Nagsimula na siyang uminom ng frappuccino.
"'Wag kang tatawa ha?"
"Bakit ako tatawa?"
Bumuntong-hininga ako, "Noong eight years old ako...nagkaroon ako teddy bear, pangalan ay...Mr. Cuddles. Favorite teddy bear ko 'yun since I can remember. Lagi kong hawak-hawak 'yun kapag nasa bahay ako, kasabay ko 'yun kumain, naglalaro kami sa backyard namin. Weird, right? Pero anong magagawa mo kung only child ka tapos laging busy ang mga magulang mo.
"One day pagkagaling ko sa school, nakita ko na lang si Mr. Cuddles na putol na ang ulo. Iyak ako ng iyak noon. Tinanong ko 'yung katulong namin kung sino ang may kagagawan noon, sabi niya si Hachi daw, aso namin. Siguro simula noon, nagalit na ako sa lahat ng katulong namin for being so inattentive."
"Pfffttt..." pagpipigil-tawa ni Jade.
"Bakit ka napapatawa?"
Tumawa siya...tumawa siya with no force. Ang ganda niya pa-
"Ui, nakikinig ka ba?"
"A-ano?"
"Kaya ako natatawa kasi nagalit ka dahil lang nasira si 'Mr. Cuddles' mo? At saan mo pala nakuha 'yung pangalan na 'yun? 'Mr. Cuddles'." tumawa ulit siya. Napatitig tuloy ako. Ang ganda niya ng-
Napatigil siya, "Anong tinitingin-tingin mo dyan?"
"W-wala. Syempre magagalit ako, ikaw ba, kapag nawala ang pinaka-importanteng bagay o tao sayo, hindi ka ba magagalit? Atsaka malay ko ba kung saan ko nakuha 'yung Mr. Cuddles na 'yun. Mind you, I was just eight at the time." tumahimik siya. May nasabi ba ako?
"'Yun na nga eh."
May biglang tumikhim, "May I join you?" sabi ni...
"Adrian?" naka shades at cap din siya.
"Ay hindi, baka si Gerald 'to. Sayang hindi ko nadala 'yung iPhone ko." he said, poker-faced. Tiningnan ko siya ng masama. "Ano, hindi mo ba ako papaupuin?"
"Get your own stool, dude."
"Tss." kukuha na sana siya ng upuan nang tumayo si Jade.
"Dito ka na. Aalis na rin ako eh."
"Teka, 'wag muna." pagpipigil ko kay Jade. Dumating pa kasi 'tong mokong na 'to.
"Hindi na, kailangan ko na rin kasing umuwi. Salamat pala sa kape, Andrew. Mauna na ako." sabi niya habang nakangiti tapos umalis na.
"Nakangiti ka na naman dyan?" singit ni Adrian.
"Masama ba? And what are you doing here?" galit na tanong ko sa kanya.
"Masama ba?"
"Ano nga kasi?"
"Chill, bro. Pinapatawag tayo ng manager natin. Hindi ko alam ang dahilan. Pumunta ako sa inyo, sabi ng katulong niyo umalis ka, pumunta ka raw sa isang coffee shop kaya naisip kong I'll find you here, drinking coffee. I even heard that their coffee tastes great here."
"Espresso for Sir Ian." tumayo siya saglit at pumunta sa counter.
"Kuya, kayo po ba si Adrian ng BoyZ Next Door?" rinig kong tanong ng isang babae.
"No."
"Ay, sorry po."
Tumayo na ako.
"See you there." sabi ko. Tumango na lang siya at naglakad paalis.
Pagpasok ko sa loob ng sasakyan nakita ko ang skateboard ni Jade. ****, naiwan niya pa.
Sa tapat ng bahay nina Jade..

BINABASA MO ANG
The Popstars' Love
Novela JuvenilQ: Kung dinala ka ng kaibigan mo sa isang mall show ng sikat na banda, matutuwa ka ba? A: "Hindi, bakit? Hindi ko naman sila kilala." -Jade.