Kabanata 64

8 2 3
                                    

Jk's POV

Habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko maiwasang hindi maluha dahil sa kalagayan niya. Muli na naman siyang sinalinan ng dugo dahil sa sakit niya. Hindi man niya masabing nahihirapan na siya alam ko at kitang kita kong hirap na hirap na siya.

" Jk ok ka lang ba? Kanina ka pa umiiyak!" Tanong sakin ni ate Andrea

" Ok lang ako ate wag kang mag alala sakin! Kayo ni ate Nika umuwi muna kaya kayo ako na muna dito!"

" Jk hindi! Alam naming nahihirapan ka din kaya dito lang din kami, hindi ngayon ang tamang oras para iwan ka namin!" Ate Nika said

" Magpakatatag ka Jk, pagsubok lang to mas matindi pa dito ang mga pinagdaanan niyo noon!" Andrea

" Habang tinitignan ko siya nadudurog ako ni hindi ko man lang siya mayakap! Nasasaktan ako dahil hindi niya ako maalala pero mas gugustohin ko pa yong ganto kaysa naman tuloyan siyang mawala!" Sabi ko habang lumuluha

"Mahal ka niya Jk! At alam ko na maaalala ka rin niya!"

" Pano kung hindi ate Andrea pano? Hindi ko ata kakayanin kung tuloyan siyang mawala sakin!"

" Magtiwala ka lang Jk! Hindi ka man niya maalala ngayon ikaw parin ang pipiliin niya kahit anong mangyare tandaan mo yan!"

" Kita niyo ba yong anak niya? Kamukhang kamukha niya yong bata, masaya siguro kung magiging buong pamilya sila!"

" Jk!"

" Jk ano bang sinasabi mo! Pano ka huh? Pano ka kung magpapaunaya ka na lang!" Galit na Sabi ni ate Nika

" Ayokong maging selfish, kung ipipilit ko na ako yong piliin niya wala paring mangyayare! Nakalimutan niya ko, ako na pinangakuan niyang mamahalin niya hanggang dulo! Ang sakit sakit sobrang sakit na!" Muling bumuhos ang mga luha ko kasabay ng paghigpit ng kapit niya sa mga kamay ko.

Napatitig ako sa kanya, kitang kita ang paghihirap sa kanyang mga mata. Unti unti ay nag unahan ang mga luha sa kanyang mga mata.

" L-leon!"

Nanlamig ang buong pagkatao ko sa tinuran niya.

" Naaalala na niya! Naaalala na niya!" Bulalas ni ate Nika

Dahan dahan siyang bumangon, kitang kita na ang pamumutla at panghihina niya. Inalalayan ko siya dahil nahihirapan na siya sa pagkilos.

" B-bakit? Bakit h-hindi mo sinabi sakin agad?" Tanong niya sa nanghihinang boses

" Dahil gusto kong maalala mo muna Lucas! Maling ipilit ko sayo kung maging ang isip mo'y hindi ito matanggap!"

" H-hinintay mo pang mahuli ang lahat! K-kung hindi ko pa naalala, m-mawawala ako sa mundong to na hindi ka man lang nakilala!"

" W-walang mawawala Jm! Nangako ka! Diba lalaban ka para sakin, para satin! Mahal ko wag mong gawin sakin ito!" Sabi ko at inabot ang kamay niya at mahigpit yong hinawakan bago hagkan.

Patuloy na bumubuhos ang mga luha ko at ganon din siya, tahimik lang si ate Andrea at ate Nika habang pareho ring umiiyak.

" H-hirap na ako Jk! R-ramdam ko na ang panghihina ko!"

" Wag mong sabihin yan para mo ng awa! Lalakas ka, gagawin natin ang lahat para lang lumakas ka! Jm hindi dito matatapos ang kwento natin nakikiusap ako sayo! Lumaban ka pa!" Pagsusumamo ko sa kanya

" A-alam mo bang masaya ako? M-masaya ako na sa pangalawang p-pagkakataon nakita kita! Nakasama, minahal at patuloy na m-minamahal!"

" Alam ko Jm dahil yon din ang nararamdaman ko! Pero pakiusapan lumaban ka para sa atin! Lumaban ka!"

" Jm please! Lumaban ka! Hindi kami papayag na dito na lang matapos lahat!" Ate Nika

" S-salamat! Kahit sa pangalawang p-pagkakataon ay napakabuti mo kahit s-sakit lamang ang naidulot ko sa iyo!"

" It's nothing! Makita ko lang na masaya kayo ok na yon kaya lumaban ka para sa inyong dalawa! Nagsusumamo kami sayo Jm!" Sabi ni ate Nika habang umiiyak

Tinignan niya kami isa isa bago huminga ng malalim.

" Please don't take him from me! Hindi pa all handa!" Sambit ko sa aking isip

Hindi TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon