Kabanata 8

12 6 0
                                    

Ilang linggo na ang nakalipas ng ikasal ako kay Beatriz. Hindi ko lubos maisip na magiging napakabuti niyang asawa sa kabila ng hindi ko pagmamahal sa kanya gaya ng pagmamahal niya sa akin.

"Alam kong gusto mong lumabas upang makita si Leon! Bakit hindi mo gawin Lucas hindi naman kita pinipigilan. Alam ko ang lugar ko sa buhay mo at tanggap ko iyon!"

"Ano bang sinasabi mo Beatriz?"

Imbes na sumagot sa tanong ko ay ngumiti lamang siya sa akin bago muling nagsalita.

"Puntahan mo na siya Lucas! Dahil baka magsisi ka pag hindi mo na siya naabutan!"

"Anong sinasabi mo?" Takang tanong ko

"Aalis na sila ni Kristina patungong Madrid! Kaya dalian mo na habang may oras ka pa!"

Sa sinabi niya ay para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. Lumapit ako sa kanya at siya'y niyakap.

"Patawarin mo ako Beatriz! Maraming salamat!"

"Wala yun Lucas hangad ko ang kaligayahan mo at alam kong hindi ako yun kaya sige na gusto kong maging masaya ka kahit sa huling pagkakataon Mahal ko! Puntahan mo na siya"

Kumawala ako sa yakap at muli siyang tinitigan kitang kita ko ang lungkot na namumutawi sa kanyang mga mata —pinagdikit ko ang mga noo namin bago humingi muli ng tawad pagkatapos ay nagmadali na akong magtungo sa daungan para makita so Leon na aalis na.Palinga linga ako sa paligid ng makarating ako sa daungan nagbabakasakaling makita siya dun habang nagmamadaling makalapit sa barkong malapit ng lumayag.

" Leon!"

" Lucas! Andito ka!" Niyakap ko siya ng walang pag aalinlangan."Salamat at naabutan kita! Bakit kailangan mong umalis? Bakit kailangan mokong iwan?"

"Mahal ko alam mong hindi ko to gusto ngunit wala tayong magagawa kundi tanggapin ang katutuhanan na kahit anong pilit natin ang ang mali ay hindi kailanman magiging tama!"

Bumuhos ang aking mga luha habang nakatitig sa kanya. Wala na na talagang pag asang maging akin siya —tanong na paulit ulit tumatakbo sa isip ko. Tanong na ayokong masagot lalo na at alam kong ikasasakit ko lang ito.

"Maghihintay ako hanggang sa mali nating pagmamahalan ay maging tama sa mata ng karamihan! Mag iingat ka, at lagi mong tandaan na kahit nasaan ka ay Mahal Kita!" Pagkasabi ko nun ay binitawan ko na ang mga kamay niya muli ay mag unahan ang mga luhang hindi na ata mauubos pa.

Dahan dahan akong naglakad palayo sa kanya —palayo sa taong aking naging pahinga na ngayon ay pahinga na ng iba.

"Marahil hindi ngayon Leon marahil sa susunod nating yugto Mahal ko!" Sambit ko bago tuloyang tumakbo paalis sa Lugar kung saan ko pinalaya ang mundo ko.

Nathan's POV

Matapos naming kumain ay umalis na kami.

Hindi TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon