Panimula

66 5 0
                                    

January 9 , 1846

Nakatayo malapit sa dalampasigan malamig Ang bawat simoy ng hangin na sumasamyo sa aking balat. Malakas na hampas ng mga alon na parang musika na naghahatid sa akin Ng kalumbayan. Mahal ko hindi mawala ang bigat at pighating dala ko, alaala natin sa tagpuang ito pilit na pinabibigat ang damdamin ko. Bakit hindi pwede, bakit mali na mahalin ka?
- Lucas Espinoza

Handa akong maghintay kahit sa susunod pa nating mga buhay hanggang sa ang mali  nating pag-iibiga'y maging tama na. Mahal ko nasa magkabilang ibayo man tayo Ng tagpuang ito pintig ng puso ko'y singbilis parin pag kasama ka habang nakatanaw sa papalubog na araw sa tagpuang ito. Saksi ang araw na papalubog at ang buwan na pasilip sa kalangitan  sa ating tunay at dalisay na pag iibigan. Patawarin mo ako na hindi ko na kayang ipaglaban kung anong meron tayo dahil sa mata ng mga tao at kautosan ng Diyos mali ang umibig sa taong kapareho ng kasarian mo. Mahal ko sa susunod na buhay aasa ako na sana magtugma na ang ating pagkatao.
- Leon Madrigal

Hindi TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon