Masakit na Pangyayare
Lucas POV
Naglalakad ako sa dalampasigan kung saan naganap ang aming pag iibigan. Ilang taon na ang lumipas ng Siya ay lumayo kasama ang kanyang asawa, ngunit sariwa parin ang sakit sa aking dibdib! Hindi parin mawala ang galit sa aking puso sa mga taong pilit kaming pinaglayo. Tinanaw ko Ang karagatan habang unti unting sinasariwa ang mga ala ala na nabuo sa lugar na ito!
" Napakadaya ng panahon Mahal ko! Inilayo ka sakin kung kaylan kaylangan mo ako! Sana man lang ay nadamayan kita sa mga panahong nahihirapan ka dahil sa iyong karamdaman!" Sambit ko kasabay ng pagbuhos ng mga luhang pinipigil ko.
" Kay sakit na ilang taon ka na palang wala ngunit ngayon ko lamang nalaman! Pinagkait sakin ang katutuhanan, maging ang iyong asawa'y hindi ako sinabihan bagkos ay sinisi pa niya ako sa iyong pagkawala!"
Napaluhod ako sa buhangin, punong puno ng hinanakit habang ako'y tumatangis.
" Kay bigat sa dibdib Leon! Kay sakit na nawala ka ng hindi ko nalalaman, anong kay daya ng tadhana!"
Bumuhos pang lalo ang aking mga luha at biglang nagsimulang bumuhos ang ulan kasabay ng pagbuhos ng mga ala ala naming hindi ko kaylan man malilimutan!
Pagbabalik tanaw
" Mahal ko mag ingat ka at baka ka madulas!" Sigaw ko habang nakatingin kay Leon na tumatakbo pabalik sa pampang. Kay saya niyang pagmasdan habang papalapit sa akin.
" Kay ganda ng lugar na ito hindi ba mahal ko!" Wika niya
" Siyang tunay Mahal! Tahimik walang gulo at tayo lamang dalwa rito!"
Lumapit siya sa akin at humiga sa aking mga hita.
" Sana'y ganto na lamang tayo palagi! Walang takot at pangamba na baka may makakita sa atin! " Sambit niya sa seryosong boses
" Sana nga, sana'y ibigay na lamang satin ng tadhana ang kaligayahan na ating hinahangad!"
" Mangyayare yan mahal ko! Pangako ko yan sayo, hindi man ngayon pero sa susunod nabuhay natin! Hinding hindi ako magmamahal ng iba ikaw lamang hanggang sa huli kong hininga!" Sabi niya at inabot ang akong mga labi ng labi niya.
Hinawakan ko ang kanyang pisngi habang dinadama ang labi ng isa't isa. Hindi man tama ngunit pinilit nameng maitama pero sadya atang madamot ang tadhana kung kaya't hanggang ngayon ay tinatago parin namen ang aming pagmamahalan. Bumitaw kami sa halik ng isa't isa hindi ko namalayan na may luha na pala sa aking mga mata.
" Bakit ka umiiyak Mahal ko?" Tanong niya at napabangon sa pagkakahiga sa aking hita
" Masaya lamang ako, dahil kasama kita rito! Mahal na Mahal Kita Leon, handa akong maghintay ng tamang panahon para sa ating pag iibigan! Handa akong isugal lahat para lang sayo!" Sambit ko kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko
" Maging ako Lucas! Asahan mong gagawin ko din ang lahat para sayo! Hanggang sa susunod na buhay mahal ko ilalaban kita!"
Niyakap namin ang isa't isa, kasabay ng malakas na buhos ng ulan nangako kami na hindi kaylan man mapuputol ang aming pagmamahalan kahit na sa susunod pang buhay.
Kasalukoyan
Naglakad ako patungo sa dagat na para akong tinatawag. Wala akong ibang marinig kundi ang malakas na buhos ng ulan, patuloy akong lumuluha habang palalim ng palalim ang tubig na aking nilalakaran.
" Hintayin mo ako mahal ko! Magkakasama na rin tayo!" Mga huling katagang binitawan ko bago ako tuloyang lumubog sa dagat na minsan ding naging saksi ng pagmamahalang Hindi Tugma.
Third person POV
" Alam ko kung gaano mo siya kamahal Lucas at naiintindihan ko kung bakit mo kami iniwan! Pangako na tutulongan kitang makasama siyang muli sa susunod na buhay! Mahal kita, minahal kitang tunay ngunit sana sa susunod nating buhay ay kapatid na lamang kita nang kaylan may hindi na ako masaktan pa! Hanggang sa susunod nating pagkikita Mahal ko!"
BINABASA MO ANG
Hindi Tugma
Historical FictionPaano magiging tama ang minsan ng naging maling pag ibig? Kakayanin pa bang ilaban o isusuko na lamang at hindi na muling hihiling ng pangalawa pang panahon para sa kwentong hindi naging maayos ang takbo para sa dalawang taong nagmahal ng totoo ngun...