A week later..
(Locker Area)
Ano ba 'to, nakalimutan ko pang magsuklay. Late ba naman nagising. Nasaan na ba si Kathy at doon makahiram ng suklay.
Pagbukas ko ng locker ko nakita kong wala 'yung mga gamit na gagamitin ko para sa araw na ito. Wala namang nakakaalam ng code ko, except for the counselors. Pero, bakit naman nila kukuhanin ang mga gamit ko? Pagkasara ko ng pinto may bumungad na babaeng, siguro mga bata pa sa akin, hawak-hawak ang mga gamit ko.
"Hello po, Ate Jade! Ako si Rina, PA at your service!" Rina? PA? Ha?
"Paano mo nalaman ang locker code ko?" tanong ko kaagad.
"Tinanong ko po sa counselor, Ate." sabi ng babaeng may braces.
"Sino ka?" diretsong tanong ko.
"Si Rina po, personal assiss-"
"Hindi, hindi." aish. Paano ba 'to...
"Hey, Jade! Hello, Rina!" biglang bati ni Kathy.
"Hi po, Ate Kathy!"
"Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" –Kathy.
"Pinapunta po ako ni Kuya Andrew dito. Pinapabantay si Ate Jade." bantay? Talaga lang.
"Pfftt... mas bata ka pa kesa sa kanya ah." nagpipigil-tawa ni Kathy.
"Don't worry, Ate Kathy, I can protect her." sabi ni Rina tapos sumaludo.
"Kathy, pahiram nga ng suklay." singit ko.
"Ito po, Ate Jade! Meron po akong bagong suklay para sa inyo." inabot sakin ni Rina 'yung suklay niya.
"Thanks?" kinuha ko sa kanya 'yung suklay.
Nauna akong maglakad kasi mukhang nag-uusap pa 'yung dalawa.
Nung malapit na ako sa room hindi ko namalayan na katabi ko nanaman 'yung babae.
"Ate, here's your English literature book and all you're other books for the next two periods."
"Salamat."
"You're welcome, Ate Jade! I'm just four rooms away. Bye-bye!" pumasok na ako sa room at nakita kong kulang-kulang ang tao. Pumunta na ako sa usual seat ko at sinakyan 'yun. Chos. Malamang inupuan.
"Hey, have you heard, may bagong recruit ang BND."
"Hindi naman recruit. Nagkaroon lang ng auditions, like, nung isang araw for some bodyguard role. Remember?"
"I remember and it, like, really hurts! Hindi ako napili. Huhuhu!"
"'Wag ka ngang manginarte dyan. Hindi rin naman kami napili eh."
"Like, isang nerd 'yung napili. Mukhang weirdo pa!" irap nung isa.
"Wait a minute. Where are the boys?"
"Oh. My. Gosh. You're so, like, officially banned from our school's fans club."
"What?! Tinanong ko lang naman kung nasaan sila ah!"
"Well you should've known 'cause, like, everyone in the fans club knows where the five boys are."
"So, like, yeah."
Sa sobrang daldal nila hindi ko napigilang magsalita.
"Oh my gerd. Like, can you please shut your freakin' mouths? Like, you guys are so freakin' noisy like ugh." sabi ko na ginagaya 'yung mga sinasabi nila kanina.

BINABASA MO ANG
The Popstars' Love
Teen FictionQ: Kung dinala ka ng kaibigan mo sa isang mall show ng sikat na banda, matutuwa ka ba? A: "Hindi, bakit? Hindi ko naman sila kilala." -Jade.