See You Again by Wiz Khalifa ft. Charlie Puth
Note: Can be played in the website only. Sorry.
~~~~~~~~~~
Napamulat ako. Hindi ko napansing umiiyak na pala ako.
"Run run runaway, runaway baby
Before I put my spell on you
You better get get getaway, getaway darling
'Cause everything you heard is true..."
"H-hello?"
(JADE!!! KANINA PA AKO TEXT NG TEXT AH!! Siguro kung 'di ako tumawag... 'DI MO PA RIN AKO PAPANSININ!! Kaloka ka. Whoo~)
"S-sorry naman. *sniff* 'Di ko na-napansin mga text mo."
(Teka nga lang, umiiyak ka ba? May nangyari ba? Sabihin mo sa'kin!)
"'Wag kang OA. 'Di ako umiiyak. *sniff*"
Tumahimik sa kabilang linya. (Naalala mo si Tito 'no? Jade, iiyak mo lang 'yan. Ilabas mo ang mga luha mo. Hindi naman masamang umiyak eh.)
"Oo na. Salamat. Bakit ka pala tumawag?"
(Tatanungin ko lang sana kung nakita na ni Tita ang mga pictures mo kasama ang BoyZ Next Door.)
"Hindi pa. Bukas na lang. Teka, anong oras na ba?"
(Umm...Eleven pa lang. Bakit?)
"Gabi na pala. Sige, matutulog na ako."
(May plano ka ba bukas?)
"Siguro. Sige, night. Salamat ulit."
(Anything for you, best friend. Goodnight.)
Call Ended
...
Kinabukasan..
Bumangon ako ng maaga, naligo, at nagbihis.
"Nay, good morning." niyakap ko si Nanay mula sa likod.
"Oh, anak, maaga naman yata ang gising mo ngayon? At mukhang may lakad ka." naglalagay siya ng palaman sa tinapay.
"Pupunta po ako sa sementeryo." napatigil siya.
"G-ganun ba? I-ikumusta mo ako sa tatay mo ha?"
"Syempre naman po, Nay. Kayo pa. Sige, alis na po ako." kinuha ko sa kanya 'yung sandwich at hinalikan siya sa pisngi.
"Mag-ingat ka, Jade."
"Opo." kinuha ko ang skateboard ni Tatay sa tabi ng pinto at lumabas na. Nilagay ko ang earphones sa tenga ko at umalis na.
...
(Sementeryo)
Naglakad ako palapit sa puntod ni Tatay. Umupo ako ng nakataas ang dalawang paa at pinatong ang aking ulo sa tuhod ko.
"Tay, musta na? Matagal na tayong hindi nagkikita ah. Alam mo bang miss na kita?" pinahid ko ang luha ko. "Miss na miss na." tuluyan akong umiyak pero agad kong pinalitan iyon ng ngiti.
"Kinakumusta ka nga pala ni Nanay. Dala ko rin ang skateboard mo. Nagdala rin ako ng bulaklak para lang sayo. *sniff*"
"Umiiyak ka ba?" napatingala ako ng 'di oras.
[Andrew's Point of View]
"H-hindi." nagpunas siya ng kanyang mata at tumayo. "Anong ginagawa mo dito?"
BINABASA MO ANG
The Popstars' Love
Teen FictionQ: Kung dinala ka ng kaibigan mo sa isang mall show ng sikat na banda, matutuwa ka ba? A: "Hindi, bakit? Hindi ko naman sila kilala." -Jade.