: "Hindi, bakit? Hindi ko naman sila kilala." -Jade.