The next day
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko na nagmumula sa bintana ng kwartong tinutuluyan ko. Nakalimutan ko nga palang magsara ng bintana kagabi bago ako matulog. Bumangon na ako at nag ayos ng sarili, nasa isip ko parin ang mga sinabi ni Nathan kagabi. Ayokong magkailangan kami, ayokong masira ang kauumpisa pa lang naming pagkakaibigan ng dahil lang sa pag amin niya sakin.
"Bakit kasi sa lahat ng tao ikaw pa? Ang hirap Nathan mababaliw ako dahil sayo!" Anas ko habang nakatitig sa sarili ko sa salamin.
Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na din ako, ang tahimik parin kahit umaga nakakagaan ng pakiramdam. Nagtungo ako sa kusina para sana magluto pero andon na si Nathan at nakapaghanda na ng pagkain.
"Oh gising ka na pala! Good morning!" Nakangiting bati niya sakin.
"Good morning, ang aga mo ata?" Ganting bati ko sa kanya na hindi parin siya magawang tignan sa mga mata.
"Ah oo! Balak ko kasing mamasyal, gusto mo bang sumama?" Tanong niya na nakapagpatingin naman sakin ng deretso sa kanya.
"Sige ba! Gusto ko ding malibot tong islang!" Nakangiting sagot ko.
"Then let's eat para makapaglibot tayo ng maaga!" Aya niya sakin kaya naman naupo na ko sa tapat niyang upuan.
Nag umpisa kaming kumain at nahimik lang hanggang matapos kami. Ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin para makapaghanda na din si Nathan. Tahimik lang ako hanggang matapos ako sa ginagawa ko at naglakad palabas sa balkonahe ng bahay nila Nathan.
"Timothy?" Maya maya ay dinig kong tawag sakin ni Nathan.
"Tapos ka na?" Tanong ko at tumango naman siya kaya naglakad na ko palapit sa kanya pero natigilan ako ng magsalita siya.
"About last night, I'm sorry hindi ko gustong mailang ka sakin! I just told you what I feel!" He sincerely said.
"Ano ka ba! Ok lang yun, nothing to worried about di ako naiilang! Ako nga ang dapat magsorry kasi inisip mo na naiilang ako! Hindi ko lang talaga alam kung anong isasagot ko sayo kagabi." Pag amin ko.
"Bago to para sakin Timothy! Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko itatanggi na nahuhulog na ko sayo! Kasi yun naman talaga ang nararamdaman ko."
"I want to be honest to you Nathan, kahit mali pero pareho lang tayo ng nararamdaman. Alam ko ang bilis pero hindi ko naman mapipigilan ang damdamin ko hindi ba? Mali man pero hindi naman masamang nangyare to satin nahulog lang naman tayo ng hindi natin pareho inaasahan! Pero ayokong masaktan tayo pareho dahil lang sa nararamdaman natin Nathan—ayokong magsisi sa huli." Seryosong sabi ko sa kanya na halatang ikinagulat din niya.
"Hindi naman natin malalaman kung hindi natin susubukan! Wala namang masama kung susubok tayo diba?" Seryosong sabi niya.
"Nathan!"
"I'm sorry, nabibigla ata kita lalo! Don't mind it na lang, ano tara na?"
"Sige!" Tipid na sagot ko bago siya hinayaang maunang lumabas.
Nathan's POV
Nauna na akong lumabas ng bahay at hinintay na lamang si Timothy sa harap ng bahay. Ayoko mang aminin pero nasasaktan ako, nasasaktan ako na nararamdaman ko to sa maling tao! Alam kong mali pero gusto ko paring subukan, na baka sakaling ang mali ay pwede ding maging tama. Pero sa reaksyon ni Timothy mukhang malabo ngang maging tama ang hindi tugma.
"Ang daya mo talaga destiny! Trip na trip mo paglaroan puso ko noh!" Inis na ani ko.
"Sinong kinakausap mo Nathan?" Bigla namang nagsalita si Timothy sa likuran ko.
"Ay palaka ka!" Gulat na sabi ko.
"Hoy anong palaka? Sa gwapo kong to palaka?" Sabi naman niya na ikinairap ko.
