Chapter 5: The Call and The Punch

72 7 0
                                    

"Nay, I'm homeee!"

"Hi, anak, mukhang masaya ka yata?"

"Hindi po. Ang sakit nga ng ulo ko eh."

"Bakit?"

"Ewan ko ba kung bakit." hinilot ko ang aking sentido.

"Sige, magpahinga ka muna sa kwarto mo. Tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo." tumango na lang ako at umakyat na.

Humiga na ako sa kama ko at papikit na sana nang mag-ring ang aking cellphone. Hindi ko na tiningnan ang caller I.D. kasi alam ko namang si Kathy 'yun.

"Ano na naman ba-"

(We know where you live.) dafudgedafudgedafudgedafudge! Muntik ko nang ihagis ang cellphone ko.

Call Ended

Pinatay ko ang cellphone at bumaba ng hagdanan.

"Nay! Nasan ka?? Nay!"

"O anak, bakit?"

"May, may, may tumawag sa'kin..."

"Kilala mo?"

"Hindi!"

"Ano sabi?"

"Alam niya raw kung saan ako nakatira! Nay!!" hinawakan ko nang mahigpit ang braso ni Nanay.

"Baka wrong number?"

"Nay naman eh!" ba naman, tinawanan lang ako.

[Andrew's Point of View]

"Aba, binabaan ako."

"Malamang. Sinabihan mo ba naman siya ng 'we know where you live' tapos may halong suspense pa ang pagkasabi mo. Idiot." sabi ni Adrian sa'kin.

"'Di ikaw na matalino." masusuntok ko 'to eh.

"I'm just stating the obvious."

"So, tawagan ko ba ulit?"

"'Wag na, tinakot mo na nga, tatawagan mo pa." sabi naman ni Chris.

"Ano, mag-aapologize tayo, ganun?"

"Of course." sagot ni Chris.

"Yeah, sure, whatever." sagot ni Gerald habang naglalaro sa iPhone niya.

"Teka, dapat ikaw lang kasi ikaw naman 'tong nagbalak tumawag eh." -Adrian.

"Fine." pumayag na ako dahil baka masira pa ang image ko, mahirap na.

Kinabukasan..

(University)

"Oh my gosh! They're finally here!"

"Maayos ba ang make-up ko, Brittney??"

"Fafa Andrew!! Akin ka na lang!"

"Sana tayo na lang, Kyle!" kumindat naman ang loko.

"Salita naman dyan, Gerald!"

"Chris! Why so gwapo?!"

"Dumiretso na tayo sa room." sabi ko sa apat.

Tumango si Adrian.

"Sige." -Chris.

"Yeah, sure, whatever." -Gerald.

Pinauna kong maglakad sina Adrian, Kyle, at Gerald. Kinausap ko saglit si Chris.

"Huy, Chris, ikaw na mag-sorry dun ha?"

"Sure." sabi ni Chris habang nakangiti. Anyare dito?

[Jade's Point of View]

Me and Kathy went our separate ways, nakz! Our separate ways! Hahaha!

"Why are you laughing, Ms. de la Vega?" tanong ni Ms. Javier.

"Ay, wala po, ma'am." tumango lang siya at pumasok na ako sa room.

Pagkaupo ko binasa ko ulit 'yung chapter one ng libro para marefresh sa utak ko.

*Ring!*

"Buti na lang hindi tayo nalate." narinig kong sabi ng isang lalaki.

"Good morning, class."

"Good morning, Ms. Javier."

"Today we will have a short quiz..."

"Ano ba 'yan, ma'am. Hindi kami prepared!"

"Oo nga."

"Tama."

"Say it in English, Ms. Torres." nakapamewang na si Ms. Javier.

"Umm, ah, ma'am what? Prepared not we." Yoda, is that you?

Tumawa ang buong klase pati ako. Sa nakakatawa eh.

"Quiet down. The reason why we are having a short quiz is to know if you really read chapters one through ten of Shakespeare's book." umangal 'yung iba.

...

Tinapos ni Ms. Javier ang klase ng maaga para daw "makahinga" ang utak namin para sa susunod na klase.

"Grabe, ang hirap ng quiz ni Ms. Javier!" sabi nung babaeng nasa harap ko.

"Oo nga eh. Pinaenglish pa ako." sagot ng babaeng katabi niya.

Tumungo nalang ako. Inantok ako kagabi sa kaiisip sa kung sino 'yung tumawag.

"Psst."

"Psst."

"Baka tulog?"

"Kakatungo niya lang tapos tulog agad. Isip nga." mamaya-maya may bumato sa'kin ng maliliit na papel. Hindi ko na sana papansinin kaso nakalimang bato na siya.

Tumingin ako sa tatlong lalaki, "Ano ba gusto niyo?!" nakakainis na ha. Pangalawang araw pa lang pero kumukulo na ang dugo ko sa mga 'to.

Tumikhim 'yung nasa likod, "Sorry." tatalikuran ko na sana nang magsalita ulit siya. "I'm sorry for holding your hand a few weeks ago, we're sorry for borrowing your stuff, and, uh, Andrew's sorry for calling you yesterday." teka, teka, teka, teka.

"... Andrew's sorry for calling you yesterday."

Andrew?

Tumingin ako sa katabi ko.

"So, ikaw pala 'yung tumawag sa'kin."

"Ye-" sinuntok ko siya.

"What the ****?!"

[Chris' Point of View]

Sinuntok niya si Andrew!

"Paano niyo nalaman ang number ko?" galit na tanong ni Jade.

"Uh..." napakamot ako ng buhok ko.

*Flashback*

"Paano tayo mag-sosorry kay Jade?" tanong ko sa kanila.

"'Di tawagan natin siya." sagot ni Andrew.

"Engot ka ba? Sa tingin mo may number tayo nun?" -Adrian.

"Edi mag-isip kayo ng paraan. Tss. Ingay niyo." sabi ni Gerald sabay lagay ng earphones sa tenga niya at naglaro sa iPhone niya.

Nagkatinginan kaming tatlo sabay tawag namin kay...

"Kyle!"

"Ano? Wait lang, honey, I'll be back." sabi niya sabay kindat sa babae.

Pinakausap namin si Kyle kay Kathy, kaibigan ni Jade, kung pwedeng hingiin ang number ng kaibigan niya.

*End of Flashback*

"Ano? Hindi kayo sasagot?" -Jade na humarap na.

"Lalo tuloy nagalit. Ba't ka ba kasi naghagis ng papel, Adrian?" inis na tanong ko.

"Trip ko lang." binatukan ko nga. Tiningnan ko si Andrew, ayun, tulala.

The Popstars' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon