[Jade's Point of View]
(University- Locker Area)
*Boogs* {tunog ng pagsara ng locker}
Naitago ko na ang skateboard at cellphone ko. Pagkatalikod ko nakita ko 'yung apat na babae nung isang araw.
"Ha ha ha. I didn't know na DELIVERY GIRL ka." parinig ni Crayola.
"Sa isang CAKE SHOP pa!" -Faber Castell. Nagsitinginan naman ang mga tao sa'min. Mga chismoso't chismosa.
Tiningnan ko lang sila at nilagpasan na. Baka malate pa ako nito. Habang naglalakad may humila sa balikat ko. Nung tiningnan ko kung sino, may nakaabang na kamay na sasampalin ako. Umilag ako. Nako, kung wala sana akong nasuntok noon baka napatulan ko na 'to.
"Ano bang problema niyo?" galit na tanong ko sa kanila.
"Don't ever get close to OUR boys." banta sa'kin ni Art Attack.
"Yeah!" -Best Buy.
"Wala akong ginagawa." sabi ko habang nakataas ang dalawang kamay at tinalikuran sila. Ang babaliw.
*Ring!!* {bell}
Habang naglalakad, nakita ko si Kathy palapit sa'kin.
"Hi, Jade! Musta?" nagkibit-balikat lang ako. "I heard from Tita na nagdeliver ka ng cake."
"Oo."
"And may I guess, sa bahay ng BoyZ Next Door ka nadestinasyon?"
"Yeah. Pero 'wag ka nang maingay."
"No problem. My lips are sealed." sabi ni Kathy na kunyaring nag-zzip ng kanyang bibig. "Sige, dito na ako. See ya' later." kumakaway na sabi ni Kathy. Kinawayan ko na lang din siya at pumunta na sa room ko.
Pagkapasok ko sa loob ng room lahat sila nakatingin sa'kin. Ang bilis kumalat ng balita ngayon ah. Umupo na ako sa upuan ko at akmang yuyuko sana nang magsalita ang katabi ko.
"Mas maganda ka kapag nakangiti ka." tiningnan ko siya saglit. Nakatingin siya sa'kin na may kasamang ngiti. Hindi ko siya pinansin at yumuko. "Huy, magsalita ka naman dyan." umidlip na ako.
"Arte ni Jade, kinakausap na nga siya ni Andrew, snob pa rin."
"Mind you, isang sikat na singer pa ang kumakausap sa kanya!"
"Nasa banda pa!"
Tiningnan ko ng masama 'yung mga nagsasalita sa harap. Agad naman nilang iniwas ang mga mata nila.
"Kung manglalait lang kayo 'wag sa harap ng tao, nakakabastos." madiing sabi ko.
"S-sorry." sabi ng isang kaklase kong hindi ko alam ang pangalan.
Yuyuko na sana ulit ako nang mag-ring naman ang bell. Dumating na si Ms. Javier.
"Good morning, class."
"Good morning, Ms. Javier."
"We will, again, have a short quiz."
"Ano ba 'yan, ma'am, quiz na naman?"
"In English, Ms. Torres."
"Quiz...again?"
"Yes, 'quiz again'. Get a separate piece of paper and bleep blap bloop."

BINABASA MO ANG
The Popstars' Love
Fiksi RemajaQ: Kung dinala ka ng kaibigan mo sa isang mall show ng sikat na banda, matutuwa ka ba? A: "Hindi, bakit? Hindi ko naman sila kilala." -Jade.