Chapter 11: Shh

40 5 0
                                    

Maglaway kayooo (~ *o*)~

~~~~~~~~~~

[Kathy's Point of View]

"Kuya Justin, punta muna ako sa bakeshop. Nagugutom na ako eh and I'm craving for sweets right now."

"Sige, pero umuwi ka kaagad ha? 'Wag magpapagabi." sabi ni Kuya habang busy sa laptop niya.

"Opo! Alis na ako." sabi ko habang naglalakad papunta sa door. I want door eh, anong magagawa niyo? Jk! #lol.

"Ingat. I-kumusta mo rin pala ako kay Tita Xandra."

"Sure. Bye!"

Si Tita Xandra, nanay ni Jade, ay nagtatrabaho sa cake shop na pupuntahan ko ngayon. Kaya 'yun. Wala na akong masabi.


(Cake Shop)

*Ting!* {tunog ng bell pagbukas ng pinto ng shop}

"Welcome to Sweet Bakes Cakeshop!" sabi ni Tita.

"Hi po, Tita Xandra!" sabi ko sabay lapit sa counter.

"Ay! Ikaw pala iyan, Kathy! Kumusta na, hija?" sabi niya habang lumalapit sa akin at niyakap ako.

"I'm fine po. Kayo po ba?"

"Ito, okay lang naman."

"Mabuti naman po."

"Anong cake bibilhin mo, hija?" sabi niya habang bumabalik sa pwesto niya kanina.

"Black forest cake po."

"O sige, teka lang ha?" pumunta si Tita sa likod. "Wendy, paki lagay itong Black Forest sa box. Oo, dyan. Salamat." bumalik siya.

"Ito po ang bayad." inabot ko sa kanya ang bayad ko.

"Nako, Kathy, okay lang. Libre ko na iyong cake sa iyo. 'Wag ka nang mag-alala."

"Sige na po. Tanggapin niyo na." inabot ko ulit kay Tita ang bayad ko kaso ayaw niyang tanggapin.

"Okay nga lang, hija. Malakas ka naman sa akin eh." tumawa siya.

"Hindi po ako matatahimik kapag hindi niyo po kinuha. Kaya sige na po, kuhanin niyo na." tinanggap niya na ang bayad ko. "Keep the change po." sabi ko with a smile.

"Nako, maraming salamat, Kathy. Maraming salamat talaga." sabi ni Tita at niyakap ulit ako.

"Walang anuman."

May tumikhim, "Ito na ho ang cake niyo." sabi ni Tita Wendy sabay abot ng cake sa'kin.

"Thank you po! Sige po, una na ho ako. Bye Tita Xandra at Tita Wendy!"

"Ingat ka!" they said in unison.

Habang bitbit ko ang cake pauwi ng bahay hindi ko maiwasang maramdaman na may nakasunod sa'kin. Don't look back, Kathy. Don't look back. Buti na lang at marunong ako magkarate. Imma black belter, men. Kaming tatlo nina Kuya Justin at Jade nag-aral ng karate at lahat kami ay black belter. Boom. Sabog. Naglakad ako ng mabilis dahil lumulubog na ang araw. Isang kanto na lang, kaya ko 'to.

"Hey."

"Yikes!" napatalon ako sa sobrang gulat. Mabuti hindi ko nahulog ang cake. My precious...

Tumingin ako sa likod. Wait.

"Gerald?!"

"That's me." oh my gosh! Nagsalita siya! Maidagdag nga sa aking diary pag-uwi ng bahay.

"What are you doing here?" napapaenglish tuloy ako ng 'di oras.

"Well, I, we just want to invite you to our mall tour on Saturday. Bring, uh, Jade with you." naglabas siya ng dalawang tickets out of nowhere. Baka magician? Ilalagay ko talaga ito sa diary ko!

"I'll try my best kasi knowing her, mahirap siyang pasunurin." kinuha ko na sa kanya ang tickets. Pag tingin ko, V.I.P.! Oh my goshness!

"And one more thing, don't let her know that I talked to you. Understand?"

"Opo, commander."

"Good. See you around, Kathy." tumalikod na siya at pumunta sa kotse niya. Nung umalis na siya sumigaw ako.

"Oh my gosh! Kinausap ako ni Gerald!!" sabi ko habang tumatalon-talon. "Wait! I need to go to Jade's house immediately! Bili, Kathy! Goo~!" sabi ko saka lumiko sa kanto.


(Jade's House)

*Ding-dong!*

Lumabas si Jade.

"Yes?" - ade na nagpupunas ng kanyang buhok at naka-pajamas.

"May I come in?" niluwagan niya ang entrance ng pinto.

"Kyaah!"

"What the? Tumitili ka dyan mag-isa?" naguguluhang tanong ni Jade.

"Eh kasi-" oo nga pala, hindi ko pala pwedeng sabihin na nagkita kami ni Gerald.

"Kasi ano?"

"Kasi binigyan ako ng dalawang V.I.P. tickets sa mall tour ng BoyZ Next Door ng parents ko!" I'm sorry, Papa God.

"Bakit ako pa ang isasama mo?" tanong niya habang kumukuha ng tubig sa refrigerator. Pinatong ko naman ang cake sa counter.

"Eh kasi...alam mo namang ikaw lang ang best friend ko eh." pumayag ka na kasi.

"'Yung kuya mo ayaw mong isama." sabi niya habang naglalakad papunta sa couch.

"You know that he doesn't go to these types of events."

"Alam mo rin naman na 'I don't go to those types of events'?"

"Ililibre naman kita eh. Kahit anong gusto mo. Promise!"

"Kahit ano?"

"Yes, kahit ano."

"Promise?"

"Promise, cross my heart!" sabi ko habang nakataas ang isang kamay ko.

Umiling siya, "Fine, last na 'to." I hope so, too.

"Thank you, best friend! Ikaw na ang pinakamabait na tao na nakilala ko sa buong buhay ko!" I said while hugging her.

"Ang OA mo na." kumalas siya sa yakap ko.

"Sige, uwi na ako. Pupuntahan kita dito Saturday afternoon. Text ko na lang sayo kung anong oras."

"Sige na, sige na." tumayo na siya at sinamahan ako sa labas.

"Thanks, Jade! Good night!"

"Good night."

The Popstars' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon