Chapter 7: I Know Nothing

57 6 0
                                    

"Pre, okay ka lang ba?" tanong ni Kyle.

"Oo naman. Bakit?"

"Sure ka?" -Adrian.

"Oo nga. Para kayong mga sira." hinawakan ni Gerald ang noo ko.

"What the-"

"Tiningnan ko lang kung may lagnat ka."

"Baliw. Ano bang masama sa ngumiti at tumawa?"

"Wala naman." -Chris.

"Wala naman pala eh. Halika na."

*Ring!*

...

Uwian..

Habang naglalakad kami papunta sa parking lot nagsalita si Chris.

"Mga pre, tumawag si boss. May mall tour daw next Saturday."

"May tour na naman! Ang sakit na ng kamay ko sa kaka-drums." angal ni Kyle.

"Pwede ka naman tanggalin, Kyle. Anytime." asar ni Adrian.

"Yeah, sure, whatever." -Gerald.

"Ito namang si Adrian, 'di mabiro. Dyan na nga kayo. May date pa kami ni Lizzy. Lizzy!" kailan kaya magbabago ang ugok na 'yun?

"My Xbox is waiting for me." -Gerald. Umalis na.

"Tayong tatlo na lang." sabi ko.

"Actually, it'll just be the two of you now since I have dinner with the family." sabi ni Adrian habang nakatingin sa relo niya. "I'll see you guys tomorrow."

"Ikaw? May plano ka rin?" tanong ko kay Chris.

"Wala naman. Ikaw?"

"Wala."

"Sige, una na ako. Kita na lang tayo bukas."

"Sige." pumunta na ako sa kotse at nag-drive palabas ng University.

Habang nakastop ako may tumawid na babae na nakashades at nag-sskateboard. Si Jade.

Nung nag-go na ang traffic enforcer mabilis ko siyang sinundan. Binaba ko 'yung bintana at sumigaw sa kabilang side ng sasakyan.

"Jade!" napatigil siya at tumingin sa'kin.

"Sakay na, baka malayo pa ang bahay niyo." kahit ang totoo malapit lang. Paano namin nalaman? Through Kathy via Kyle malamang.

[Jade's Point of View]

Sinuot ko nalang ang earphones ko at nginitian siya ng pangasar at umalis na.

"Your sugar

Yes, please

Won't you come and put it down on me?

I'm right here, 'cause I need

Little love, a little sympathy

Yeah, you show me good loving

Make it alright

Need a little sweetness in my life

Your sugar

Yes, please

Won't you come and put it down on me?"

Naramdaman kong nakasunod pa rin ang lokong Andrew kaya binilisan ko pa lalo ang pagsipa sa skateboard hanggang sa makakita ako ng eskinita kung saan hindi makakadaan ang mga kotse. Since kalsada ang labas nito at alam kong doon papunta si Andrew bumalik ako sa pinasukan ko kanina. Lumipat ako sa kabilang eskinita kasi dun talaga ang daan ko pauwi.

The Popstars' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon