Kabanata 14

7 3 0
                                    

Liham para kay Lucas Espinoza

Ika-25 ng Mayo taong 1846

Mahal kong Lucas,
         Sa mga sandaling ito marahil ay nasa magkabilang panig na tayo ng Mundo. Kasama ang ating kanya kanyang asawa at bumubuo ng mga panibagong alaala. Hindi man Tayo hinayaan ng panahon na magtagal at maging masaya sa piling ng isa't isa, nangangako ako sayo na kahit malayo ka ay ikaw parin ang aking sinisinta. Kung kasama lamang Kita nakikita mo sana ang ganda ng lugar na ito, hindi nalalayo sa itsura ng dati nating tagpuan. Kay bilis ng panahon singbilis ng kung pano Tayo pinaglayo, ayokong manisi pero masakit na hindi kita kasama sa mga panahon na kaylangan Kita. Nangungulila ako sa iyong pagmamahal Lucas, hindi ko inakalang sa paglayo ko mas mararamdaman ko kung gano ka kahalaga sa buhay ko. Ikaw Ang pahingahan ko, sandigan at naging buhay ko sa loob ng mahigit isang taon. Ika 13 ng Pebrero taong 1845 ng tayo'y magkakilala at mahulog sa isa't isa at taong 1846 ng tayo'y pinaglayo nila, sadyang napakadaya at napakasakit na hindi ko man lang naipaglaban ang taong siyang tunay Kong minamahal! Nais kong mabatid mo Mahal ko king gano Kita kamahal naway sa liham na ito iyong maunawaan na minsan mang naging mali ang ating pag iibigan mananatili paring Ikaw ang aking nag iisang tunay na minamahal. Hanggang sa ating susunod na buhay Lucas Espinoza ikaw at ikaw parin ang tunay kong mamahalin. Hindi man maging tama sa pangalawang pagkakataon, hindi parin ako magsisisi na kahit Mali ay tinupad ko ang aking pangako na ikaw parin ang mamahalin hanggang sa sunod na buhay kung papalarin.
                                - Leon Madrigal

Liham para kay Leon Madrigal

Mi Amor,
     Marahil ay masaya ka sa kinaroroonan mo, sana ay tunay at walang halong lungkot ang ngiti na sumisilay sa iyong maamong mukha. Alam mo bang hindi na ako nagtutungo sa tagpuan natin noon, dahil dama ko parin ang sakit, lungkot at paghihinagpis na dulo't ng paglayo mo. Hindi ko lubos maisip na kinaya kong talikuran ka at maglakad palayo sayo. Naging sandigan Kita nong panahong lugmok ako pero bakit ikaw din ang naging dahilan kung bakit ako muling nalubog sa kumunoy na pinag alisan mo sa akin noon. Naaawa ako sa aking Asawa na walang ibang ginawa kundi pagsilbihan at mahalin ako sa kabila ng hindi ko pagmamahal sa kanya gaya ng pagmamahal ko sayo. Leon tunay na napakasakit ng paglayo mo, hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano babangon upang magpatuloy sa buhay kahit hindi na Ikaw ang katangan. Hindi ko kaylan man naisip na mahuhulog ako sa isang lalaki, ngunit simula nong Ikaw ay nakilala handa akong sumugal ng paulit ulit maging masaya lamang sa piling mo na siyang tunay na minamahal ko. Leon hindi man ngayon pangako sa susunod na buhay ay ilalaban ko ang kung anong meron tayo. Hindi ako susuko na sana sa susunod nating pagtatagpo, ang minsan ng naging mali ay maging tama naman. Mahal na Mahal Kita Leon hindi nawawala iyon! Naging madamot satin ang panahon na sanay hindi na lamang upang sana'y nanatili ka at hindi na lumayo. Sa paglubog ng araw alaala ng nakaraan ay patuloy na naglalaro sa aking isipan. Hindi kita kaylan man makakalimutin Mahal ko hanggang sa susunod na buhay ikaw parin ang pipiliin ko kahit Mali sa mata Ng mga Tao. Mag iingat ka palagi, ang iyong kaligayan at kaligtasan lang ang tangi Kong dalangin. Mahal Kita at hindi iyon magbabago.
                               - Lucas Espinoza

Hindi TugmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon