[Third Person's Point of View]
"Ba't ba ang boring dito sa bahay!" sigaw ni Jade habang pagulong-gulong sa sopa.
Natapos niya na ang lahat ng gawaing bahay, nakapagpahinga na rin siya ngunit wala na siyang maisip na gawin.
Bigla siyang tumayo at kinuha ang skateboard sa tabi ng pintuan at umalis.
(Cake Shop)
*Ting!*
"Welcome to Sweet Bakes Cakeshop!" bati ni Xandra sa parating na customer na si Jade. Halatang hindi niya napansin na anak niya pala ito dahil sa dami ng bumibili. Pagkalapit ni Jade sa kanyang nanay na nasa counter ay agad siyang sumigaw, "Jade, anak! Anong ginagawa mo dito?" napatingin tuloy ang mga customer sa kanilang dalawa.
"Walang magawa sa bahay eh." bulong nito.
"Ahh. Halika't dito ka sa loob." sumunod ito sa kanyang ina. Pagkapasok niya ay agad niyang tinabi ang skateboard at binati si Wendy na gumagawa ng design para sa cake.
"Ay, hindi kita napansin dyan, Jade! Kumusta na? Ang ganda-ganda mo na!" nahiya tuloy si Jade.
"Ayos lang naman po."
"Mabuti naman kung ganoon. May nanliligaw na ba sa iyo, hija? Baka magustuhan mo ang anak k-"
"Nako po, Tita Wendy, wala po akong interes sa mga ganyang bagay." sagot kaagad ni Jade.
"Ay, ganoon ba. O sige, dyan ka muna, hija. Tatapusin ko lang ang mga ito." sabi ni Wendy habang nilalagyan ng cookies ang cake. Umupo siya sa kanyang skateboard at naglaro muna sa kanyang cellphone.
Mamaya konti tinawag ni Wendy si Xandra.
"Xandra, sino magdedeliver ng cake na ito?" namomroblemang tanong ni Wendy habang hawak-hawak ang cake.
"My hands are full, ay teka. Iyan ba ang gusto mo, miss? O sige, wait lang."
"Nako, marami pa akong gagawin dito." bulong ni Wendy sa kanyang sarili. Nakita ni Jade ang problema ng dalawa.
"Ako na lang po ang magdedeliver." singit nito. Napatigil ang dalawa sa ginagawa. "Saang lugar po ba ang address?"
"I-ito, Jade." abot ng nakatulalang Wendy ng kapirasong papel. Nakasulat doon ang address at surname ng nag-order na si Mr. Perolino.
"Thank you po. Nay, may ekstrang uniporme po ba kayo?"
"Nasa locker. Dito ka muna, Wendy. Kukuhanin ko lang iyon." patakbong naglakad si Xandra.
"Sige." pumunta na siya sa counter at nagtrabaho. Kaagad namang bumalik ang nanay ni Jade.
"Mabuti at may extra pa ako dito. Kasyang-kasya ito sayo, 'nak." tumingin si Jade sa t-shirt. Hindi siya sigurado kung susuotin niya ito o hindi kasi fit na fit ito sa pangangatawan niya at may halong pink ang suot. Kasyang-kasya nga ito. Sabi niya sa kanyang isipan.
"O-okay na 'to." pumunta siya sa banyo at nagpalit ng pang-taas.
Habang nasa banyo si Jade napaisip siya habang nagtatali ng buhok at nakatingin sa salamin, "Ganito ba ang katawan ni Nanay dati o nagpagawa siya ng extra para sa'kin?"
Lumabas siya ng banyo at lumapit sa kanyang nanay. Nagulat naman ang kanyang nanay at ang kasamahan sa trabaho.
"Ang seksi mo pala, Jade!" -Wendy. Nahiya na naman si Jade. Hindi kasi siya mahilig sa mga ganoong damit, mahilig siya sa maluluwag.
"Huy ,sis, 'wag kang maingay." bulong ni Xandra sa katabi.
"Ay sorry." kinuha ni Jade ang kapirasong papel mula sa kanyang bulsa at tiningnan ito ng maiigi. Inisip niya ng mabuti kung kanino ang surname na Perolino kaso walang mapiga sa kanyang utak. Kinuha niya na lang ang skateboard at nagpaalam na sa dalawa.
"Nay, Tita Wendy, alis na po ako."
"Teka, anak, hindi ka ba sasakay ng tricycle, jeep?"
"Malapit lang po 'yung lugar, Nay. Sige, alis na ako." kinuha niya na ang cake saka umalis.
"Mag-ingat ka, Jade!" pahabol nilang dalawa.
"I will." sabi niya at lumabas na ng cake shop.
Nagsuot na siya ng earphones at nagsimula nang magsipa.
...
Nakarating na siya sa destinasyon ng nakalagay sa papel. Ito ay kulay puting bahay na may itim na border. Medyo malaki ang bahay at malinis tingnan. Biglang kinutuban si Jade. Kinuha niya ang papel sa bulsa at tiningnan ulit ito ng maigi para makasigurado na iyon ang tamang address. Agad na lumapit si Jade sa pintuan at huminga muna ng malalim. Tinanggal niya ang earphones sa tenga, tinabi ang kanyang skateboard at pinindot na ang doorbell. Tiningnan niya ulit ng maiigi ang surname na nasa papel.
Nakayuko pa rin si Jade nang maramdaman niyang nagbukas ang pinto.
"Delivery for Mr. Peroli-" pagkaangat niya ng kanyang ulo napatigil siya, "-no." naalala niya na kung kanino ang surname na nakalagay sa papel- kay Ron.
"Jade?" gulat na tanong niya sa kaharap.
"Bro, what's taking you so...long." -Kyle na napatulala sa babaeng nasa pintuan. Mas lalong nagulat si Jade ng makita si Kyle. Ibig sabihin lang nito, kung nandoon si Kyle, nandoon din 'yung iba.
"Is the cake he-" - Gerald.
Nakita ng tatlong natira sa sala ang pagtigil ng tatlong nasa pintuan. Nainis na lumapit si Andrew sa tatlo, nakasunod dito sina Chris at Adrian. "Ba't ba nakatulala kayo..." natigilan siya nang makita si Jade. "...dyan."
"Ito ang bayad." abot ni Ron kay Jade ng pera. Tinanggap niya iyon at binigay sa kanya ang cake at agad na tumalikod at mabilis na naglakad.
Sa gulat nilang lima hindi nila napansing nakaalis na ang babae. Biglang nagsalita si Chris para mawala ang katahimikan.
"I'm starving!" kinuha niya mula kay Ron ang cake at pumunta na sa dining table.
Bumalik na sa dati ang lima at tinalikuran na ang pinto.
"I told you she's hot!" sabi ni Kyle kay Ron. Hindi niya na lang pinansin ang binata.
"Huy, Gerald, kainan na. Diba gutom ka na?" tanong ni Adrian.
"O-oo."
Lahat sila nagkukwentuhan maliban kay Andrew na hanggang ngayo'y hindi makapananiwala sa nakita kanina. Maraming tanong ang sumasagi sa kanyang utak, paanong naging delivery girl si Jade? Bakit siya nagtatrabaho sa isang cake shop? Bakit hindi sila kinausap ni Jade kanina?
"Kain na, Andrew." tawag ni Ron dito.
"Ito na."
BINABASA MO ANG
The Popstars' Love
Novela JuvenilQ: Kung dinala ka ng kaibigan mo sa isang mall show ng sikat na banda, matutuwa ka ba? A: "Hindi, bakit? Hindi ko naman sila kilala." -Jade.