Timothy's POV
Ang lakas ng ulan pero nakapagtataka na hindi ko nararamdaman ang lungkot na laging bumabalot sakin tuwing bumubuhos ang malakas na ulan. Lumabas ako sa kwartong tinulugan ko ng dumating kami rito, sa paglabas ko ay wala man lang kahit anong bakas ni Nathan sa paligid na ipinagtataka ko. Malakas ang ulan malabo naman lumabas siya dahil siguradong mababasa siya sa lakas ng buhos ng ulan.
"Nathan!" Tawag ko kahit na alam kong malabo niya akong marinig dahil sa malakas na buhos ng ulan.
"Tim, I'm here!" Napalingon ako sa bintana at andon nga siya naliligo sa ulan. "Ang sarap maligo sa ulan tara dali!" Sabi pa nito na tuwang tuwa.
Napailing na lang ako habang natatawa bago lumabas at dinama ang bawat patak ng ulan sa aking balat. Ngayon ko lang naramdaman ang saya na kahit minsan di ko nadama tuwing bumubuhos ang ulan. Saya na nagbibigay ng kakaibang gaan sa aking dibdib na hindi ko kailan man inaasahang aking mararamdaman lalo pa na ang sanhi nito ay ang malakas na buhos ng ulan.
"Tara sa dalampasigan?" Aya naman ni Nathan sa akin na hindi ko namalayang katabi ko na pala.
"Tara!" Nakangiting sagot ko
"Alam mo bang ito ang unang beses na naligo ako sa ulan!" Nakangiting Sabi ni Nathan. "Dahil ito rin ang unang beses na saya ang nararamdaman ko habang umuulan." Pagpapatuloy niya pa.
"Ako din! Ang sarap pala sa pakiramdam ng ulan kapag hindi ka nalulungkot! Nakakapanibago pero mas gusto ko ng lagi itong maramdaman kaysa naman malungkot na lang palagi dahil lang umuulan." Paliwanag ko.
"Ang saya sa puso, nakasanayan ko ng matakot sa ulan noon pero iba ang pakiramdam ko ngayon sana magtuloy tuloy na at hindi na maging malungkot pa ang bawat ulan na dadaan!" Napatingin ako kay Nathan dahil sa sinabi niya na sana nga ay maging totoo.
"Malayo pa ba tayo sa dalampasigan?" Tanong ko sa kanya.
"Malapit lapit na! Sigurado akong wala tayong makikitang paglubog ng araw sa may dalampasigan dahil sa kapal ng ulap sa kalangitan." Tila dismayadong sabi niya
"Bakit tila gustong gusto mo ang paglubog ng araw? Hindi bat ito ang sumisimbolo sa pagwawakas na kadalasan naghahatid ng masakit na kataposan sa bawat tao?"
"That's life I guess! Hindi naman matututo ang tao kung hindi nila mararanasang maiwan kagaya ng paglubog ng araw na siya namang pag usbong ng liwanag ng buwan na sumisimbolo sa tatag ng isang taong matagal na naghintay at nanatiling naghihintay sa muling pagbalik ng taong hindi siguradong babalik!" Paliwanag niya.
"Alam mo wag na nga tayo mag usap tungkol sa lungkot lungkot na yan! Let's just enjoy the rain and the beauty of this place!" Pag iiba ko sa usapan.
"Ang ganda ng dagat, di ko na namalayan na andito na pala tayo!" Sabi niya pa
"Ang daldal mo kasi! Buti di tayo naligaw di ko pa naman alam ang lugar na to!" Nailing na sabi ko.
"Wow huh! Parang ikaw ang tahimik mo! Kung di ka nga nag daldal di rin naman ako dadaldal!" Sabi niya sabay irap sakin.
"Tahimik lang kaya ako unlike you maingay!"
"Ah ganon!" Binato ako nito ng buhangin tyaka kumaripas ng takbo.