"Bat ka kasi nanggugulat tanga nito!" Asik ko sa kanya
"Sorry na tulala ka kasi para kang nawalan ng kaluluwa tapos nagsasalita ka pa mag isa!" Pang aasar niya pa.
"Tatawa na ko?" Banat ko naman na ikinatawa niya.
"Bahala ka nga pandak!" Sabi niya at nagpatiuna ng maglakad.
"Anong sabi mo?" Tanong ko, binilisan naman niya ang kanyang lakad bago sumagot.
"Sabi ko pandak ka!" Pagkasabi nun ay kumaripas na ito ng takbo.
"Hoy bumalik ka dito! Impakto! Humanda ka pag nahuli kita!" Sigaw ko habang sinusubukan naman siyang habulin.
"Gwapong impakto kamo!" Sigaw din niya pabalik.
"Mahangin kang lalaki ka!" Sigaw ko bago siya muling habulin.
Naghabulan na nga kaming dalawa hanggang makarating kami sa dalampasigan. Huminto sa pagtakbo si Timothy at naupo sa buhangin habang habol habol ang hininga. Natawa naman ako dahil sa ayus niya na parang batang katatapos lang makipaglaro.
"Nakakapagod!" Reklamo niya ng makalapit ako sa kanya.
"Sino ba kasing may sabing tumakbo ka?" Ani ko bago naupo sa tabi niya.
"Eh bat moko hinabul?" Balik tanong niya.
"Tumakbo ka nga kasi!" Sagot ko.
"Pero hinabul mo nga kasi ako!" Pamimilit niya pa.
" Tuma-! Ay bahala ka nga kulit mo!" Pagsuko ko dahil di kami matatapos sa pagsisisihan dahil sa kakulitan niya.
"Pandak ka lang kasi talaga!" Pang aasar niya muli sakin na ginantihan ko naman.
"Impakto!"
"Correction gwapong impakto!"
"Ewan ko sayo!" Pagsuko ko na lang ulit.
"Thank you!" Sabi niya bigla dahilan para tignan ko siya.
"Thank you saan?"
"Basta thank you!"
"Para saan nga?" Ulit na tanong ko.
"Because you feel in love with me, atleast ngayon hindi one sided love!" Natatawang sabi niya.
"Mali naman sabi mo nga!" Sagot ko bago nagbawi ng tingin sa kanya.
"Gusto kong subukan! Kahit mali!" Halos bulong na sabi niya.
"Timothy?" Gulat na napatingin ulit ako sa kanya.
"Mali man Nathan pero mas mali kung hahayaan kong pigilan Ang nararamdaman ko sayo! Baka mabaliw ako!" Seryosong sabi niya
"So what do you mean!" Tanong ko para makasigurado sa gusto niyang iparating.
"Ang pandak mo na nga slow mo pa!" Inis na sabi niya dahilan para hampasin ko siya sa kanyang braso.
"Bwesit ka nang asar ka pa!"
"Ang slow mo kasi!"
"Ano nga kasi?"
"Let's try nga! Pagbalik natin dito next week saka tayo magdesisyon. Kung itutuloy ba natin ang nararamdaman natin o pipigilan na lang natin! Let's give it a shot now until we came back to Manila."
"Are you serious?" Tanong ko ulit.
"Mukha ba akong nagbibiro?" Tanong niya halatang naiinis na sa paulit ulit ko.
"I just want to make sure! If that's what you want then let's give it a try! Thank you Tim!" Sabi ko na nakangiti sa kanya.
Ngumiti siya sakin bago muling tumingin sa dalampasigan. Masaya akong napatingin na lang din sa tinitignan niya. Ang sarap sa pakiramdam pagmasdan ang ganda ng paligid habang kasama ang taong nagbibigay ng kakaibang saya sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Hindi Tugma
Historical FictionPaano magiging tama ang minsan ng naging maling pag ibig? Kakayanin pa bang ilaban o isusuko na lamang at hindi na muling hihiling ng pangalawa pang panahon para sa kwentong hindi naging maayos ang takbo para sa dalawang taong nagmahal ng totoo ngun...