Chapter 20: Surprise

51 5 0
                                    

[Third Person's Point of View]

Nang makarating si Andrew sa loob ng kanilang classroom nakita niya si Jade na may kausap na lalaki. Biglang uminit ang ulo niya. Alam niya namang wala siyang karapatan 'magselos' kaya hindi niya pwedeng patulan 'yung kausap ni Jade.

Pasalampak siyang umupo sa kanyang upuan habang nakikinig sa usapan ng kanyang katabi. Nagtawanan pa ang dalawa.

"Oh my! Nakangiti si Jade!"

"Tumatawa pa!"

"Sino kaya 'yung kausap niya? Ang gwapo."

"Pero walang makakatalo sa looks ni Andrew!"

"Correction, walang makakatalo sa looks ng The BoyZ Next Door!"

"Tama!"

"Talaga lang ha. Edi labas tayo nina Kathy mamaya." - Jade.

"Sure, no problem."

"Ano pala nangyari sayo? Wala na kaming nabalitaan sayo nung umalis ka."

"Well, nothing much. It was hard to adjust to the surroundings..." englishero pala ang loko. Sabi ni Andrew sa isip-isip niya.

"Hahahaha!" biglang tumawa si Jade kaya sinipa niya ang upuan sa harap niya ng 'di oras.

Tumingin sa kanya 'yung babae. "Sorry."

*Ring!*

"Psst. Mamaya nalang."

"Hahaha! Okay."

"Good morning." bati ng professor.

"Good morning, Ms. Javier."

"We have a new student, Mr. Balmeo, please stand up and introduce yourself." tumayo na siya sa kanyang upuan at halatang nahihiyang magsalita.

"H-Hello, I-I'm Tim Balmeo, seventeen years old a-and..."

"And what, Mr. Balmeo?" pag-uulit ng professor.

"And Jade's childhood friend." napasipa ulit si Andrew.

"Kaya naman pala eh."

"Ang pogi!"

"Ang cute!"

"You may now sit, and as for you Mr. Smith, why did you kick that chair in front of you?" taray ni mam.

"It was just an accident, Ms. Javier."

"Hmp. Let us proceed."

...

Pagkatapos ng first subject tinawag ni Ms. Javier si Jade at Tim.

"Yes ma'am?" - Jade.

"You, together with Mr. Balmeo, are being called in the office."

"Sige po." lumabas na ang dalawa at tumungo sa office.

"Why do you think they're calling us?" tanong ni Tim habang naglalakad.

"Baka ipapatour ka."

"Hmm maybe."

Sa loob naman ng classroom ay nagkakagyera. Chos. Joke lang. Sisipain na sana ulit ni Andrew 'yung upuan ng kaklase niya nang pigilan siya ng dalawa niyang kaibigan.

"Tama na, Andrew. Ano ba kasi ang nangyayari sayo?"

"Shut up!"

"E-"

"Just shut up Chris." saway ni Adrian.

[Jade's Point of View]

(Office)

The Popstars' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon