Jk's POV
" Jm no! Jm!" Pilit ko siyang ginigising ngunit hindi na siya magising
Pumasok na din ang doctor para irevive siya. Nanlulumo ako habang tinitignan siya, hindi pa niya ako pwedeng iwan. Tumigil na ang doctor sa pagrevive sa kanya at napailing ito
" Time of death 10:13 pm!"
" N-no, no doc please do something save him!" Pagmamakaawa ko sa doctor
" I'm sorry Mr. Martinez pero wala na siya."
Napuno ng iyakan naming tatlo Ang silid habang ang doctor at nurses naman ay iniwan na muna kami. Napaluhod ako sa sobrang paghihinagpis, patuloy lang sa pagbuhos ang mga luha ko.
" Napakadaya mo! Hindi ito ang pinangako natin sa isa't isa Jm! Hindi ito!"
Walang lakas ang mga paa para lapitan ang walang buhay niyang katawan. Patuloy lamang akong lumuluha habang pinagmamasdan siya na nakahiga sa kama at wala ng hininga.
Masakit sobrang sakit na sa pangalawang pagkakataon nawala sakin ang taong pinaka mamahal ko.
3 months later....
Nagpunta ako sa puntod niya bago tuloyang umalis at mangibang bansa. Tatlong buwan na ang nakalipas ngunit sariwa parin ang sakit ng kanyang pagkawala.
" Mahal ko, ito na muna siguro ang huling pagbisita ko sayo! Lalayo muna ako lalo na't hindi ko parin matanggap ang pagkawala mo!" Pagkausap ko sa kanyang puntod.
" Napakadaya mo Jm! Iniwan mo lang ako dito mag isa, sana'y masaya ka na sa kinaroroonan mo ngayon! Mahal na Mahal kita! At kahit ano pang iyong sabihin hahanapin parin kita sa susunod muli nating buhay!"
" Jk?"
Lumingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Joanna kasama ang anak nila ni Jm.
" Joanna!"
" Hindi ako narito para makipag away, gusto ko lang magpaalam kay Jm ng maayos bago kami bumalik sa ibang bansa! Jacob wanna see his dad too for the last time!"
" Aalis kayo?"
" Yes for our own good din!"
" I see! Sana pumunta kayo nong wake niya! Para man lang nakita pa ni Jacob ang daddy niya!"
" To be honest, I wanna bring him on his dad's wake! Pero wala akong mukhang maihaharap sa inyo, sa mga nagawa ko kay Jm hindi ko na alam kung pano pa haharap sa pamilya niya."
" Jm is a good person at alam kong napatawad ka na niya!"
" I'm sorry Jk! Kung hindi kami bumalik baka kasama mo parin siya! Sorry kung naging selfish ako at hindi ko inisip ang mararamdaman niyo!"
" Tapos na yon! All we need to do now is to move on and forget all the bad things happen! Masaya na si Jm kung asaan man siya ngayon yon ang importante!"
At the last time tinitigan kong muli ang puntod niya.
" I'm leaving now love! Until we meet again!" Sabi ko sa huling pagkakataon
" Mauna na ako Joanna! Mag ingat kayo ng anak mo! Love him because you're lucky that you have Jm's last memory!"
" Salamat Jk mag iingat ka din!"
Tumalikod na ako at naglakad papalayo sa puntod ng taong pinakamamahal ko. Muli sa huling pagkakataon ay bumuhos ang mga luha ko.
" Hinding hindi ka mawawala sa puso ko Mahal ko!"
Wakas......
A/N:
I dedicate this chapter to my very supportive dongsaeng SnowyZen . I really appreciate you for supporting me from the very start hoping that you'll still support me on my upcoming works. Love love 💜
BINABASA MO ANG
Hindi Tugma
Historical FictionPaano magiging tama ang minsan ng naging maling pag ibig? Kakayanin pa bang ilaban o isusuko na lamang at hindi na muling hihiling ng pangalawa pang panahon para sa kwentong hindi naging maayos ang takbo para sa dalawang taong nagmahal ng totoo ngun...