[Jade's Point of View]
Tumingin ako sa paligid at pinagtitinginan na pala ako.
Tumungo na lang ako at hinintay ang susunod na klase.
...
Habang naglalakad ako papunta sa cafeteria may tumawag sa'kin.
"Jade! Wait lang, sabay na tayo." sabi ni Kathy habang tumatakbo palapit sa pwesto ko. Nagkibit-balikat na lang ako at naglakad ulit kaso may bigla na namang tumawag sa'kin.
"Hoy, babae! Hoy! Tinatawag kita kaya humarap ka sa'kin!" humarap ako sa kanya at akmang susuntukin niya sana ako nang nakailag ako. Sa inis at galit, sinuntok ko ulit siya.
"Pwede ba! Bakit ba ang kukulit niyo? Hindi ko naman kayo inaano dyan. Nakakainis na!"
"Don't you even know who we are?!" sabi niya.
"Paki ko ba kung sino kayo!"
May tumikhim, "You two!" napatingin kami sa...principal. "In my office. Now!" sinundan ko si Mr. Santos.
"Jade." pabulong na may halong pagalalang sabi ni Kathy.
Tipid ko siyang nginitian at mabilis na sumunod na sa principal.
(Principal's Office)
"As far as I'm concerned, Ms. de la Vega, you haven't had any bad records since kindergarten." sabi ni Mr. Santos habang tinitingnan ang mga papeles na nasa kamay niya. "And for the first time, may sinuntok kang lalaki. Are you aware that the person you punched is the leader of a popular band here in the Philippines and possibly in the whole world? In addition, it is only the second day of the school year at may nangyayari ng gulo. May I ask why?"
Paki ko kung sikat sila.
"Kasi po..." teka, ano nga ba ang explanation ko? Nakulitan lang ako sa Andrew na 'to kaya nasuntok ko siya? Ang babaw naman.
"Actually po, ako po ang may kasalanan. Muntik ko na po siyang masuntok. I shouldn't have done that. I can see it was her self-defense to punch me." sabi ng magaling na Andrew habang hawak-hawak ang ice bag sa pisngi niya.
Tiningnan kami ng mabuti ni Mr. Santos, "Okay then. This is a warning for the both of you. Kapag naulit iyan, I'm afraid that I will have to suspend you both. You're dismissed." tumayo na kami at akmang mag-tthank you nang...
"Oh, and by the way, say sorry to one another."
"Ano kami, Sir? Preschool?" sagot ni Andrew.
"Watch your words, Mr. Smith. All you have to say is one, simple word- sorry. Mahirap ba iyon?" tumungo ako.
"Psh. Sorry." nananadya ata 'tong principal na 'to eh.
"Tch. Sorry din." -magaling na loko.
"'Yun naman pala. You may go." ngumiti si Mr. Santos. Umalis na ako papuntang cafeteria.
[Andrew's Point of View]
"Oh pare, kumusta ang visit sa Principal's office? May detention? Hahahaha!" ****** Kyle 'to ah.
"'Wag mo nang painitin ang ulo ni Andrew." saway ni Chris sa kanya.
"'Di wag." -Kyle sabay kagat ng burger.
"Ui Andrew, hindi ka ba kakain?" tanong ni Adrian.
"Gerald akin na lang 'yang pudding mo." - Kyle.
"Yeah, sure, whatever."
Nakita kong pumasok si Jade sa cafeteria na sinalubong naman ng kanyang kaibigan.
Kumain ako ng konti at lumabas na ng cafeteria.
...
*Ring!*
Habang naglalakad ako may naramdaman akong kumalabit sa'kin.
"Dapat 'di mo na ako pinagtanggol. Kaya ko naman ang sarili ko." sabi ni...Jade.
"Nagsalita ang hindi makapagsalita kanina."
"Ewan sayo."
"Pasalamat ka nga I saved your butt."
"Kapal ng mukha. Dyan ka na." nakita kong tumakbo siya papunta sa kaibigan niya.
.
.
.
.
.
"At ang loko ay nakangiti. Anong nangyari sayo, Mr. Smith?" tanong ni Chris na umakbay sa'kin.
"Can't you see? Kinausap siya ni Jade, stupid." -Adrian.
Tumawa ako. "Tumigil nga kayo."
Pinalibutan nila akong apat with confused looks on their faces.
"What?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Popstars' Love
JugendliteraturQ: Kung dinala ka ng kaibigan mo sa isang mall show ng sikat na banda, matutuwa ka ba? A: "Hindi, bakit? Hindi ko naman sila kilala." -Jade.