Chapter 25: Into the Woods (Lol)

35 4 0
                                    

Short update lang! Pasensya na po kung natagalan. - AbiVans

[Jade's Point of View]

Nandito ulit ako sa puntod ng tatay ko. Binibisita siya at ang nakakainis ay mukhang uulan pa. Tsk.

"Tatay, musta na? Sana okay ka lang dyan sa taas." bumuntong-hininga ako. "Alam mo ba ang daming nangyari ngayong month na 'to? Nanood kami ng sine ni Kathy, tapos nung bumili ako ng pagkain kinulangan ako ng pambayad. Badtrip. 'Yung ano pa, 'yung bodyguard na 'yun. Rina ang pangalan, bata pa sakin ng isang taon. Isa pa 'yung kahapon, si Ron, binigyan ako ng tickets. Bwiset." binaba ko 'yung dala kong ice cream sa side ng puntod niya. "Well, see you later. Babalik ako, promise." tumayo na ako, bitbit ang skateboard ko. Makapunta nga muna sa secret place namin ng pamilya ko. Korni eh.

Pumunta ako sa gubat, malapit lang dito sa sementeryo. Kami lang ng pamilya ko (at siguro 'yung iba) ang nakakaalam kung anong meron sa dulo nito. At magugulat din kayo. Joke, 'di kayo magugulat.

Nung nasa bandang gitna na ako ng gubat nararamdaman kong may nakasunod sakin. Kaya lakas loob akong tumingin sa likod, wala naman. Binilisan ko nalang ang aking lakad. Tsk! Ano ba 'to.

After that short trip in the forest, nakita ko na din ang pinakamagandang lake na nakita ko sa buong buhay ko. Exaggerated much?

"Ganda.. #$%&!" what the?!

"Hoy! Anong ginagawa mo dito? Tatago-tago ka pa dyan sa likod ng puno!" bwisit 'to ah. Siya pala 'yun.

"Sorry na! Nakita kasi kita papasok sa gubat kaya sinundan na kita. Baka mapaano ka pa." - Kyle habang hinihimas ang batok niya. "Pero ang ganda dito ha. Way to go, Jade." lumapit siya sakin habang nakatingin sa paligid.

Hindi ko nalang siya pinansin at umupo sa isang malaking bato.

Naramdaman ko ulit siyang lumapit sakin at sinundot ang tagiliran ko gamit ang- sanga?! "Ano ba?!" batukan ko kaya 'to?

"Okay ka lang?" tanong niya.

Humarap ako sa kanya, "Oo, kaya umalis ka na." sabi ko at tumingin ulit sa lake. Tama nga siya, maganda nga dito.

Noong buhay pa si Tatay, lagi kaming pumupunta dito tuwing weekends, syempre kasama si Nanay. Magpipicnic kami dito sa batong ito, mangingisda, ilulublob ang paa sa tubig, 'yung mga ganun. Ngayon, ako nalang ang pumupunta dito kasi ayaw ni Nanay maalala ang mga nangyari dati, masyado raw masakit. Hayy...

"Ui, okay ka nga lang?" ano ba 'to, hindi niya ba nakikita na nageemote ako dito? Chos.

"Oo nga sabi."

"Alam kong hindi."

"Nagtanong ka pa?" iritang tanong ko sa kanya.

"Nag-aalala lang naman ako sayo, Jade." tumabi siya sakin. "So, how did you discover this place?"

"Ewan ko, actually, Tatay ko ang naka-discover sa lugar na ito. Mahilig kasi 'yun mag-adventure."

"Astig ng tatay mo."

"Astig talaga."

"Nasaan ba siya? Pakilala mo naman sakin!" tuwang sabi niya.

"Nasa taas."

"Kailan landing?" binatukan ko nga siya.

"Nasa langit na kako. Gagi."

"It's only a joke. Pinapatawa lang kita, masyado ka kasing seryoso." he freakin' nudged me by the shoulder.

"Hindi nakakatuwa ang joke mo."

"Sorry na."

"Shut up." tahimik naman siya.

"Ano nga pala-"

"Ano ba nanaman ha?"

"I just want to introduce myself more properly unlike last time. I'm Kyle Vicera, same age as you are, goes to the same school as to where you go, and a member of the band, BoyZ Next Door. That's all, thank you." tiningnan ko siya saglit. "So, how did I do?" he asked while grinning.

"I don't care."

"Oh, come on, Jade, you can't stay like that forever. Loosen up for the sake of the people around you."

"Fine. It was... okay."

"That's better! Now, come on, let's celebrate!"

"Anong celebrate? Uwi na ako ui." binitbit ko na ang skateboard at tinungo ang gubat.

"Wait up!"

The Popstars' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon