Ayaw niya kasi ng gummy bear o Jell-O XD
~~~~~~~~~~
[Jade's Point of View]
(Bahay)
Pagkapasok ko sa loob ng bahay sinalubong ako ng pagkagutom. Nilagay ko ang skateboard ko sa tabi ng pintuan at umakyat sa taas para magpalit ng damit. Pagkababa ko pumunta ako sa kusina para magluto ng dalawang pancit canton. Bakit ba.
Nung natapos na akong kumain hinugasan ko ang plato ko at pumunta sa sopa at humiga. Iidlip sana ako nang may maalala ako. Tsk. 'Yung ibabayad ko nga pala kay Justin. Since wala naman akong gagawin ngayon pupunta na lang ako dun saglit at babalik agad dito.
(Kathy's Bahay)
*Ding-dong!*
Bumukas 'yung pinto at niluwa nun si Justin.
"Hey, Jade. Pasok."
"'Wag na. Ito nga pala 'yung bayad dun sa libro ko." inabot ko sa kanya 'yung bayad kaso hindi niya tinanggap. Parang alam ko na ang gusto nitong mangyari. "Alam mo namang hindi ako makikipag-date sayo diba? Kaya tanggapin mo na." pinilit kong ibigay sa kanya 'yung bayad ko kaso ayaw talaga.
"Hindi na 'yun. Iba na lang."
"Ano? Libre?"
"Oo, libre." sabi niya habang nakasandal sa pintuan at ngumuso.
"Chips? Pagkain? Ano?"
"Kiss..." da freak. "sa cheeks lang naman."
"Ayaw mong kuhanin 'yung pera, 'di 'wag." aalis sana ako pero hinawakan niya 'yung kamay ko.
"Hug nalang. Twenty seconds."
"Manigas ka." lumayo ako sa kanya.
"Ten seconds." hindi talaga ako titigilan nito eh. Nasaan ba kasi si Kathy para maawat 'tong kapatid niya?
"Five seconds." sabi ko.
"Eight."
"Three."
"Fine, five." lumapit ako sa kanya at i-bbro hug sana siya kaso hinila niya naman ako at hinug na para bang teddy bear.
"One, two, three, four, five. Bitaw." sabi ko at tinulak siya. Bumitaw rin naman.
"Bango mo talaga, Jade."
"Sira, uwi na ako."
"Ingat ka." naglakad na ako paalis.
[Kyle's Point of View]
A few minutes earlier..
Ang hot ng babaeng 'yun ah. 'Yun ba 'yung sumuntok kay Andrew. Jane ba pangalan nun? Basta. Hot na siya, astig pa. Ideal girlfriend for the week starting Satuday pagkatapos ng mall tour. Hehehe.
"Ui, sakay na." sabi ni Andrew.
Pumunta na ako sa van at umupo doon sa tabi ng driver. Nakita ko namang umupo si Adrian at Gerald sa pinakalikod at sina Andrew at Chris sa likod ko. Gets niyo ba? Sana gets niyo.
Tumingin naman ako sa driver namin, "Musta na, Manong Ryan?"
"Okay lang naman po, Sir Kyle."
"Nako, Manong, Kyle na lang po ang itawag niyo sa'kin. 'Wag niyo rin po akong i-po." tumawa ako.
"Sige p- Si- Kyle." tumango lang ako at tumingin sa bintana.
Habang nakatingin ako sa labas napadako ang mga mata ko sa isang babae na nakayakap sa lalaki sa may pintuan ng bahay. Teka, ito 'yung, ito 'yung..
BINABASA MO ANG
The Popstars' Love
Teen FictionQ: Kung dinala ka ng kaibigan mo sa isang mall show ng sikat na banda, matutuwa ka ba? A: "Hindi, bakit? Hindi ko naman sila kilala." -Jade.