Chapter 13: Flushbuck

75 5 0
                                    

Play "Angel" by Sarah McLachlan kapag feel niyo na kung san dapat itugtog XD getsung?

~~~~~~~~~~

[Jade's Point of View]

"Sige na, ate. Isang magandang smile lang at tapos na." sumimangot ako tapos may bigla akong naalala.

Si Tatay.

"One, two... three!" naalala ko ang pagturo sa'kin ni Tatay mag-skateboard, naalala ko ang pagnood namin ng pamilya ko ng sine, naalala ko ang pag-gawa namin ni Tatay ng cake na palpak kasi napagkamalan namin na asin ang asukal.

"Tapos na po, thank you!" sumeryoso na ulit ako kasi alam ko, hindi na mababalik ang nakaraan. Kahit anong mangyari, kahit anong gawin mo, wala na.

Whew. Muntik na akong umiyak dun ah.

Habang lumalapit ako kay Kathy may humarang sa harap ko. Sino naman 'to?

Tumikhim siya. "Hello! I'm Ron, Ron Perolino, the band's manager. You must be Jade." nilahad niya ang kanyang kamay. Tinanggap ko iyon.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" seryoso kong tanong.

"We heard you from the news..." oo nga pala. "...and, as the manager, I should know everything about the band." tumango na lang ako. Edi wow.

"Excuse me po, Mr. Perolino."

"Just call me Ron." nakangiti niyang sabi. Hindi naman siya masaya 'no.

"Sige, Ron, aalis na kami ng kaibigan ko. Thanks." nilagpasan ko siya at hinila ang braso ni Kathy.

"I think he likes you, Jade!" bulong ni Kathy na parang kinikilig na ewan.

"'Wag kang assumera." malapit na kami sa exit nang may humawak sa braso ko. Kumalas kaagad ako. Si Andrew.

"Ano?" naiinis kong tanong.

"So, can we be friends?" habol hininga niyang tanong. Tumakbo ba 'to ng malayo?

"Bakit ba gustong-gusto mong makipag-kaibigan?" seryosong naiinis na tanong ko.

"Masama bang makipag-kaibigan? Huh. Kung tutuusin nga, maswerte ka kasi nakikipag kaibigan ako sayo. Isang sikat na singer. 'Yung iba ngang mga babae gagawin lang ang lahat para mapansin ko lang. Tapos pagdating sayo ang hirap-hirap mong pakiusapan. Ako na ang nakikipag-kaibigan nyan ha." ang kapal ng mukha.

"Hoy, Andrew. Pinipilit ba kita dyan? Ha? Ang kapal rin ng mukha mo 'no. Ang taas-taas ng pride. Ano naman pake ko sa mga babaeng 'yun na gagawin ang lahat para lang mapansin mo? Tao ka lang katulad ko, katulad ng mga kaibigan mo. Tandaan mo 'yan. At isa pa, mahirap ba akong pakiusapan? 'Di 'wag mo akong kausapin. Baka madalian ka pa. Halika na nga, Kathy." hinila ko na si Kathy palabas.

"Ang harsh mo, best friend." bumuntong hininga si Kathy. "Bili na lang tayo ng dinner." hinila niya ako papunta sa...Sbarro.

Kumain kami, nagkwentuhan ng konti, at lumabas na ng restaurant.

"Jade, punta muna tayo sa restroom." sinamahan ko siya papunta roon.

"Hintayin na lang kita dito sa labas. Bilisan mo ha."

"Sige, sige." tumakbo na siya papasok sa loob.

Hayy...

"Hello." bati ng isang lalaki sa likod ko. Pagharap ko sa kanya...

Anong ginagawa niya dito?

[Kyle's Point of View]

Nakatingin lang siya sa'kin. Talk about awkward.

The Popstars' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon