[Kyle's Point of View]
Ano ba 'yung babaeng 'yun? Nangiti lang ang tao, nagwalk-out.
I sighed as I continued applying the pressure of the ice pack to my bruises. Tumingin ako sa pinto. Aba, hindi na talaga babalik 'yun?
Ilang minuto na ang nakalipas, hindi pa rin siya bumabalik. Tumayo na ako, nilagay ang ice pack sa lababo, at lumabas na. Saktong nandoon ang mom ni Jade.
Tumikhim ako, "Si Jade po?"
"Ay, umuwi na, Kyle. Pinahabilin ka na lang sakin ng anak ko. 'Yung batang 'yun talaga." tumawa siya. "Ikaw ba ang kaklase ni Jade?"
"Kaibigan lang po. Sige, tita, uuwi na rin po ako. Pakisabi na lang kay Jade salamat sa pag-alaga."
"Okay. Nga pala, magdala ka ng isang box ng mga tinapay." inabot niya sa akin 'yung box. "Mag-ingat ka, Kyle." nagpasalamat na lang ako at umalis na.
[Third Person's Point of View]
Late ng dumating si Kyle sa studio. Angal ang sinalubong sa kanya ng kanyang mga kaibigan.
"Tagal-tagal mo." -Andrew.
"Ano 'yang dala mo?"-Chris.
"Galing sa tindahan nina Jade 'yan ah." -Adrian. Nagsitinginan ang mga lalaki kay Kyle.
"Kala ko ba uuwi ka lang sa inyo para kuhanin 'yung drumsticks mo?" sabi ni Andrew.
Tumingala muna si Kyle sa langit at sinabing, "Pauwi na nga sana ako, kaso nakita ko si Jade pumunta sa gubat. Kinabahan ako kaya sinundan ko."
"Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ni Ron. Tiningnan siya ng masama ni Kyle.
Hindi na siya sana sasalita dahil alam niya ang magiging reaksyon ng mga kaibigan. "Hinabol ako ng mga bubuyog." tahimik nilang tinitigan si Kyle saka tumawa ng malakas.
"Ang tanga mo!" bulyaw ni Adrian
Si Gerald naman tawa ng tawa hanggang sa nalaglag 'yung cellphone na hawak niya sa kanyang mukha.
Si Ron nagpipigil ng tawa, "Magpalit ka muna saka natin ituloy 'yung practice."
Padabog na sanang papasok si Kyle sa bedroom nang maalalang may bitbit siyang box. "Oh, bigay ng mom ni Jade." tumahimik ang lahat at nakangiting pumasok si Kyle sa kwarto.
Noong makapasok si Kyle sa kwarto. Agad na lumapit ang mga lalaki sa box at nagsikuha na ng tinapay. Bumukod si Andrew at umupo sa sala at nanood ng tv.
"Oh, hindi ka kakain?" tanong ni Chris kay Andrew.
"Hindi ako kumakain ng cheap." sagot niya habang naghahanap ng mapapanood.
"That's a low blow, Andrew." sabi ni Ron. Nagkunwari si Andrew na hindi niya narinig 'yung sinabi.
"I'm done! Let's practice." sigaw ni Kyle at dire-diretsong pumasok sa loob ng recording room ng hindi nalalaman na kumakain ang kanyang mga kasamahan.
"Bilisan na natin." sabi ni Ron sa banda. "Hindi ka talaga kakain, Andrew?"
"Hindi." pinatay na ni Andrew ang tv at dumiretso na rin sa recording room.
...
"Good job, guys. Bukas ulit, same time." sabi ni Ron.
"Uwian na!" sabi ni Gerald habang nagsstretch.
"Una na ako. Good night." paalam ni Chris at pasimpleng binangga si Andrew habang palabas ng kwarto.
"Gutom na 'ko!" sigaw ni Kyle. Dumiretso ito sa kusina para kumain ng tinapay na dala niya ngunit isa na lang ang natira. Galit siyang bumalik sa recording room. "Sino nag-ubos nito?!"
"Sino ba ang matakaw sa atin?" sambit ni Adrian habang nag-aayos ng gamit.
Kinuha ni Kyle ang drumsticks sa likod ng bulsa niya at binato kay Gerald.
"Aray! What was that for?" angal ni Gerald dahil sapol sa likod ng kanyang ulo 'yung tama.
"Para sa katakawan mo, bwisit. Wala na bang kakain?"
"Actually-" sasagot sana si Ron kaso kinagat na ni Kyle 'yung tinapay.
"Too late." ngumiti si Kyle at lumabas ulit ng kwarto. "Alis na 'ko." narinig na lang nila ang pagsara ng pintuan. Umiling si Ron saka lumapit kay Andrew.
"Hey, about earlier. I didn't like that attitude." seryosong sabi ni Ron.
"So what?"
"It affects your attitude in the band. Halatang may something kanina nung kumakanta ka."
Tapos ng mag-ayos ng gamit si Andrew. "Just mind your business, man."
"You are my business, and if you don't fix that attitude of yours I don't know what will happen with this upcoming concert." tuluyang lumabas ng kwarto si Ron. Tahimik na sumunod si Gerald sa kanya. Natirang nakakunot noo si Andrew sa loob. Akala niya siya na lang mag-isa sa loob ng magsalita si Adrian.
"I can't believe I'm saying this, but he's right. You can't keep acting like this just to try and hide something, Andrew." lumabas na rin si Adrian at naiwan na talaga siyang mag-isa.
BINABASA MO ANG
The Popstars' Love
Teen FictionQ: Kung dinala ka ng kaibigan mo sa isang mall show ng sikat na banda, matutuwa ka ba? A: "Hindi, bakit? Hindi ko naman sila kilala." -Jade.