Chapter Tree: "Kyaaah" Pa More

61 8 0
                                    

Oreos anyone?

~~~~~~~~~~

(Bahay)

May nakalimutan pa ako- 'yung libro ko. Anubayen. Pupunta pa ako kina Kathy. Kung sabagay, kailangan ko ring mag-sorry sa kanya tungkol sa kahapon. Tumayo na ako at nagpaalam kay Nanay na pupunta lang ako saglit kina Kathy.

...

(Bahay naman nina Kathy)

*Ding-dong!*

"Wait lang!" sigaw ni Kathy sa loob.

"Who is it...Jade?" bigla ko siyang niyakap. Ang arte ko. Gursh.

"Sorry sa kahapon."

"Ano ka ba, Jade. Okay lang 'yun. Alam mo ba ang nangyari nung umalis ka?" biglang kumislap ang mga mata niya. Sakyan na ang trip ni best friend.

"Anong nangyari?"

"Wait, pasok ka muna sa loob."

*Pong!*

Ui, may nagtext.

——-

From: Nanay

Anak, magzuzumba muna kami ng mga kaibigan ko. Baka mamaya pa kami makaka-uwi. Alam mo na kung saan nakalagay ang susi ng bahay 'pag uwi mo. ;) Love you, 'nak.

——-

Tinext ko na lang siya pabalik na baka matagalan ako dito kina Kathy, because knowing her, nakakaisang araw siya sa pag kwento ng kung anu-ano sa'kin.

Pumunta muna kami sa kwarto niya at doon na siya dumaldal.

"So, where were we? Oh! 'Yung tungkol pala kahapon!! Oh my gosh! Nung umalis ka kahapon, 'yung lalaking nasa harap mo...kilala mo 'yun diba?"

"Hindi-"

"Oh my gosh! Oh my gosh! Kinausap niya ako! Kyaaah!!"

"Ui, hinaan mo nga ang boses mo."

"Sensya na, hindi ako makapaniwala sa nangyari kahapon eh."

"Parang kinausap ka lang naman."

"Wait lang, Jade! Ito pa, alam mo ba kung ano ang tinanong niya sa'kin??"

"Ano-"

"Tinanong niya kung kaibigan kita!" tumili siya ng napakalakas.

"Oh my gosh! Oh my gosh!" ako naman...

"Why??" namimilog ang mata niyang nakatingin sa'kin.

"I don't care!" nginitian ko pa siya.

"Nakakatawa, bestfriend." mahina niya akong sinuntok sa braso.

"Syempre. 'Yan lang ba ang kwento mo?"

"Well, tinanong niya kung ano ang pangalan natin tapos sinabi niyang cute ka. 'Yun lang naman, pero..." tumili na naman siya. Biglang bumukas 'yung pinto at bumungad si Justin.

"Is there something wro-" tumingin siya sakin. "-hey, Jade." sabi niya ng nakatodo ngiti. Hindi ko pinansin.

"Bakit ngayon ka lang, Kuya?" tanong ni Kathy.

"I just saw a friend of yours along the way."

"Weh? Sino 'yun?"

"Katabi mo."

"You mean Jade?" may iba pa ba 'tong katabi?

"Teka lang, may hihingiin pala ako sa kapatid mo." sabi ko sabay tayo at pumunta kay Justin. Hinila ko ang braso niya palabas ng kwarto.

"Yes?"

"Libro ko." sabi ko habang nakalahad ang kamay ko sa harap niya.

"In one condition."

"Gusto mo ng tadyak o ibibigay mo sa'kin ang libro ko?"

"Ito na, ito na." binigay niya na sa'kin 'yung libro. "Paki-bigay rin pala ito kay Kathy. Thanks."

"Sige." pumasok na ulit ako sa kwarto ni Kathy.

"Kathy, ito, pagkain mo." sabay hagis ko sa kanya ng paperbag.

"Thank you!" kinuha niya mula sa loob ng paperbag ang isang bag ng oreos. "Nagkita pala kayo ni Kuya Justin kanina."

"Nag-grocery kasi kami ni Nanay. Kala ko nga kasama ka niya eh."

"Tinamad akong lumabas, best friend. Sorry."

"Okay lang." kumuha ako ng oreos at nanood kami ng T.V.

Habang naghahanap si Kathy ng channel napatitig siya ng mabuti sa screen.

"Ui, anong nangyari sa..yo."

"Jade! That's you!" turo niya sa screen. May nag-pplay na video doon.

"The freak!"

"Jade!"

"And that is the new chika for this afternoon. Back to you, Gina." pinatay na ni Kathy ang T.V.

"Grabe, ang bilis kumalat ng balita ngayon 'no?" sabi niya habang kinakamot ang buhok niya.

Hala, paano kapag pumasok na kami next week? Hindi naman siguro magagalit ang mga tao sa'kin diba? Atsaka hindi ko naman sinampal 'yung lalaki ah. Teka, ba't ba ako nag-aalala dito?

"Jade?"

"Ha?"

"Okay ka lang?"

"Oo naman." sinubo ko ang dalawang pirasong oreo para hindi na ako makuwestiyon ng katabi ko.

The Popstars' LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon