Chapter 29: Game!

20 2 0
                                    

Kinabukasan...

Napagdesisyunan ng bandang magpractice sa gabi dahil sa iba't ibang schedules nila. Samantalang busy ang lahat, si Gerald naman ay nababagot sa kanyang kwarto, nakatingala ito sa kisame habang nakahiga sa kama. Tinawagan niya si Kyle para maglaro ngunit hindi ito sumasagot. Napasipa siya sa hangin at isinaalang-alang na umiyak na lamang. 

[Jade's Point of View]

Natapos ang klase ko ng maaga dahil wala ang prof namin para sa last subject. Didiretso na sana akong umuwi kaso nagtext naman si Nanay na nagpapabili ng hindi pangkaraniwang kandila para ipangdisplay sa shop. Kung 'yung matatabang kandila kaya bilhin ko?

Sumakay ako ng jeep papunta sa mall. Bukas pa naman daw kailangan 'yung kandila pero pumunta na lang ako ngayon kasi may extra time naman ako. Bumaba na ako at dumiretso sa entrance. Mula roon, nakita kong maraming taong humihiyaw sa arcade. Sumilip ako at nakitang may dalawang lalaking naglalaro ng Street Fighter

"Kanina pang alas-diyes naglalaro 'yung isa dyan! Ayaw namang umawat nung isa eh pang-apat na talo niya na 'yan," sabi ng isang matandang babae sa katabi niya. Tumingin ako sa relo ko, 2:30 na.

Biglang nagdabog 'yung natatalong manlalaro, "Ayoko na nga! Bwiset." umalis na lang siya ng hindi nagpapaalam sa kalaro.

Tumawa 'yung lalaking nakahoodie, sumbrero, eyeglasses, at mouth mask, "Sino sunod?" tumingin siya sa dumami niyang audience. Tutal nandito naman ako, bakit hindi? Atsaka mukhang walang may gustong lumaban.

"Ako." naramdaman kong tumingin ang mga tao sa'kin. Hinanap nung lalaki 'yung nagsalita at nang makita niya ako bahagyang lumaki ang kanyang mga mata. Umubo siya at parang bumaba ang kanyang boses. "Bili lang ako ng tokens." pupunta sana ako sa cashier kaso nagpaubaya naman 'yung lalaki na siya na ang magbabayad.  

Nung nailagay niya na 'yung tokens sa machine, nagsimula na ang pagpili ng characters. Tinanong niya ako kung sigurado na ako sa pinili ko kaya tumango ako.

Nagcountdown na 'yung laro at nagsimula na kaming magpindot. 

[Third Person Point of View]

Nakasampung laro si Jade at Gerald ng Street Fighter nang umayaw 'yung lalaki, "Ayoko na!" ngumiti lang si Jade saka naghiyawan ang mga tao. Sa lahat ng laro nila, laging talo si Gerald. Hindi niya akalaing marunong si Jade maglaro ng ganitong mga laro, "Ibang laro naman!" sabi niya kay Jade at tinuro 'yung basketball. Ngumiti lang ulit ang babae.

"Bibili lang ako ng to-"

"'Wag na. 'Pag natalo mo 'ko, ibili mo lahat ng tokens na ginamit natin." lalong lumaki ang ngiti ni Jade.

"Okay," sabi niya at dumiretso na sa basketball shooter. 

Nakatatlong rounds sila at pataasan ng score nang umayaw ulit si Gerald; talo na naman siya, "Racing naman!"

Talo ulit siya.

"Pac-man!"

Talo ulit.

"Pinball!"

Talo.

Nakahawak si Gerald sa kanyang ulo na para bang gustong sabunutin ang sarili niya. Saan ba matatalo ang babaeng 'to?! Umikot-ikot ang kanyang tingin sa arcade at namataan ang punch bag. Dito!

Hinawakan niya sa pulsuhan si Jade at hinila papunta roon. Nagtataka niyang sinundan si Gerald. Sinundan din sila doon ng mga manonood, nagpupustahan ng tokens sa kung sino ang mananalo.

"Girls first."

"Ikaw muna," sagot ni Jade. 

"Rock, paper, scissors." mungkahi niya kaso talo ulit siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Popstars' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon