Chapter 18: Boating

28 4 0
                                    

A few weeks later..


(Campus Grounds)


Ba 'yan. Bakit pa kasi may opening ceremony pang nalalaman.

Nagsalita si Mr. Santos, principal namin. "Good morning, students. Today will be voting day. Your last period teachers will give you more information about the election. You may go to your respective rooms, thank you."


(Classroom)


Pagpasok ko sa loob ng room nakita kong wala ang katabi ko pero nandoon ang mga kaibigan niya.

"Mr. Elizaga, where is Mr. Smith?" tanong ni Ms. Javier kay Adrian.

"I don't know, Ms. Javier. I'm not his parents." biglang namula sa galit si ma'am. Magsasalita na sana siya nang sumingit si Chris.

"Ah, Ms. Javier, Andrew's absent because he didn't feel like going to school today."

"Is he sick?"

"Uh, no."

"So, he's being lazy." nairita si prof. sa mga sinabi nila.


...


Malapit nang mag-uwian nang magsalita si Ms. Perolino, teacher namin sa Economics.

"Bago nga pala kayo magsiuwian, magkakaroon tayo ng election." naglagay si Ms. Perolino ng mga apelyido namin sa white board.

"Huy, pre, may kapatid ba si Ron?" -Chris.

"Wala, may nakita ka ba? Baka asawa?" -Adrian.

"Tangi, ayaw niya pa ngang mag-asawa eh." -Chris.

"Di magkaparehas lang sila ng last name. Huh. What a coincidence." -Adrian.

"Okay, let's start. Who will be the class' president?" tumungo muna ako.

"Si Arrine po!"

"Matalino 'yan!"

"Dapat si Arrine!"

"Those who are in favor, raise your hand." tinaas ko ang aking kamay habang nakayuko.

"Okay, Ms. Quiza will be the class president. Next sino ang..."


...


"Last..." umupo na ako ng maayos nung sinabi ni ma'am na last na. Makakauwi na rin. "Sino ang magiging muse at escort?" tumahimik ang lahat tapos napatingin silang lahat sa'kin. Nalilitong tiningnan ko rin sila.

"Si Jade po?" sabi ng nasa harap ko na tinanong ko dati kung pwede kaming magpalit ng upuan.

"Oo nga,bakit hindi si Jade?"

"Matalino naman siya."

"Magaling sa sports."

"Maganda pa."

"Ba't niyo naman ako pipiliin??" nananahimik ang tao dito eh.

Tumingin sa'kin 'yung babaeng nasa bandang harapan. "Hindi ka ba nakikinig? Halos ubos na lahat ng babae dito at ikaw-" pinutol ko ang sasabihin ni Arielle ata ang pangalan.

"Ayan oh, 'yang katabi mong bakla. Si Leo, babae na rin ang tawag dyan."

"Ay thank you, clasmarurut! Keri na itech, akiz na ang muse! Crayola na akiz!" maarteng sabi nito.

"Loko! Lalaki ka 'no!" sabi ng katabi niya.

"Ikakarir ko naman itech, Arielle. Don't worry, tayo ang mananalo kapag-"

"Leche! Tumigil ka!"

Kinausap ulit ako ng babaeng nasa harap ko. "Sige na, Jade." pagmamakaawa niya.

"Oo nga, Jade. Para sa section natin ito."

"Please, Jade?"

Tumungo ako. "Oo na."

"Ano?"

"Oo."

"Ano? Hindi ka namin marinig."

"Oo nga sa..bi." ano ba 'tong mga 'to. Pagkaangat ko ng ulo ko lahat na naman sila ay nakatingin sa'kin- malapitan pa.

"Okay, Ms. de la Vega will be the muse and who will be the escort?"

"Chris!"

"Oo nga si Chris!"

"Panalo na 'to!"

"Sayang, wala si Andrew ngayon."

"So, is it Chris then?" tanong ni Ms. Perolino kay Chris.

"Opo, Ms. Perolino." sabi niya nang may malapad na ngiti habang nakatingin sa'kin.


*Ring!*


"Class dismissed. I will fix everything tomorrow. You may go."

Habang naglalakad palabas ng room may kumausap sa'kin.

"Hatid na kita hanggang sa gate kung gusto mo."

"No, thanks."

"Jade!" tawag sa'kin ni Kathy. "Hindi na tayo nagsasabay lately." sabi niya habang nakanguso.

"Edi sumabay ka ngayon."

"Huy, ba't nga pala natin iniwan si Chris doon?" bulong ni Kathy sa'kin.

"Sinabi ko bang sumabay siya sa atin?"

"Hindi." binuksan ko ang locker ko at kinuha ang skateboard at cellphone ko. "Nga pala, punta ka sa'min ngayon."

"Why?"

"Kuwentuhan naman tayo, best friend."

"Bahala ka."

"'Yan ang gusto ko sa best friend ko eh! Let's go!" hinila niya ako habang nakasakay ako sa aking skateboard.

"Huy, dahan-dahan, baka madapa ako."

"Excited na ako eh!" tumawa na lang ako.


(Bahay nina Kathy)


"Anong ikukwento mo?" sabi niya at binigyan ako ng ice cream.

"Doon na lang tayo sa taas magkuwentuhan."

"Ano na?" -ako habang iniikot ang sarili ko sa swivel chair.

"Kumusta ang election niyo? Did you get a spot?"

"Oo."

"Really? Me too! Ano ka?"

"Tao."

"Ay, malamang. I mean what position are you in? President? Vice?"

"Muse." ugh.

"Oh my gosh! Ako rin! Sino escort mo?"

"Si Chris daw."

"Kainis ka, Jade. Pogi-pogi ng escort mo."

"As much as I hate to ask but, sino naman ang escort mo?"

"Si Kyle! Kainis nga eh! Kala ko pa naman si Gerald. It was either the two of them eh pero ang daming bumoto kay Kyle kasi 'mabait', 'gwapo', churva churva. Tapos kay Gerald naman gwapo rin kaso masyadong tahimik."

"Ahh."

"'Yun lang ang sasabihin mo sa pagkahaba-habang sinabi ko?"

"Tinanong ba kita kung bakit mo siya naging escort? Tinanong ko lang naman sayo kung sino ang escort mo ah." mahina niya akong sinuntok habang nakanguso.


The Popstars' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon