Pilit na kasalan ay magaganap habang dalawang pusong pilit pinaglayo ay nanlalaban ngunit anong kanilang laban sa tadhanang sila'y pinaglaroan. Nakatanaw sa bintana ng kanyang silid si Leon habang iniisip na sana'y panaginip lang ang lahat at siya'y magising na ng makasama niya ulit ang taong totoong mahal niya.
"Leon ayos ka lang ba bakit tila balisa ka?" Tanong sa kanya ng kanyang Ina.
"Bakit niyo pa tinatanong kung bakas naman sa aking mga mata nahindi ako maayos?" Seryosong sagot ni Leon sa ginang.
"Leon ang pagsagot mo! Ako parin ang iyong Ina!" Galit na asik nito sa binata.
"Alam niyong hindi ko ito gusto at lalong hindi si Kristina ang nais kong maging asawa!" Walang ganang tugon ni Leon
"At sino ang 'yong gusto? Si Lucas na kapwa mo lalaki nag iisip ka ba Leon?" Sigaw ng ginang na umalingawngaw sa buong silid.
"Kung hindi ako nag iisip at kung hindi ko inisip ang banta mo para kay Lucas tingin mo ba'y narito ako sa harap mo habang hinihintay ang makakaisang dibdib ko?"
"Umayos ka sa iyong pananalita Leon! Hindi ka ganyan pinalaki ng iyong ama!"
"Binago mo ako ng bumalik ka sa buhay namin upang kamkamin lahat ng yaman na dapat sa aking ama! Hindi ka pa nakuntinto at pinapaslang mo siya!" Isang malakas na sampal ang lumapat sa kanyang mukha na nanggaling sa kanyang Ina.
"Bakit masakit bang marinig ang katutuhanan Ina? Na sa kabila ng pagbibihis sayo ni Ama nakuha mo siyang traydorin kapalit ng yamang mayroon siya!"
"Wala kang alam sa totoong nangyare Leon kaya huwag mokong pagsasalitaan ng ganyan!" Singhal sa kanya ng kanyang ina bago tuloyang umalis ng kanyang silid.
Napahagulgol na lang ng tuluyan si Leon, hindi niya lubos maisip na hahantong sa ganito ang kanyang buhay. Umibig lamang siya ngunit sakit at pighati parin ang nakuha niya!
"Leon!" Gulat na napalingon si Leon sa may are ng boses na tumawag sa kanya.
"Lucas! Anong ginagawa mo rito? Pano ka nakapasok?"
"Sa tulong ni Alberto! Hindi ako mapalagay pakiramdam ko'y may masamang mangyayare kaya ako naparito!"
"Ayos lang ako! Wag kang mag alala sige na umuwi ka na maya maya lang ay tutungo na kami sa simbahan pag dating ni Kristina!"
"Hindi yun ang gustong sabihin sakin ng mga mata mo Mahal ko! Hindi ko lubos akalain na ikakasal nga tayo ngunit sa magkaibang tao!" Malungkot na sabi ni Lucas.
"Wala tayong magagawa! Kailangan nating tanggapin kung ano ang nakatakda! Sige na Lucas umalis ka na tiyak na hinahanap ka na rin ng iyong ama dahil siguradong naghihintay na din sayo si Beatriz!"
Inabot ni Lucas ang mukha ni Leon at hinalikan ito. Sabay silang lumuha ng sa huling pagkakataon ay maglapat ang kanilang mga labing sabik sa bawat isa. Mahigpit na napapikit ang dalawa dinadama sa huling pagkakataon ang pagmamahal nila para sa isa't isa. Unang kumawala sa halik si Lucas na hawak parin ang mga pisngi ni Leon bago pinagdikit nito ang kanilang mga noo.
" Pinapangako kong hindi rito magwawakas ang pagmamahal ko sayo Leon! Hanggang sa susunod na buhay Mahal ko muli tayong magtatagpo!"
Pagkasabi niyon ay umalis na si Lucas. Nanlulumong napaupo si Leon at tuluyan ng napahagulgol ng iyak dahil sa lungkot na hindi na maikukubli pa. Gusto man niyang sumunod sa taong tunay niyang minamahal ay hindi niya magawa dahil sa takot sa banta ng kanyang ina.
•••••••••••••
"Tim!"
Napabalikwas ng bangon si Timothy sa tawag ng kanyang ate.
"Bakit ate?"
"Umiiyak ka na naman bumangon ka na! May pasok ka diba?"
"Umuulan pa ba?"
"Hindi na kaya tumayo ka na at maghanda para makapasok ka na!"
"Sige salamat sa pag gising sakin ate!"
Kumilos na si Timothy para maghanda sa pagpasok. Dama parin niya ang lungkot na lagi na lang niyang nararamdaman tuwing umuulan —ang pinagkaiba lang ay hindi umuulan ngayon ngunit nalulungkot parin siya. He look at his reflection on the mirror —namumugto ang kanyang mga mata na parang kagagaling lang sa mahabang pag iyak. Hanggang sa makarating Siya sa kanilang paaralan ay dama parin niya ang kakaibang bigat na di niya alam ang dahilan. Nakayuko lang siya hanggang sa dumating ang kanilang guro at ang isang binatang nagmamadali at halatang galing sa pagtakbo.
"G-Good morning Ma'am Faye sorry for being late!" Hingal na sabi nito.
"It's ok Nathan, kadarating ko lang din naman! Go to your seat so we can start the discussion!" Nakangiting sabi ng guro bago nagtungo sa kanyang lamesa.
Naglakad naman si Nathan papunta sa kanyang upuan habang naglalakad ay nagtama ang kanilang mga mata na naghatid ng kakaibang kabog sa kanilang mga dibdib. Damdaming tila pamilyar kahit babago pa lang silang magkakilala —damdaming mali ngunit parang tama sa kanila. Parang huminto ang oras habang nakatitig sila sa isa't isa —napaiwas na lang sila ng sabay ng makalapit na si Nathan sa kanyang upuan. Tahimik na umupo ang huli at nag umpisang makinig sa tinuturo ng kanilang guro —habang si Timothy naman ay aligaga parin dahil sa malakas na kabog ng kanyang dibdib. Maya maya pa ay pinakuha na ng kanilang guro ang kanilang libro para makapag umpisa na sila sa kanilang lesson.
"Timothy are you alright?" Tanong ni Nathan sa katabi habang di inaalis ang tingin sa kanyang libro.
"Ah —Yeah I'm alright! Why?" Nauutal na sagot ni Timothy
"Can you read your book?"
"Of course!"
"Really? Even you're holding it in a wrong way?"
Napamaang naman si Timothy sa sinabi ni Nathan at napatingin sa kanyang libro na nakabaliktad pala. Natatawang ibinalik ni Nathan ang tingin sa kanyang libro habang si Timothy naman ay napakamot na lang sa kanyang ulo bago inayos ang kanyang libro.
"Tangina nakakahiya ka Jeon Timothy Estrada!" Sambit niya sa kanyang isip.
Habang nakatingin sa kani kanilang libro dama parin ni Timothy ang kakaibang kabog ng kanyang dibdib na ni minsan ay hindi niya inaasahang mararamdaman niya sa taong ngangayon lang din niya nakilala. Damdaming alam niyang sa mata ng lahat ay mali kahit pa ipilit niya kung sakali —malakas na napabungtong hininga na lamang siya bago nag umpisang magbasa at pilit na winawaksi ang nasa isipan niya. Hindi mali pero hindi parin tama ang nararamdaman niya lalo na kung sa taong hindi pa naman niya lubusang nakikilala.
BINABASA MO ANG
Hindi Tugma
Historical FictionPaano magiging tama ang minsan ng naging maling pag ibig? Kakayanin pa bang ilaban o isusuko na lamang at hindi na muling hihiling ng pangalawa pang panahon para sa kwentong hindi naging maayos ang takbo para sa dalawang taong nagmahal ng totoo ngun...