Chapter 9: Astiging Jade

60 5 0
                                    

Uma Thurman by Fall Out Boy

~~~~~~~~~~

Thursday..


[Jade's Point of View]

"Yay! Magkasama na tayo, Jade!" sabi ni Kathy habang tumatalon.

"Whooo." tinaas ko 'yung kamay ko para full epec.

P.E. (girls only) na kasi namin ngayon. Pagkatapos ng lunch P.E. na.

"Okay, girls, let's play dodgeball!" hinawakan ni Ms. Castro ang bola na para bang puputok na sa sobrang pisat. Nagulat 'yung ibang mga babae.

"Fifteen people in one group! Hurry up! Don't waste my time!" kunwaring tumakbo si Kathy kung saan-saan tapos bumalik ulit sa tabi ko. Baliw.

After a few minutes..

"Let the dodging, begin!" pumito si coach.

Kumuha ako ng isang pulang bola at tinamaan ang isa, dalawa, apat na babae. Aba, teka, ito 'yung apat kanina ah.

"Ouch! My pretty face!" sabi ni Art Attack.

"Ano ba 'yan, Trixie! 'Wag ka na ngang tumabi sa'kin! Natamaan tuloy ako!" Trixie pala pangalan nun. I still prefer Art Attack though.

"Kami rin!" angal ni Faber Castell at Best Buy.

"Ang galing mo, bestfriend! Buti nga tinamaan mo sila." kumuha rin si Kathy ng isang bola at tinamaan ang isa kong kaklase.

"The four of you! Out!" sigaw ni coach.

Mga bola'y nagliliparan. Mga tao'y natatamaan. Naks, pwede na ako gumawa ng tula.

"Jade! Watch out!" sigaw ni Kathy kaya napatingin ako sa harap ko at nakita kong papunta na sa'kin 'yung bola. Buti na lang nasalo ko. Sa inis ko binato ko 'yung bola dun sa babae, ayun, natamaan sa mukha.

"Good one, de la Vega!" sigaw ni coach.

"What?" bulong ko sa sarili ko.

Pagkatapos ng napakatagal na laro, kami ang nanalo.

"Good job, class. Next week we're going to play basketball. You're dismissed." akmang aalis na kami ni Kathy nang...

"Ms. de la Vega!" tinawag ako ni Ms. Castro. Lumapit ako sa kanya.

"Po?"

"Good job back there.  I like the way you hit those girls' faces. Keep it up!"

"Uh, thanks po?" bumalik na ako kay Kathy at sabay na kaming pumunta sa gym locker.

"Ang galing mo talaga, Jade! Ikaw ba talaga ang nakita ko kanina?" nagkibit-balikat lang ako. Napahikab ako. Inaantok na akesh.

(Gym Locker)

Mabilis kong sinuot ang uniform ko. Inuna ko ang red and black checkered skirt na above the knee ang haba, sunod kong sinuot ay ang white blouse ko na long sleeves, hindi ko na siya tinuck-in at tiniklop na lang 'yung sleeves kasi uwian na rin. Inaayos ko ang korbata kong kasing kulay ng palda ko. Sinuot ang black socks na hanggang tuhod ang taas, at ang black loafer shoes ko. Tinali ko rin ang buhok ko kahit magulo kasi hindi ko matiis ang init.

*Ring!* {bell sent from the heavens}

"Kathy, una na ako." sinabit ko ang bag ko sa aking balikat.

"Sige, go lang. See you tomorrow."

Dumiretso ako sa main locker at kinuha ang skateboard at cellphone ko. Nilagay ko ang earphones sa tenga ko at lumabas na ng school.

"I can move mountains

I can work a miracle, work a miracle

I'll keep you like an oath

'May nothing but death do us part...'"

[Andrew's Point of View]

"Pre, may praktis tayo mamaya." sabi ni Chris sa'ming tatlo since wala pa si Kyle.

"Yeah, sure, whatever." sabi ni Gerald habang naglalaro na naman sa iPhone niya. Isang-isa na lang at mababato ko na 'yung cellphone niya.

"Malamang. Next Saturday na ang mall tour natin tapos hindi pa tayo mag-papractice." -Adrian. Isa pa 'to. Batukan ko kaya 'to para mawala ang talino.

Habang naglalakad kami papunta sa aming mga kotse nakita namin si Kyle na tumatakbo palapit sa pwesto namin.

"Oh, Kyle, napaaga ka ata?" sabi ko.

"Malamang nandito siya dahil brineak niya na ang 'girlfriend' niya. Isip-isip rin." binatukan ko si Adrian ng matinding matindi. "What was that for?!" sabi niya habang hinihilot ang batok niya.

"Kala ko matalino ka? Tss." narinig kong nag-mura siya.

"Paanong hindi ko siya hihiwalayan, ang arte-arte eh."

"'Yun oh!" sigaw ni Gerald.

"Bakit?" -Kyle. Napatingin kami kay Gerald.

"Natapos ko na lahat ng missions!" binatukan siya ni Chris. "Sakit ah."

"Tapos napaka-OA. Kung makadikit kala mo mawawala ako." pagpapatuloy ni Kyle.

"Iniwan mo siyang umiiyak?" tanong ni Chris.

"Malamang. Kilala niyo naman ako eh." tumigil kami sa kotse ko. Sumandal si Kyle sa kotse na naka-cross arms. Si Gerald naka-Indian seat sa lupa. Kami ni Chris nakasandal sa kotseng katabi ng kotse ko habang si Adrian naman ay nakatayo lang at may kausap sa cellphone.

Nagkwentuhan pa kami ng konti nang may sinigaw si Kyle.

"Ui! Chix!" sabi niya doon sa ba...bae- kay...Jade. Nakaskateboard ulit siya. Tapos suot niya 'yung uniform na para bang magulong tingnan, I mean, hindi 'yung magulong panget, 'yung...'yung magulong maganda. 'Yung parang bang... 

"Ang hot! Whew!" kunwaring nagpunas ng pawis si Kyle. Tumingin ako kay Jade, dedma lang. May suot atang earphones. Tumingin naman ako sa tatlo, aba, nakatulala, pati rin si Gerald. First time...

"Huy! 'Lika na nga, magpraktis na!" sigaw ko. Natauhan na sila.

"O-oo nga. Punta na ako sa kotse ko." -Chris.

"Y-yeah, sure, whatever." tumayo na si Gerald.

"'W-wag. Tumawag si Ron, he said our van will be here in just a few minutes. Pasundo niyo na lang ang mga sasakyan niyo." sabi ni Adrian.

"Ba't nauutal kayo dyan?" asar ni Kyle.

*Beep-beep!*

"Mga sir, sakay na po kayo." sabi ni Manong Ryan.

"Ang bilis mo ngayon ah." -Adrian.

Sumakay na kaming lahat.

The Popstars' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon