[Andrew's Point of View]
"So, did your so-called-plan work out?" tanong ni Ron sakin habang nag-didrive.
"I think so." bumuntong-hininga ako. "I don't' know."
"You know, Andrew, one wrong move can make a total disaster."
"No **** Sherlock." sabi ko habang nakatingin sa bintana.
"Let's go TGIF Fridays. I'm hungry."
...
"Una na ako." sabi ko sabay baba ng kotse. Nandito na ako sa amin. Malamang hinatid ako ni Ron.
Tumawa siya. "Problema mo?" dagdag ko.
"Parang tayo ang nag-date eh. Hahaha! Bwiset!"
"Shut up."
"Thanks for the 'date' 'sweetiepie'! Hahahaha!"
"Get outta here!"
"Hahaha! See you tomorrow. You, and the girls, are having a band rehearsal tomorrow. Get some rest." tapos umalis na 'yung loko. Anong girls?
...
Kinabukasan...
[Jade's Point of View]
"JADE! GISING NA!!"
Napabalikwas tuloy ako ng 'di oras, nauntog pa ako sa drawer!
"KATHY!!! Anong ginagawa mo dito??!" galit na tanong ko habang hinihilot ang ulo ko. Sakit!!
"Bumisita lang."
"What do you want?!"
"Jade naman eh! Para kang mangangain ng tao." sabi niya habang nagtatago sa likod ng pintuan.
"Aish! Okay." huminga muna ako ng malalim. "What do you want, Kathy?"
"Yayayain ka sana namin ni Tim-Tim manood ng movie."
Umupo ako sa kama. "What movie?" tanong ko habang hinihilot ang sentido ko.
"Annabelle. Gusto ko nga sana ng romantic-comedy kaso alam ko namang ayaw niyo ni Tim-Tim ng ganoong palabas."
"Sige na, sige na. Maliligo na ako." tumingin ako sa orasan. 7:00am palang. "Ako ba'y niloloko mo, Kathy?"
"Nope. Manunuod talaga tayo, sa SM Mall of Asia pa!"
"Anong oras?"
"First showing, ayoko kasi manuod pag mag-gagabi na. Alam mo namang takutin ako."
"Oo na. Siguraduhin mong individual ang bayad natin ah."
"Opo, nanay. Ligo ka na po. Sige, uwi na ako." sana nag-text nalang siya. Tsk.
...
(SM Mall of Asia)
"Three tickets for Annabelle." sabi ni Tim-Tim. Bwisit talaga 'tong Kathy na 'to!
"Kuya, individual po ang bayad." sabi ko.
"Hindi po, kuya! 'Yung kaibigan namin ang magbabayad." singit ng loka-loka kong kaibigan. Naguguluhan tuloy 'yung lalaki samin.
BINABASA MO ANG
The Popstars' Love
Novela JuvenilQ: Kung dinala ka ng kaibigan mo sa isang mall show ng sikat na banda, matutuwa ka ba? A: "Hindi, bakit? Hindi ko naman sila kilala." -Jade.