"Nathan bumalik ka dito humanda ka talaga pag naabutan kita!" Sigaw ko bago siya habulin.
"Kung maaabutan mo ako!" Pang aasar pa niya bago kumaripas ulit ng takbo.
"Pag naabutan kita ilulubog talaga kita sa dagat!" Pagbabanta ko sa kanya.
Naghabulan lang kami ng naghabulan hanggang sa mapagod kami pareho, punong puno ng kasiyahan ang puso ko habang nakatingin kay Nathan na sobrang saya ngayon. Lumipas pa ang ilang sandali bago ko siya ayaing umuwi na.
"Tara na bumalik sa bahay?"
"Sige para makapag palit na tayo! Tignan mo yang suot mo Tim punong puno ng buhangin! Tara muna maglubog sa tubig dagat!" Aya niya kaya tumango naman ako at hinila na siya papunta sa tubig dagat.
Nagtampisaw kami sa dagat para mawala lahat ng buhangin na dumikit saming mga balat at damit. Habang naliligo sa dagat hindi ko maalis ang aking mga tingin kay Nathan. Parang may magnet na hinahatak ako papalapit sa kanya.
"He's so attractive and I can't even deny it! Damn self what's happening to you!"
"Tim tara na umuwi! Ang lamig na!" Biglang baling sakin ni Nathan kaya dali dali akong nagiwas ng tingin sa kanya bago sumagot.
"Sige tara na!" Nauna na akong umahon sa dagat at naglakad pabalik sa bahay ni Nathan.
"Hintayin mo kaya ako hoy!" Sigaw niya na hindi ko pinsan at nagmadaling umuwi.
Nathan's POV
"Problema nun bakit nagmamadali? Matapos akong titigan iiwan na lang ako basta basta! Ibang klase nga naman!" Sabi ko sa aking isip habang hinahabol parin si Timothy.
"Hoy Tim!" Sigaw ko
"Dalian mo na lang!" Sigaw niya pabalik na hindi man lang lumilingon.
"Madapa ka sana!" Angil ko sa kanya at huminto na sa paghabol sa kanya.
Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin kay Timothy na patuloy lumalayo. Hindi ko maintindihan kung ano bang nangyayare sa aking sarili habang nakatitig lamang sa papalayong bulto ng lalaki. Napahawak ako sa aking dibdib na para bang sa ano mag oras ay kakawala na ang akong puso rito.
"Nababaliw na ata ako!" Sabi ko ulit ko sa sarili ko"Aish! Bahala na nga!"
Nagmadali na din akong maglakad dahil lumalamig na. Pagbalik sa bahay ay agad akong naligo at nagbihis hindi na ko lumabas at nahiga na lang sa kama ko para magpahinga. Dama ko parin ang kakaibang kaba sa dibdib ko kahit hindi ko na kasama si Timothy ngayon —napatingin na lamang ako sa kisame ng kwarto ko habang nakahawak sa dibdib ko na hanggang ngayon ay sobrang bilis parin ng kabog. Ngayon ko lang naramdaman to sobrang kakaiba ang damdaming nararamdaman ko na ngayon ay gumugulo sa isip ko.
"Nararamdaman din kaya niya kung anong nararamdaman ko ngayon? Naguguluhan din kaya siya gaya ko o sadyang ako lang ang nakakaramdam ng ganito?"
Madaming tanong na sambit ko, naguguluhan man ay pinipilit ko paring iwaksi lahat ng katanungan sa isip ko at pinilit pakalmahin ang aking sarili. Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na natulog baka sakaling paggising ko ay wala na ang damdaming pilit nililikot ang isip ko.
BINABASA MO ANG
Hindi Tugma
Historical FictionPaano magiging tama ang minsan ng naging maling pag ibig? Kakayanin pa bang ilaban o isusuko na lamang at hindi na muling hihiling ng pangalawa pang panahon para sa kwentong hindi naging maayos ang takbo para sa dalawang taong nagmahal ng totoo ngun...